HUSTLERS (Lorene Scafaria, 2019)

E3662101-3EA8-4660-A34C-DA98B5419291

Siguro it’s time for a career shift.

Also, Jennifer Lopez is really coming for that Oscar and I’m all for it.

Rating: ★★★★☆

Advertisements

THE GOLDFINCH (John Crowley, 2019)

5E70983E-7806-4650-AD0B-0B8E6A1737B7

SPOILER ALERT!!

Ganito din ba ka-boring ang Pulitzer Prize-winning novel that this was based on? Siguro kaya hindi rin ako makalampas sa first few chapters ng book (although mas kasalanan talaga ng short attention span ko at ng Mobile Legends). Grabe halos ma-plano ko na ang buong buhay ko habang hinihintay matapos ang movie na parang wala naman pinatunguhan.

Syempre masakit as an Ansel Elgort fan to accept na totoo pala lahat ng negative reviews nito (commercial flop din sya at mukhang hindi man lang kikita ng more than $5M sa US in its entire run). Mas may emotional connection pa ako sa IG videos ng meltdown niya while defending the film. Ganun siya kalala.

Ang only source of joy ko dito eh kapag may mga lumalabas from the cast of American Horror Story like Sarah Paulson and Denis O’Hare. Sayang nga at hindi ginamit ang Ryan Murphy Universe to cast the other roles here (Connie Britton for Nicole Kidman, Dylan McDermott for Luke Wilson, and even Evan Peters for Ansel). Ang saya siguro ng AHS: Goldfinch bilang horrific experience din naman siya.

May isang linya lang dito na tumatak sa akin. Yung sinabi ng fiancée niya na “I don’t expect you to know what it feels like to be in love with the wrong person” at ang only reason bakit siya papakasalan was “This marriage makes sense”. Hay, ang sakit. You deserve better, Ansel. You deserve much better.

Rating: ★☆☆☆☆

IT: CHAPTER TWO (Andy Muschietti, 2019)

4F6B3EE8-33A3-4818-9B90-5B3837ED08E5

SPOILER ALERT!!

If you’re a huge Marvel fan, I’m sure alam mo yung feeling na halos mabaliw ka sa tuwa whenever you spot that Stan Lee cameo in every movie. Ganung level ang saya ko nung biglang lumabas si Stephen King as a shop owner who hated books with badly-written endings (wink, wink).

Mahirap talaga ma-capture ang lahat ng details of a King novel pero this was a pretty faithful adaptation. Hindi naman talaga siya outright clown horror story kaya na-appreciate ko na mas maraming fantasy elements this time around (including that Ritual of Chüd).

Standout sa adult cast si Bill Hader. Ang ganda ng ginawa nilang “change” sa character niyang si Richie. Mas nag-resonate yung brutal hate crime sa start ng movie (lalo na ngayon na ang daming bigots online).

Hindi naman problem ang three hour (almost six for both chapters) runtime considering na more than 1k pages ang libro pero ramdam pa rin ang pacing issues. Mas effective din yung horror element (plus nostalgia) nung mga bata sa first movie.

Iba talaga ang source of fears and nightmares nung childhood, no? Ngayong adult ka na, walang laban ang isang clown sa iyong latest Meralco bill.

Rating: ★★★☆☆

ONCE UPON A TIME IN HOLLYWOOD (Quentin Tarantino, 2019)

D9549A7A-8A80-478B-8A8F-BF386BC8A993

Almost three hours of absolute boredom. Nainggit ako sa mga nag-walkout after the first 40 minutes kasi wala naman talaga masyado ganap. Dun lang ako natawa sa Bruce Lee sequence. Sobrang dami pang close-up shots ng mga maduduming paa yuck. Sana hinintay ko na lang ‘to sa Netflix.

Worst film of the year? Let’s just say that I’d recommend this to my worst enemy.

Rating: ★☆☆☆☆

WEATHERING WITH YOU (Makoto Shinkai, 2019)

4D19969C-16B2-4C36-92F5-7B02CFBCA1EF

SPOILER ALERT!!

Very Wattpad Presents ito ha. Yung mga elements na medyo iffy ako sa Your Name eh dinoble pa lalo dito. Ramdam mo na gusto talaga ma-replicate ang success nun but they ended up with an inferior version.

Impressive pa rin naman ang animation. Medyo cute yung basic premise (parang gusto ko maging sunshine girl lalo na kapag bumabaha na sa Daang Hari) pero ang bagal ng pacing at tuluyang nagkalat nung third act.

Paano ako mag-root sa love story nila eh medyo selfish? Parang ang message eh kebs na sa earth kasi inevitable naman ang climate change so maglandian (er, magmahalan) na lang tayo. Nyek! Mas cheesy pa siya sa Big Mac.

Rating: ★★☆☆☆

READY OR NOT (Matt Bettinelli-Olpin, Tyler Gillett, 2019)

728B812B-4DEE-4E37-83D6-83B22D7DA999

SPOILER ALERT!!

Minsan talaga napapaisip ako ano ginagawa ng mga alta kapag sobrang bored sila. Lalo na if they already (literally) sold their souls to the devil. At least meron na akong idea after this.

Ang seamless ng blend ng comedy and suspense dito. Yung may feeling na nanggagago pero mag-e-enjoy ka sa kababawan. Masaya sa sinehan pero bagay din siya panoorin sa Netflix on a Saturday night kasama ang family or friends (at least yung adult ones).

And this Samara Weaving girl is a star. Sana gumawa siya ng movie with Margot Robbie where they play twin assassins. Ang saya siguro nun.

Rating: ★★★★☆