24/7 IN LOVE (Mae Czarina Cruz, John-D Lazatin, Frasco Mortiz, Dado Lumibao, 2012)

8E95CA7B-5892-4BC5-A46A-08E0833E737F

Definitely a mixed bag but the good ones greatly outweighed the stinkers. The weaker stories were saved by strong performances from Maja Salvador, Angelica Panganiban, and Kim Chiu while the interesting segments were further enhanced by the excellent turns of Bea Alonzo, Zanjoe Marudo, Xyriel Manabat, and Pokwang.

The Bea-Zanjoe segment was just so good it could have worked as an entire movie. I’d recommend this just for that wonderful bit alone.

Rating: ★★★☆☆

YOURS TRULY, SHIRLEY (Nigel Santos, 2019)

59C89276-1FAC-4058-9BF4-59D985C34032

SPOILER ALERT!!

Sayang kasi maayos pa naman si Ate Reg lalo na dun sa subtle iyak moments niya habang nangungulila sa yumaong asawa (Romnick Sarmenta, na may hawak ng secret location ng Fountain of Youth). Winner yung pancit scene niya. Also, ganda ng make-up niya dito. Lakas maka-fresh at makabata ng 10 years.

Sana lang hindi masyadong trying hard magpatawa yung movie. Best moment for me nung nagmano ang friend nila dun sa matandang afam na jowa nung isa pa nilang friend. Worst yung lahat ng eksena ni Dennis Padilla (who also almost ruined Unforgettable), stuck in his corny 90’s comedy acting.

Other random thoughts:

• Ang apt lang nung American Beauty petals scene.
• Ang lakas ni Ate Reg at kayang mag-lift ng isang bayong ng kamias gamit lang ang isang braso.
• Nakaka-LSS yung single ni Jhameson Khervyn (pero nakakairita yung actor kung sino man siya).
• Sinong tao ang mag-iisip na merong isang piling ng talong? Yung totoo?
• Nakakatuwa yung cameo sa dulo at reference sa Heaven Resort.

Oh well, sabi ko nga ang sayang. In Regine-speak, kulang talaga siya ng “Woooooohhhh!”.

Rating: ★★☆☆☆

ASUANG (Raynier Brizuela, 2018) – ★★☆☆☆

6016305D-AEC6-4E96-B9EB-7A924F12E4B9

Mas marami siyang nasabi tungkol sa social media generation kesa sa I’m Ellenya L. Although may ilang mga silly/funny moments, hindi nag-work for me yung fusion ng mockumentary style sa local mythology.

Very admirable ng commitment ni Alwyn Uytingco sa lead. Sana masundan pa ito ng ibang juicy roles for him. And syempre, magaling si Chai Fonacier in everything she does. I’m surprised wala pa siyang shrine sa bahay ko.

Rating: ★★☆☆☆

CINEMA ONE ORIGINALS 2019 SCORECARD

5D6229F5-9E21-4C63-80B5-1B650C513BAF

Best Feature-Length Film

1. Sila-Sila (Giancarlo Abrahan) – ★★★☆☆
2. Metamorphosis (J.E. Tiglao) – ★★☆☆☆
3. Tia Madre (Eve Baswel) – ★★☆☆☆
4. Lucid (Victor Villanueva) – ★★☆☆☆
5. Tayo Muna Habang Hindi Pa Tayo (Denise O’Hara) – ★★☆☆☆
6. Yours Truly, Shirley (Nigel Santos) – ★★☆☆☆
7. Utopia (Dustin Celestino) – ★☆☆☆☆
8. O (Kevin Dayrit) – ★☆☆☆☆

Best Performance by an Actor in a Leading Role

1. Gio Gahol (Sila-Sila)

Best Performance by an Actress in a Leading Role

1. Alessandra de Rossi (Lucid)
2. Cherie Gil (Tia Madre)
3. Jana Agoncillo (Tia Madre)
4. Regine Velasquez (Yours Truly, Shirley)

Best Performance by an Actor in a Supporting Role

1. Ricky Davao (Metamorphosis)
2. Topper Fabregas (Sila-Sila)

Best Performance by an Actress in a Supporting Role

1. Iana Bernardez (Metamorphosis)
2. Yayo Aguila (Metamorphosis)

Best Short Film

1. Ang Gasgas na Plaka ni Lolo Bert (Janina Gacosta, Cheska Marfori) – ★★★★☆
2. Sa Among Agwat (Don Senoc) – ★★★★☆
3. The Slums (Jan Andrei Cobey) – ★★★★☆
4. Ang Lumunod sa Atin (Sonia Marie Regalario) – ★★★☆☆
5. Sa Gitna ng Lungsod (Ivan Cortez) – ★★☆☆☆
6. Last 2 3 4! (Genevieve Ofania) – ★★☆☆☆

Until next year!!

MISTERYO SA TUWA (Abbo dela Cruz, 1984)

841B0C7E-56C3-40E2-8DFD-999C3E71E2BB

Kung may natutunan man ako sa Feng Shui ni Tita Krizzy at sa kwento ni Hurley sa Lost, ito ay laging may kapalit ang swerte (lalo na ang biglaang yaman). Isipin mo one moment nag-iinuman at nagsasayawan kayo sa isang pagdiriwang tapos dahil sa isang twist of fate ay biglang nabalot ng malas at kamatayan ang masaya n’yong barrio.

Ang daming gustong sabihin ng pelikula at ganito ang masarap himayin sa isang film class or movie club. Nakakatuwa din na nauna pa ito sa A Simple Plan ni Raimi (kasi sobrang pareho sila ng story) at Reservoir Dogs ni Tarantino (na may similar tenga-slicing scene).

Johnny Delgado, Tony Santos, Sr., Ronnie Lazaro, Alicia Alonzo, Ama Quiambao, Lito Anzures, Ray Ventura, Vangie Labalan, etc. Mapapamura ka na lang sa galing ng ensemble na ‘to.

May looting scene na nag-uunahan at nag-aagawan ang mga taong-bayan dun sa pinagbagsakan ng eroplano. May pact ang magkakaibigan na walang aamin sa secret nila. Tapos biglang may anti-rat campaign ang gobyerno hahaha ang talino!!

(Also, ang ganda ng restoration pero may mga parts talaga na hindi na na-salvage sayang.)

Rating: ★★★★★

THE ART OF LIGAW (Jourdan Sebastian, 2019)

CAF5C8A4-3D10-467C-8F2F-6B923ADA3678

Nasaan ang art? Panget jud kaayo.

Eto ang type ng love story kung san supposedly sweet ang pagkumpara niya sa babaeng mahal nya sa durian.

Tapos according sa ligawan rules ni girl eh kulang na lang baguhin niya completely yung guy. Yung lalaki dapat lahat mag-adjust simply because sya ang nanliligaw. At more demand si girl ng exclusivity kahit di naman sila. Uhm ok.

Nakakatawa pa kasi ang dami niya rules pero as a Team Leader sa VXI Davao, ang dami din niyang di sinusunod (cellphone sa floor, unplanned leaves, etc.). As a former call center boy, medyo kumulo ang dugo ko sa kawalan niya ng work ethics at integrity.

Epy Quizon’s way too good for this. Magaling naman kumanta si KZ Tandingan. Kaso feeling ko mas bagay si Melai Cantiveros sa role.

Graded A by the CEB? I guess like durian, this might be an acquired taste.

Rating: ★☆☆☆☆

THE ANNULMENT (Mac Alejandre, 2019)

B0293F5B-AFA3-4BEB-8672-C284FD5D24E4

Hiyang-hiya si Britney Spears sa pagka-toxic ng mag-asawang ‘to.

Grabe for a drama sobrang dami ng tawa ko lalo na nung nagbuhusan sila ng isang jug ng water before mag-kitchen sex tapos slo-mo focus sa basang-basang (wink, wink) chest ni Joem Bascon hahaha! Tapos nung sex scene inutusan niya si Lovi Poe na “Kagatin mo!” habang pababa si ate mo sa nipples at pototoy niya hahaha!

Lovi to Myrtle Sarrosa (who should probably stick to cosplaying): “Sino ka? Anong tawag nila sa’yo maliban sa kabit?” (Hello gurl di mo ba kilala si Ate Marya? Eh di kerida, mistress, number 2 are you facking my husband anuba!!)

Meron pa parang marital rape na biglang naging angry sex na puro hampasan (sa braso??) na napaisip ako kung malamok lang sa kwarto nila.

Best yung totoong sinabon ni Lovi ang likod ni Joem sa shower sex scene. Very realistic. At syempre hagalpak ako nung sumbatan na ng infidelity at tinanong ni ate kung “Sinasabon mo rin ba ang likod niya?”. Hahahahaha!!

But wait, hindi pa ako umaabot dun sa OA court scene na straight out of Ipaglaban Mo. Mas naiyak ako at na-bother na pinayagan ng judge yung ganung shade ng purple lipstick sa lawyer ni Lovi. I object!!

Sigurado ba talaga na hindi ito directed by Joel Lamangan?

Rating: ★☆☆☆☆

BARBARA REIMAGINED (Benedict Mique, Chris Ad. Castillo, 2019)

55CAB780-7311-4960-9870-D282640E73FB

Ang basic rule lang naman for a remake (or reboot) ay dapat mapantayan (or mahigitan) niya ang original. Otherwise, para que pa ito diba?

Maayos naman na yung 1995 remake ni Chito Roño. May sayang dulot din ang pananakot kay Kris Aquino dun sa 2008 mini-series. Feeling ko tuloy yung poot at planong paghihiganti nung multo ay hindi talaga directed kay Barbara.

Tawang-tawa ako kay Nathalie Hart dito. Hindi ko alam kung umaarte siya or hindi niya lang naiintindihan ang instructions ng director. Sayang sana ginawa nilang campy version ito kasi sure ako mag-excel siya dun.

Rating: ★☆☆☆☆

TÍA MADRÉ (Eve Baswel, 2019)

3F6C0ABA-A6EB-47A9-AD07-E441DDD40C7A

Mukhang ganito kapag nasobrahan ng panonood ng mga pelikula ni Ari Aster.

Redundant na nga dapat yung “Cherie Gil” at “horror” eh kasi kulang na lang maihi ako sa salawal sa titig lang niya (lalo na kapag may hawak siya na wine glass) kaso waley talaga.

Gusto ko maging kasinglakas ng batang babae dito. Hindi ko natutunan ang ganung knot nung Boy Scouts days ko infer. At pasalamat nanay ko puro Liwayway lang binabasa ko dati.

Rating: ★★☆☆☆