CIRCA (Adolf Alix, Jr., 2019)

ACE05869-9EAA-4B7A-B9E7-2F3C6AA30812

SPOILER ALERT!!

Bilib na bilib ako kay Ms. Anita Linda dito. More than double my age na siya (she’s almost 95!!) pero alam pa rin niya lahat ng mga lines niya dito as the incredibly rich film producer Doña Atang na nakatira sa bahay ni Lola Nidora. Samantala ako hindi ko na maalala minsan saan ko naipatong ang cellphone ko. Iba talaga kapag batikang artista. Totoong walang kupas!!

Napaka-appropriate lang na kasama ito sa Sine Sandaan section ng PPP. May pagka-love letter siya to Philippine Cinema with all the juicy tidbits on the history of local film productions/filmmaking (shooting processes, crucial role ng lagarista, yung diva attitude of certain celebrities, yung rivalry nung mga stars of the golden age, etc.) tapos may mga sundot pa sa current industry (nakakatawa yung sinabi ng character ni Alessandra de Rossi na di na uso ang quality films ngayon kaya puro TV work na lang, na “mouth to mouth” duguan levels ang paggawa).

Mahilig talaga sa all-star cast si Alix (parang halos kalahati ng local film industry may cameo dun sa last movie niya na Madilim ang Gabi) kaya di naman ako nagulat sa mga bigating artista dito kabilang na sina Gina Alajar, Elizabeth Oropesa, Laurice Guillen, Ricky Davao, Liza Lorena, Perla Bautista, etc. Nakakalungkot din makita si Eddie Garcia in full Manoy glory. (Pero kasama ba sa original script yung “Ingat ka baka ka madapa?”. Grabe yung gasp ko sa part na yun nag-echo sa buong theater bilang ako lang ang nanunuod.)

Pinaka-natuwa ako kay Jaclyn Jose dito as the mayordoma of the house. Walang dramatic highlights (except for that weird Amour moment) pero markado ang pagganap. Lakas ng tawa ko nung nag-advocate siya for DVD piracy considering na nagsisilbi siya sa isang producer. Sabagay yung isang character nga sinabi na “Di naman ako namimirata ng local. Puro English lang, makabawi man kang kasi sila ang dahilan bakit tayo humina.” Hmm, magandang topic yan for discussion ha.

Marami siguro ang mababagalan sa pacing ng pelikula pero ok naman siya for me. Medyo mahaba lang at repetitive yung tribute section sa party scene. Pero sobrang fascinated talaga ako in all things na local showbiz kaya nagandahan ako (siguro ang litmus test would be if kaya mo ma-distinguish ang difference ng FAMAS at FAP statues, then this one’s for you). Natuwa din ako dun sa tikbalang na inaalayan ng ponkan kapalit ng box office returns (Mother Lily, what’s your secret?).

Basta sobrang affected ako dito. Nung nag-start na si Doña Atang ng speech niya with “Ang buhay natin ay parang pelikula…”, naluha na lang ako bigla.

Rating: ★★★★☆

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s