MOVIE REVIEW: F#*@BOIS (Eduardo Roy, Jr., 2019)

6696AADD-7031-4947-8FFB-A0C396E3A6CF

SPOILER ALERT!!

Frontrow and center ang fearless performance dito ni Ricky Davao. Wala akong maisip na ibang veteran actor na kayang buong tapang na dila-dilaan at isubo ang paa ng ibang tao (juskopo, sana naman nagpa-foot spa muna si Fuccboi #1 bago gawin ang eksena). Nangangamoy grand slam siya ngayong taon ha.

If you’ve seen Pamilya Ordinaryo or Quick Change, hindi ka na maninibago sa takbo at style ng pelikulang ito. Yung todo sa stress levels tapos wala ka naman magawa kundi manood at ma-stress pa lalo. Tapos hindi ka bibigyan ng malinis na resolution kaya gusto mo na lang umuwi at mag-shower agad agad.

Nagustuhan ko na ipinakita dito ang mundo nina Ace (Royce Cabrera) at Mico (Kokoy de Santos, a revelation) bilang mga sex workers slash konteseros. Ramdam yung desperation na kumita ng pera habang rumarampa na halos labas ang kaluluwa maliban sa tube sock na nakapasok sa kanilang bikini.

(Side note: Hindi ko alam kung intentional pero ang ganda na yung pattern ng dugo sa likod ni Ace pagkatapos ng saksakan ay parang parte ng design sa national costume niya nung bikini open.)

Sana lang mas naging invested pa ako sa characters nila. Hindi kasi umabot sa point na halos mabaliw na ako kakaisip kung nasaan si Baby Arjan. Siguro rin kasi may negative perception agad talaga sa mga fuccbois. Kasalanan na naman ‘to ni Gerald.

Rating: ★★★☆☆

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s