#JOWABLE (Darryl Yap, 2019)

8C1BDD74-10E7-46D2-83BD-101BDDD4F8D0

SPOILER ALERT!!

Minsan natatawa na lang ako kapag nakakabasa ng viral post sa Facebook na “10 Realizations After Watching (Name of Buzzworthy Movie)”. Usually kasi napaka-basic ng mga thoughts na nakalista kaya napapaisip ako kung sadyang na-realize lang ba niya talaga ang mga yun after mapanood ang pelikula o isinali na lang lahat ng maisip na hugot na pwedeng i-relate para mag-trend. Very similar sa mga yun ang feeling ko dito na parang Spoken Word Poetry Presents Hugot: The Movie. Like, totoo gurl ngayon mo lang nalaman na mas importante ang pagmamahal ng nanay at mga kaibigan mo kesa sa search for a jowa?

Hindi ako magugulat kung maging box office hit ito kasi sikat talaga online ang source material (pati ang ibang polarizing short films made by the same group). Admittedly, I liked some (parts) of the shorts kasi nakakatawa naman talaga. Bearable ang specific jump cuts style at linyahan niya na puno ng hugot at sigawan. Unfortunately, what worked on a free platform didn’t translate well sa big screen na may kasamang ticket price of Php240. Parang mas mahirap tumawa kapag may bayad na yung recycled material na napanood mo na sa Facebook. Kung tutuusin, even yung majority of the film’s highlights andun na din sa trailer (halos lahat ng scenes dun were just extended to around 10-15 minutes pero wala masyadong added humor).

Sayang kasi ang galing talaga dito ni Kim Molina na super committed sa role, lalo na dun sa scenes that didn’t require her to overact. Nung nasa chapel siya na nagmamakaawa for a jowa, mas naramdaman ko gaano siya ka-desperate to feel loved nung huminahon na siya habang sinasabi ang linyang “Bigyan mo naman ako ng isang taong magmamahal sa akin, Lord”. (Of course, undeniable naman na mahusay din siya kumanta. Fave ko pa rin yung biglang birit niya ng chorus ng Narito Ako sa Bossaboss short.)

Sana lang talaga mas sympathetic ang character niya na si Elsa Mangahas. Jowable daw siya at nasa kanya “lahat ng ginugusto ng mga lalaki sa mundo” pero nuknukan naman ang sama ng ugali niya kasi tinawag niyang mukhang kulubot na bayag at bilog at mukhang bola ang mga kaibigan niya. Minura niya ang isang tindera kasi binentahan siya ng couple shirt tapos alcoholic pa siya na may dalang thermos ng Red Horse at araw-araw nagpapakalasing kahit kasama ang isang bus ng mga bata. Ang idea niya ng perfect girlfriend eh yung magsisilbi ng pulutan sa jowa niya na naglalaro ng DOTA. Tapos blatantly racist pa siya na di makilala ang Indian (also ang daming putok jokes dito) na naka-one night stand kasi lahat naman sila naka-turban. Sorry girl pero baka hindi mo deserve ang wish mo na “madurog ang mani”.

But wait, I haven’t even discussed the other problematic parts tulad nung pagsampal sa kanya ni “Bumbay” during sex na supposedly comedic. Or yung attempted suicide na mined for laughs (di ko din maintindihan ang logic ng nanay niya dito na si Kakai Bautista na pinakamamahal daw nya ang anak nya pero uminom ng sandamakmak na vitamins matapos iwan ng jowa; also, kaya daw niya mahal na mahal anak niya eh kasi yun ang mag-aalaga sa kanya pagtanda niya luh!). Or yung scenes na kelangan laging nakabukaka si Kim or labas ang panty or basta naghubad na lang yung mga kasamahan niya down to their bras (bakit??).

(Side note: Yung pa-apology ba sa teachers eh dahil sa flak na natanggap ng filmmakers dun sa isa nilang short? Nasaan naman yung para sa child rape victims?)

Anyway, kung bibigyan nyo lang din ako ng luma at corny jokes (I’m sure narinig na ng lahat yung sa nag-wish tapos nadulas kaya naging mukhang kike) eh di sana inilabas nyo na lang ng libre sa FB. Hindi naman pwedeng basta mag-viral lang eh gagawan na ng pelikula. What’s next, Mimiyuuuh the Movie (Drink Your Water Bish)?

Rating: ★☆☆☆☆

THE GOLDFINCH (John Crowley, 2019)

5E70983E-7806-4650-AD0B-0B8E6A1737B7

SPOILER ALERT!!

Ganito din ba ka-boring ang Pulitzer Prize-winning novel that this was based on? Siguro kaya hindi rin ako makalampas sa first few chapters ng book (although mas kasalanan talaga ng short attention span ko at ng Mobile Legends). Grabe halos ma-plano ko na ang buong buhay ko habang hinihintay matapos ang movie na parang wala naman pinatunguhan.

Syempre masakit as an Ansel Elgort fan to accept na totoo pala lahat ng negative reviews nito (commercial flop din sya at mukhang hindi man lang kikita ng more than $5M sa US in its entire run). Mas may emotional connection pa ako sa IG videos ng meltdown niya while defending the film. Ganun siya kalala.

Ang only source of joy ko dito eh kapag may mga lumalabas from the cast of American Horror Story like Sarah Paulson and Denis O’Hare. Sayang nga at hindi ginamit ang Ryan Murphy Universe to cast the other roles here (Connie Britton for Nicole Kidman, Dylan McDermott for Luke Wilson, and even Evan Peters for Ansel). Ang saya siguro ng AHS: Goldfinch bilang horrific experience din naman siya.

May isang linya lang dito na tumatak sa akin. Yung sinabi ng fiancée niya na “I don’t expect you to know what it feels like to be in love with the wrong person” at ang only reason bakit siya papakasalan was “This marriage makes sense”. Hay, ang sakit. You deserve better, Ansel. You deserve much better.

Rating: ★☆☆☆☆

THE BODYGUARD (Mick Jackson, 1992)

C717F5C9-3726-4D3D-B3DE-BC1C372C7780

SPOILER ALERT!!

Magagalit sa ‘kin nanay ko kasi favorite niya ‘to. Pero this recent rewatch confirmed na it really failed as a romance flick kasi walang spark at all between Rachel (Whitney Houston) and Frank (Kevin Costner). Mas may chemistry pa si Tita Whitney sa microphone niya kaya masaya yung musical numbers.

So supposedly nanuod lang sila ng Yojimbo at nag-role play ng samurai eh mahal na nila agad isa’t-isa. Ito siguro yung movie equivalent ng Cheeze Whiz. (Ano nga ba yung Pinoy film na sobrang copy nito including yung pagbuhat after the assassination attempt? Parang kay Ate Shawie siya pero di ko maalala.)

Sayang kasi interesting pa naman si Rachel bilang Oscar winner (Best Actress talaga? Hahaha!!) at huge diva na mahilig mag-ukay ukay. Tapos dun sa obsessed fan plot eh naalala ko yung rabid na KathNiel na nag-threaten na sasabuyan ng acid sa mukha sina Liza at Nadine sa ABS CBN Ball.

Still one of the best film soundtracks, though. Syempre meron ang nanay ko na cassette tape na pinapatugtog niya every single day kaya memorized ko lahat ng kanta sa side A from I Will Always Love You to Jesus Loves Me. Eh di ending ako ang naging Queen of the Night. Chz.

Rating: ★★☆☆☆

AD ASTRA (James Gray, 2019)

3156AA30-BABB-47F5-95F4-208B093530DA

SPOILER ALERT!!

Grabe ‘teh! Good call talaga na hindi natuloy ang plan ko manuod sa IMAX with Laser ng Evia. Dun lang ako sa Dolby Atmos cinema nila pero nahilo na ako at di nakahinga sa scene na nag-freefall si perpetually sad astronaut Roy McBride (Brad Pitt) from outer space to earth.

Akala ko aantukin lang ako sa film kasi medyo traumatized pa ako sa pretentiousness (ay sorry, profundity daw) ng Interstellar at Solaris (the Soderbergh remake), but I survived naman with my major buttered popcorn and large iced tea from Taters (very Krissy lang, sana i-sponsor na nila ako). I can’t say the same for the rest of the audience. Meron mga mahimbing ang tulog habang yung isa eh walang ginawa kundi mag-check ng cellphone (pasalamat siya at five rows ahead siya sa akin kaya di ako pumatol).

I guess tama yung mga nagsabi na this might not be for everyone. Puno kasi ng introspective voiceovers about the meaning of life and relationships (“In the end, the son suffers the sins of the father”) ang pelikula kaya medyo slow ang pacing. Halos bumagsak ako nung Philo classes ko back in college kaya hirap na hirap sumabay yung utak ko dito.

Meron naman mga major ganap every so often (yung mala-Mad Max: Fury Road lunar chase scene, yung baboon na puno ng angst, etc.). Masaya din mag-isip kung ano yung mga space-related films ng cast (every time nagsasalita sa recorded video si Liv Tyler, naaalala ko ang Armageddon at kung bakit mas gusto ko ang Deep Impact).

Natawa ako dun sa space shuttle na naghatid kay Roy sa moon kasi very Cebu Pacific at lahat may bayad. Kulang na lang sumigaw yung FA ng “Snacks for sale!”. Interesting din na ang daming mahahabang hallways sa lahat ng hubs dito, including yung sa Mars. Mayaman talaga ang Amerika. Tapos yung futuristic room na may moving images reminded me of Black Mirror’s Fifteen Million Merits. Nung blooming flowers yung background, sobrang ganda at pwede na ma-post sa One Perfect Shot (o alam na, strong contender na naman si Hoyte van Hoytema for Best Cinematography sa Oscars next year).

But the best thing about this was Brad. Ang expressive ng mga mata niya lalo na sa scene na nananawagan siya sa father niya (the always masungit Tommy Lee Jones) na matagal na di nagpaparamdam. Imagine mo na lang kung gaano kahirap maghanap ng missing tatay sa bawat sulok ng mundo. Eh paano pa kung sa Neptune diba? Walang-wala lahat ng daddy issues ninyo.

Rating: ★★★☆☆

YOU ARE THE ONE (Cathy Garcia-Molina, 2006)

D51E6610-8094-41ED-A7A2-0949EC218811

“You Filipinos are so melodramatic. You’re not even my girlfriend and you, like, expect me to give you my soul or something.”

HAHAHAHAHAHA!!

May truth behind it pero deserve pa rin ni Vernard (Sam Milby) masampal.

Salamat Sally Malasmas (Toni Gonzaga), ang naghiganti para sa lahat ng mga Pinoy na na-deny ang US visa.

(Seriously though, this film’s an underrated gem.)

Rating: ★★★★☆

 

Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 Scorecard

01DDAC1E-8466-4453-A921-2F5417DBB917

Best Feature Length Film

1. CIRCA (Adolf Alix, Jr.) – ★★★★☆
2. OPEN (Andoy Ranay) – ★★★★☆
3. LSS (Jade Castro) – ★★★★☆

4. LOLA IGNA (Eduardo Roy, Jr.) – ★★★☆☆

5. THE PANTI SISTERS (Jun Lana) – ★★☆☆☆
6. CUDDLE WEATHER (Rod Marmol) – ★★☆☆☆
7. WATCH ME KILL (Tyrone Acierto) – ★★☆☆☆
8. G! (Dondon Santos) – ★★☆☆☆
9. I’m Ellenya L. (Boy 2 Quizon) – ★☆☆☆☆

Not seen:
Pagbalik
Verdict

Best Performance by an Actor in a Leading Role

1. CHRISTIAN BABLES (The Panti Sisters)
2. JC SANTOS (Open)
3. PAOLO BALLESTEROS (The Panti Sisters)
4. KHALIL RAMOS (LSS)
5. MARTIN DEL ROSARIO (The Panti Sisters)
6. RK BAGATSING (Cuddle Weather)

Best Performance by an Actress in a Leading Role

1. ANGIE FERRO (Lola Igna)
2. SUE RAMIREZ (Cuddle Weather)
3. ANITA LINDA (Circa)
4. ARCI MUÑOZ (Open)
5. JEAN GARCIA (Watch Me Kill)
6. GABBI GARCIA (LSS)
7. MARIS RACAL (I’m Ellenya L.)

Best Performance by an Actor in a Supporting Role

1. JOHN ARCILLA (The Panti Sisters)
2. ELIJAH CANLAS (LSS)
3. ENCHONG DEE (Circa)
4. VANCE LARENA (Open)
5. RICKY DAVAO (Circa)

Best Performance by an Actress in a Supporting Role

1. TUESDAY VARGAS (LSS)
2. JACLYN JOSE (Circa)
3. MA. ISABEL LOPEZ (Lola Igna)
4. MERYLL SORIANO (Lola Igna)
5. INA RAYMUNDO (Open)
6. IANA BERNARDEZ (LSS)
7. GINA ALAJAR (Circa)
8. ELIZABETH OROPESA (Circa)
9. VIA ANTONIO (The Panti Sisters)
10. ROXANNE BARCELO (The Panti Sisters)

Until next year!!

THE PANTI SISTERS (Jun Lana, 2019)

4CA7EBDB-B950-45B9-95D4-DC178FA58552

SPOILER ALERT!!

Nung napanood ko pa lang yung teaser nito (with that wonderful Dalagang Pilipina remix), na-excite na ako sobra. Based kasi sa recent baklaan films ni Jun Lana (like my favorite Die Beautiful), usually smart ang humor at hindi basta dinadaan sa typical Pinoy slapstick or lowbrow comedy na naglalaitan ng itsura (insert your chosen MMFF entry here). Sad to say, napamura na lang ako na parang si Heneral Luna habang palala nang palala ang takbo ng pelikula.

Kahit nagamit na sa trailer, benta pa rin sa ’kin yung “Sa exit ka dumaan, hindi sa entrance” scene nina Gabriel (Paolo Ballesteros) at Kat (Roxanne Barcelo). Tapos nakakaaliw na faux brand fashionista slash film lover si Samuel (Christian Bables, bringing back that fabulous Barbs vibe) bilang nakasuot siya ng Supreeme at Mosohino habang nagde-deliver ng quotes from Himala, Kaya Kong Abutin ang Langit, at It Takes a Man and a Woman. At ang cute ng datingan ni K-Pop Daniel (Martin del Rosario) lalo na nung iniiyakan niya ang kanyang Pepe.

Nakakatawa naman talaga ang ibang parts lalo na sa simula kasi maganda ang batuhan ng linya at eksenahan ng mga sizies. Yung magagaling na performances ng tatlo talaga ang nagdala ng buong movie (kasama na rin si John Arcilla as the coldhearted, homophobic father Don Emilio). Kung meron man talaga part 2 (as hinted during the end credits), sana magamit ng husto ang overflowing talents nila.

Sayang lang at mabilis naging repetitive ang jokes, from the breaking the fourth wall (na very local sitcom) to the nth Panti equals panty punchline (that also ruined a touching scene in the end). Yun ngang long table parang nagamit na sa exact same gag ng Kalyeserye (bakit sikat ang bahay ni Lola Nidora sa PPP? Ito rin ang bahay sa Circa).

Ang gulo ng transitions minsan lalo na yung sa kare-kareng kokak na napunta bigla sa abortion talk. Cute pa naman sana yung entire Moon Prism Power Make-up sequence (lalo na at ang genuine ng interactions ng magkakapatid) kaso sobrang haba ng fight scene na hindi naman nakakatawa. Buti bumawi ng slight sa hilarious “Ikaw ay Akin” mata-mata showdown.

Pero ang worst offense ng pelikula ay yung biglang naging drama sa dulo just to drive home its point. Yung feeling na parang isinasampal sa pagmumukha ng audience ang message na hindi salot ang mga bakla (kahit na may ongoing joke na nagnanasa ang Pantis sa kanilang cousins at hypocrite ang hindi aamin) at kelangan ng lahat ma-enlighten sa necessity ng SOGIE bill at gay marriage (para hindi mapilitang magpakasal ang mga bakla sa fag hags nila habang todo ang muk-up sa simbahan; pumayag si Father?). Yes, important ang topics, pero nagkulang talaga sa execution.

Anyare sa subtlety? Kulang na lang merong “Ang mga bakla na lumilipad ay mahal ng Diyos, di kumukupas…” remix.

Rating: ★★☆☆☆

WATCH ME KILL (Tyrone Acierto, 2019)

CC0079D5-6428-4C6D-933E-E4F62518A034

SPOILER ALERT!!

Sabi nga ni Tyler Durden, “The first rule of Fight Club is: You do not talk about Fight Club. The second rule of Fight Club is: You do not talk about Fight Club” so wala na ako ibang sasabihin. Chz.

Nakakatakot ang stone-cold killer character dito ni Jean Garcia. Galit na galit siya sa mundo kaya lahat ng tumatakbo papalayo sa kanya eh agad na pinapaputukan (kaya siguro wala rin siya jowa, no?). Mas walang puso pa siya kay Madam Claudia Buenavista na nagsusunog ng mga alipin. Pati walang kamuwang-muwang na Bounty Fresh chicken hindi pinatawad sa panggigigil niya. Siya lang ang kilala ko na mainit pa rin ang ulo kahit kumakain na ng isang bandehadong kanin. Di ko na pinag-isipan masyado at baka pati ako ay mabaril kapag nagtanong. (Kung ako sa inyo, hindi ko siya isasali sa Fortnite at siguradong ubos kayo.)

Ganito ang mga pelikulang very style over substance. Yung ramdam mo na ambitious dahil sa nagmumurang cinematography (stunning yung final scene kahit parang hawig siya dun sa isa pang pelikula ni Junyka Santarin na Musmos dot dot dot ang haba ng title). Natutulala na lang ako sa ganda ng wide shots, although kapag sinasabayan ng Western musical score eh napapaisip ako na papasok any time si Clint Eastwood (o kaya si Marlboro Man na nakasakay sa kabayo habang nagsasabi ng “Come to where the flavor is. Come to Marlboro Country!”).

Tapos may scene na nag-uusap ang dalawang tao na parehong nakatalikod sa camera habang nakatayo side-by-side pero sa opposite ends ng frame with the bulubundukin sa background para ahrt. To be fair, justifiable naman yung win ni Tyrone Acierto. May mga interesting directorial choices siya dito that worked. Kelangan niya lang talaga ng magandang story na ikukwento (preferably without a lame twist) para less bagot.

For now, Watch Me Kill… your time. Chz.

Rating: ★★☆☆☆

LSS (Jade Castro, 2019)

6F59F9BA-98DB-434E-8916-9FD9FF0E766B

SPOILER ALERT!!

Huy, bakit parang Survivor: Redemption Island ang theme ng PPP this year? Similar to Andoy Ranay, wala akong maalala na nagustuhang film ni Jade Castro (even yung critically-acclaimed niya na Zombadings, which I found corny tbh). Tapos biglang bawing-bawi siya sa feels dito. Yung napa-wish ako na sana all-out musical siya kasi ang galing ng pagka-incorporate ng Ben&Ben songs sa critical moments ng film. (FYI, wala din akong alam na kanta nila except for Maybe the Night dahil sa Exes Baggage. Yup, kung single ako at may nakatabing cutie sa bus, mahihiya akong mag-discuss ng favorite songs kasi ang range ng taste ko ay The Search is Over at Sweet Soul Revue.)

Lakas ng star quality ni Gabbi Garcia. Granted mas magaling siya na singer kesa actress pero unang line pa lang ng pagkanta ni Sarah eh na-in love na ako agad. Naaalala ko sa kanya si Nikki Gil na very classy ang dating (although weirdly enough, may mga angles din siya na mala-Mocha Uson). Siguro yung conyo aura niya din ang reason bakit medyo off kapag inuulit niya yung “makapasok sa eksena” referring to the music scene. (Mapapansin yung difference kasi ganun magsalita yung character ni Iana Bernardez na sobrang natural dito.) Mental note here to watch more GMA shows.

Nakakaaliw ang relationship ni Zack (Khalil Ramos) at ng mega-supportive niyang nanay (an impressive Tuesday Vargas). Sobrang benta yung ride-sharing scene na may bugawan na naganap (“Di problema kung size queen ka!”) at yung eksena with the tissues (nakakatawa yung “Mabubulag ka sa ginagawa mo!”, although I also expected her to hand him a fresh box bilang very progressive ng character niya). Ang natural ng chemistry nila (Dapat Ka Bang Mahalin as mom’s film of choice was T A S T E) kaya dalang-dala din ako dun sa confrontation scene nila sa dulo (yung pagka-deliver pa lang ni Tuesday ng “Anak, wag dito” line already secured her much-deserved win).

I had some quibbles like yung dubbing nung Leaves sequence (bakit parang hindi sabay tapos iba yung words na sinasabi ni Gabbi sa audio at iba pa rin yun sa subtitles?). Natawa ako dun sa Kathang-Isip sequence (in a good way kasi masaya to see two broken people find comfort in each other) pero parang ang bilis naman nila mag-kiss agad (lalo na kung advocate si Zack ng three month rule ng One More Chance).

Nakulangan din ako sa acting ni Gabbi dun sa crucial scene (yung totoong highlight ng movie for me) na nagbigay siya ng surprise graduation gift sa brother niyang si Cedie (Elijah Canlas). Parang mata lang ni Lady Gaga sa A Star is Born. Yung lumuluha pero walang bakas ng totoong pain or hurt. Ang layo kay Elijah na napaiyak ako sa isang simpleng wince (halong guilt and realization that he was giving up on his dreams) bago sabihin na “Titigil na ako. Magbenta na lang tayo ng herbal products. Ate, sorry na”. Ang sakit sakit.

Ang ganda din siguro if na-explore fully yung art as passion vs sad practical reality theme. Napaisip ako kung ano kaya ang effect ng alternate ending kung naging full time sales agent siya habang todo successful ng kapatid niya. Siguro walang sappy ending montage to fulfill the demands of the genre.

As a cute and charming young romance flick though, it definitely hit the right notes. I’ll probably be humming these Ben&Ben tunes in the next few days.

Rating: ★★★★☆

LOLA IGNA (Eduardo Roy, Jr., 2019)

B9B10A61-555F-478C-9583-A91AE0E9FD92

SPOILER ALERT!!

Lumaki ako sa lola kaya sanay na sanay ako makita siya nakaupo sa arinola. Nung bata pa ako, di ko talaga alam kung ano ang gamit niya bilang hindi naman ako nakaupo pag umiihi. Kaya nung isang beses na sumakit ang tiyan ko around midnight at sa takot na pumunta sa banyo, may surprise na naghihintay sa lola ko pagbukas niya ng takip nung umaga.

Marami akong magagandang memories with my lola kaya hindi ako nahirapang magustuhan ang pelikulang ito na tungkol sa isang lola (malamang si Lola Igna diba, a spectacular Angie Ferro) na mag-celebrate ng kanyang ika-118 na birthday at tinutulungang makapasok sa parang Guinness Book of World Records (may prize na almost $50k for every year kaya halos $6M ang makukuha niya; may ganito ba talaga? Iinom na ako ng Ensure every day kung totoo ‘to).

May theory ako na kaya siya umabot ng ganun katanda kasi sanay ang katawan niya sa germs kaya malakas resistensya niya. May part sa simula na ipinakita ang isang nilalangaw na toilet bowl sa labas ng bahay tapos sa sunod na eksena eh breakfast table na at punung-puno ng langaw ang kanin at ulam niya. Same langaw ba sila galing sa labas? Ayaw kong isipin parang magkakasakit ako.

(Also, sobrang ganda ng scene na yan kasi nag-tagay siya ng tuba para sa yumao niyang asawa. Yup, first ten minutes pa lang umiiyak na agad ako.)

Maganda ang first half ng movie with the right balance of comedy and drama. Lakas ng tawa ko dun sa itinapon na wiwi tapos may kurot naman sa puso nung sinabi niya na ang gusto niya mangyari sa buhay niya na hindi pa niya nagagawa eh yung mamatay na siya. Tapos sobrang infectious ng bungi-bunging smile ni Ms. Angie sa eksena na ‘to grabe ang galing niya talaga. (At syempre kabogera as always ang aking favorite na si THE Ma. Isabel Lopez as an atribidang anak slash opportunist, este, entrepreneur pala.)

Medyo nabagalan na ako nung second half lalo na at medyo conventional na ang pinuntahan ng story nung kay Yves Flores. Napaisip pa ako kung intentional yung kabaong reference sa Magnifico kasi medyo similar din ang naging twist.

Si Meryll Soriano pumasok nung bandang dulo tapos may isang scene lang na sinusuklayan niya lola niya tapos ang husay ng bawat patak ng luha. At natawa ako kasi obviously maganda siyang buntis dahil babae ang naging anak niya (bilang nasabihan ni Lola Igna yung isa niyang kapitbahay na lalaki ang ipinagbubuntis nito kasi ang chaka niya haha!).

“Ang dami ko nang libing at burol na di na dapat pinuntahan. Ako ang laging iniiwan. Ako ang laging nagluluksa.” Ang sakit naman nito. Wait, mukhang may second thoughts ako dun sa Ensure ah.

Rating: ★★★☆☆