LAST CHRISTMAS (Paul Feig, 2019)

07D3FE64-EE34-40B5-9030-0D4C817BA7D1

Made the “C” in Christmas stand for cheesy cringe-fest.

Rating: ★★☆☆☆

ADAN (Roman Perez, Jr.)

AB4CA15D-D1B3-4B08-AF19-9FBAA1830E3A

Ganitong-ganito ang mga softcore Viva movies nung early 2000’s starring Maui Taylor (who interestingly played a nanay role here) and Rica Peralejo na directed by Yam Laranas or Erik Matti. Yung kunwari may story pero obvious naman na excuse lang para mag-kamison ang mga bidang starlets at matupad ang sexual fantasies ng mga kalalakihan.

Yung matutuwa ka na 18 years old ka na kasi mapapanood mo siya sa SM Cinemas nung hindi pa sila nagpapanggap na family- and values-oriented. (Btw, I saw this in Southmall because it was shown under the guise of an R-16 film. Oh, the irony!!)

Medyo awkward panoorin ang sex and nudity scenes kasi hawig ni Rhen Escaño si Yasmien Kurdi tapos si Cindy Miranda naman parang sultrier Kathryn Bernardo.

Bilang certified chimbies, syempre ang paborito nila kainin ay sinabawang tahong. For future local lesbo films, I suggest gawing nilagang mani, mainit na monay, adobong pechay, or malagkit na kalamay para maiba naman.

For the problematic straight male crowd na gusto sumakit ang puson, go nuod lang.

(And Lolita Carbon, why?!?)

Rating: ★★☆☆☆

YOURS TRULY, SHIRLEY (Nigel Santos, 2019)

59C89276-1FAC-4058-9BF4-59D985C34032

SPOILER ALERT!!

Sayang kasi maayos pa naman si Ate Reg lalo na dun sa subtle iyak moments niya habang nangungulila sa yumaong asawa (Romnick Sarmenta, na may hawak ng secret location ng Fountain of Youth). Winner yung pancit scene niya. Also, ganda ng make-up niya dito. Lakas maka-fresh at makabata ng 10 years.

Sana lang hindi masyadong trying hard magpatawa yung movie. Best moment for me nung nagmano ang friend nila dun sa matandang afam na jowa nung isa pa nilang friend. Worst yung lahat ng eksena ni Dennis Padilla (who also almost ruined Unforgettable), stuck in his corny 90’s comedy acting.

Other random thoughts:

• Ang apt lang nung American Beauty petals scene.
• Ang lakas ni Ate Reg at kayang mag-lift ng isang bayong ng kamias gamit lang ang isang braso.
• Nakaka-LSS yung single ni Jhameson Khervyn (pero nakakairita yung actor kung sino man siya).
• Sinong tao ang mag-iisip na merong isang piling ng talong? Yung totoo?
• Nakakatuwa yung cameo sa dulo at reference sa Heaven Resort.

Oh well, sabi ko nga ang sayang. In Regine-speak, kulang talaga siya ng “Woooooohhhh!”.

Rating: ★★☆☆☆

ASUANG (Raynier Brizuela, 2018) – ★★☆☆☆

6016305D-AEC6-4E96-B9EB-7A924F12E4B9

Mas marami siyang nasabi tungkol sa social media generation kesa sa I’m Ellenya L. Although may ilang mga silly/funny moments, hindi nag-work for me yung fusion ng mockumentary style sa local mythology.

Very admirable ng commitment ni Alwyn Uytingco sa lead. Sana masundan pa ito ng ibang juicy roles for him. And syempre, magaling si Chai Fonacier in everything she does. I’m surprised wala pa siyang shrine sa bahay ko.

Rating: ★★☆☆☆

CINEMA ONE ORIGINALS 2019 SCORECARD

5D6229F5-9E21-4C63-80B5-1B650C513BAF

Best Feature-Length Film

1. Sila-Sila (Giancarlo Abrahan) – ★★★☆☆
2. Metamorphosis (J.E. Tiglao) – ★★☆☆☆
3. Tia Madre (Eve Baswel) – ★★☆☆☆
4. Lucid (Victor Villanueva) – ★★☆☆☆
5. Tayo Muna Habang Hindi Pa Tayo (Denise O’Hara) – ★★☆☆☆
6. Yours Truly, Shirley (Nigel Santos) – ★★☆☆☆
7. Utopia (Dustin Celestino) – ★☆☆☆☆
8. O (Kevin Dayrit) – ★☆☆☆☆

Best Performance by an Actor in a Leading Role

1. Gio Gahol (Sila-Sila)

Best Performance by an Actress in a Leading Role

1. Alessandra de Rossi (Lucid)
2. Cherie Gil (Tia Madre)
3. Jana Agoncillo (Tia Madre)
4. Regine Velasquez (Yours Truly, Shirley)

Best Performance by an Actor in a Supporting Role

1. Ricky Davao (Metamorphosis)
2. Topper Fabregas (Sila-Sila)

Best Performance by an Actress in a Supporting Role

1. Iana Bernardez (Metamorphosis)
2. Yayo Aguila (Metamorphosis)

Best Short Film

1. Ang Gasgas na Plaka ni Lolo Bert (Janina Gacosta, Cheska Marfori) – ★★★★☆
2. Sa Among Agwat (Don Senoc) – ★★★★☆
3. The Slums (Jan Andrei Cobey) – ★★★★☆
4. Ang Lumunod sa Atin (Sonia Marie Regalario) – ★★★☆☆
5. Sa Gitna ng Lungsod (Ivan Cortez) – ★★☆☆☆
6. Last 2 3 4! (Genevieve Ofania) – ★★☆☆☆

Until next year!!

TÍA MADRÉ (Eve Baswel, 2019)

3F6C0ABA-A6EB-47A9-AD07-E441DDD40C7A

Mukhang ganito kapag nasobrahan ng panonood ng mga pelikula ni Ari Aster.

Redundant na nga dapat yung “Cherie Gil” at “horror” eh kasi kulang na lang maihi ako sa salawal sa titig lang niya (lalo na kapag may hawak siya na wine glass) kaso waley talaga.

Gusto ko maging kasinglakas ng batang babae dito. Hindi ko natutunan ang ganung knot nung Boy Scouts days ko infer. At pasalamat nanay ko puro Liwayway lang binabasa ko dati.

Rating: ★★☆☆☆

TAYO MUNA HABANG HINDI PA TAYO (Denise O’Hara, 2019)

943B5369-F745-4242-ADA8-8E0D5E31363A

Like a bad Antoinette Jadaone romance flick. Yung dapat nasa iWant na lang siya.

Kulang na kulang ang authenticity ng situations at performances.

Halos nakasimangot lang ako the whole time kahit di naman ako bitter sa pag-ibig (well, except nung akting na akting yung ex ni JC Santos dito nakakaloka ka girl mygahd!).

Rating: ★★☆☆☆

METAMORPHOSIS (J.E. Tiglao, 2019)

4917C21E-2348-4B20-A1BA-BE512E606B33

Wala naman ako masyado paki sa X-rating ng MTRCB kasi naabutan ko pa nung head sina Tito Manoling Morato and Lola Henrietta Mendez. Mas interested ako na tungkol ito sa isang intersex na di pa natatalakay ng lubusan sa local cinema.

Pero other than the on-the-nose metaphors (sino kaya ang gumagamit ng ganung diaphanous kumot na hindi kasali sa music video ni Tita Mariah?), parang wala rin naman siya masyado nasabi.

Di ko pa nagustuhan na very low-tier Joselito Altarejos ang feels dito. As in para akong si Tito Jo habang pinapanood ang extended (and hyped) masturbation scene. May mga predatory scenes pa na walang consequences.

Nakulangan ako kay Gold Azeron. Naalala ko ang isang young Diether Ocampo sa kanya. Buti magaling ang supporting cast lalo na sina Iana Bernardez (ganda nung bicycle scene at yung usap usap lang sa bintana) at Ricky Davao (praise the Lord!).

Bakit nga pala naging “There are many carabaos here” ang subtitle ng “Mukhang uulan”? Props for that Onang reference, though.

Rating: ★★☆☆☆

LUCID (Victor Villanueva, 2019)

C030B6B1-8B39-413C-8A54-65F2589E7A4C

Hawig yung style sa What Dreams May Come kung romance version siya written by Gilda Olvidado (or Nerissa Cabral). Hindi ko naintindihan kung sadyang depressed lang sa buhay yung character ni Alessandra de Rossi or nasobrahan lang sa pagkain ng hotdog.

May times na parang feeling ko it could have been successful as a psychological horror film pero mas pinili niya ang Precious Hearts Romance route so ok.

Nung sinabi ni JM de Guzman yung line na “This is what dreams are made of”, I swear muntik na ako mapakanta ng Hey Now ni Hilary Duff.

Rating: ★★☆☆☆