MGA BILANGGONG BIRHEN (Mario O’Hara, Romy Suzara, 1977)

CCB61E41-971B-4552-977C-4BB299D53BAF

SPOILER ALERT!!

70’s Pinoy class warfare. At eto yung panahon na ang halaga ng isang babae ay katumbas lamang ng dalawang kambing.

Napaka-pwetic nung train scene kung san itinutulak ng apat na nakahubad na alipin ang isang bagon habang may rape na nagaganap sa loob.

Kaso san nanggaling yung biglang Midsommar sa dulo? Bakit parang dinagdag lang para makita ang dede ni LoveliNess (na without reservation ay isa talaga sa pinakamagandang mukha in Philippine showbiz).

Sobrang galing nina Armida Siguion-Reyna at Leroy Salvador dito. Pero ang pinaka-memorable for me ay si Monang Carvajal as Doña Sagrada. Parang mas gugustuhin ko pa na sampalin ang sarili ko kesa murahin niya paulit-ulit (and in malutong na Spanish pa) huhu.

Rating: ★★★☆☆

KUNG MANGARAP KA’T MAGISING (Mike De Leon, 1977)

FE27B539-AEAC-46C4-9DF6-E5C4DC5F6C2D

Taob ang tambalang Baguio nina Bujoy at Ned dito kina Ana at Joey.

Ang ganda ganda ganda ni Hilda Koronel. Ang sikip sikip sikip ng pantalon ni Christopher de Leon (as in bellbottoms na balls-hugging/splitting sa itaas tapos mega flared sa legs). Ang husay ng supporting cast. Pinakapaborito ko sina Laurice Guillen as Dimples Romana and Bibeth Orteza as Nikki Valdez.

Ang linis ng love story. Meron silang ibang mga problema sa buhay pero pinakita lang sa ilang eksena. Naka-focus talaga ang kwento sa bawal nilang pag-iibigan.

Usapan habang nanonood:

“Ay, andyan pala ang APO Hiking Society. Pero bakit wala si Jim Paredes?”

“Malamang kasi dilawan siya.”

Rating: ★★★★☆