MOVIE REVIEW: WILD AND FREE (Connie Macatuno, 2018)

285F41ED-3DC9-4B1D-ADDE-95244B035942

SPOILER ALERT!!

My notes on Wild and Free:

1. Umpisa pa lang hindi ko na mapigilan ang lakas ng tawa ko. Ang eksena kasi nasa loob ng sasakyan ang ex-lovers na sina Jake (Derrick Monasterio, whose performance was as stiff as an erection) at Ellie (Sanya Lopez) tapos more reminiscing sila about their past.

Kaso napaka-obvious na may nagtutulak sa gilid ng kotse para kunwari tumatakbo siya. Yung mapapaisip ka bakit sa exterior overhead shots eh ang smooth ng road na dinadaanan nila pero sa interior shots eh para silang nalulubak every two seconds.

2. Anyway, mukhang bagay naman ang ugali ng characters nila. Si ate gurl yung tipong napakaingay kapag ngumunguya. Yung parang pang-porn or mga nakakairitang ASMR vids sa lakas.

Tapos si koya (aka “Mr. Laway”) naman nakabukas ang bibig mag-chew ng White Rabbit. Feeling sexy ang kumag na kahit nalaglag na ang candy galing sa bibig niya, sinubo niya ulit kasi wala pa naman daw ten seconds. Gusto ko sila regaluhan ng GMRC for Christmas.

3. So apparently si Ellie ay ex-girlfriend din ng older brother ni Jake. Nung big reveal scene, nalaman nung nanay (Cheska Diaz, stuck in 90’s overacting mode) na natuhog ni ate gurl ang panganay (who’s dead btw) at bunso niya pero deadma lang kasi mas importante ang 80th birthday ng lola nila. Saang planeta nagaganap ang alternate reality na ito?

4. Sample words of wisdom ni Ellie: “Eh ano naman kung rebound? Diba nga sa basketball yun ang dapat na hindi pinapakawalan?“.

Ganyan ang reasoning niya kasi mas masarap naman daw si Jake kesa sa kuya nito (did I mention that he’s already dead??).

Huy gurl, technical foul ka!!

5. And the much-hyped erotic scenes? Ano ba eh nag-pump nga until climax si Jake na hindi man lang naghuhubad ng pantalon niya. Tapos dun sa isang sex scene naisipan ni Ellie na mag-multitask so ni-on niya ang washing machine habang sinisibasib siya sa ibabaw nito para nga naman tapos na ang labada niya after nila makaraos. Oh diba, ibang level ng hitting two birds (wink, wink) yan.

(Side note: Maraming salamat Netflix at ang laki ng natitipid ko sa’yo, although sobrang lugi pa rin ng feeling ko.)

6. Halos lahat problematic sa pelikulang ito (kung saan macho at admirable ang chauvinism ng mga lalaki habang boba at subservient ang role ng mga babae).

I haven’t even touched on the couple’s very toxic relationship. Hindi naman sila mukhang in love talaga. Sex lang ang reason ng connection nila. Tapos puro irrational hallucinations si Jake kahit di naman siya sabog. Mabilis din na-resolve ang conflicts nila at nakalimutan na may sexual assault na naganap para lang sa requisite happy ending. How romantic!!

Rating: ★☆☆☆☆

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s