MOVIE REVIEW: FENG SHUI (Chito Roño, 2004)

C2ADF504-33D0-44B3-A9C0-58D41D0A0DE3

Bakit ba tuwang-tuwa tayo na nakikitang pinahihirapan si Kris Aquino? Blockbuster halos lahat ng massacre movies at horror films niya kahit ang chaka niya talaga umarte at mas nakakatawa kesa nakakaawa siya kapag sumisigaw.

Kung si Ate Guy na-perfect ang pagluha sa isang mata lang, kabog siya dito ni Kris na mala-bidet ang tatlo-tatlong chunky na luhang pumapatak sa mga mata niya.

Speaking of chunky, sobrang underrated talaga nung batang kapitbahay nila dito. Tawang-tawa pa rin ako nung sarap na sarap siya sa Purefoods Chunkee Corned Beef (“Ang sarap! Iba ‘tong sa inyo no, buo buo pa!!”). Hahahaha! Tapos ang classic lang nung scene na nagtakbuhan na sila palabas ng bahay tapos yung mag-aama sumakay sa kotse at siya ay hirap na hirap mag-bisikleta palayo. Langhiyang tatay yun haha!

Memorable talaga yung death sequence dito ni Lotlot de Leon. Very Pinoy ng conceit kaya hindi makukuha ng foreign viewers kung gaano kagaling na hinataw siya ng kabayo (as in plantsahan) at nahulog sa mga bote ng Red Horse.

Sana malaki ang bonus nung nakaisip ng teaser nito. Yung may batang kumakanta ng “May uwi si nanay, si nanay sa bahay…”. Kinilabutan ka ba nung maalala mo?

Rating: ★★★☆☆

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s