MOVIE REVIEW: ABANDONADA (Joel Lamangan, 2000)

6FB94489-0BF1-43EC-A781-A1122DCDA1EE

SPOILER ALERT!!

Bakit nga ba naging masama ang connotation ng salitang “katulong”? Masasabihan ka agad na bastos at matapobre kapag yan ang ginamit mo sa halip na “kasambahay”. Malinaw naman na ang root word nito ay tulong kaya angkop na translation ng house help. Wala naman nakakahiya o nakakababa sa pagtulong. Kapag naririnig ko nga ang salitang kasambahay parang kasama lang sa bahay at walang ginagawa kahit sila talaga ang nagbabanat ng buto araw-araw.

Anyway, naalala ko lang yan kasi pre-woke era pa ang pelikulang ito. Masasabihan ngayon na hindi politically-correct bilang katulong pa ang gamit na salita. Very Pinoy ang drama kasi si Gemma (Maricel Soriano) na nakulong sa Canada at nahiwalay sa kanyang anak ay umuwi ng Pilipinas matapos makalaya at namasukan bilang maid sa mismong bahay ng kanyang asawang si Edwin (Edu Manzano) na kasal na sa ibang babaeng si Cindy (Angelu de Leon). (Nahilo ba kayo slight?)

Maayos naman ang paglalahad ng class distinctions. Sa sobrang laki ng bahay ay bihira magkita ang mga may-ari at mga kasambahay. Advantage ito para kay Gemma kasi hindi siya pwedeng mamukhaan ng demonyo niyang ex (na sa mga flashbacks ay ipinakitang lasenggero at abusive).

Pero dahil nga very Pinoy ang takbo ng kwento, naging conventional sa bandang gitna na umabot sa sampalan, kidnapan, at barilan sa loob ng isang sinehan (na di nalalayo sa ginamit sa Serbis). Nawala ang malinaw na motivations ng mga characters. Parang lahat sila biglang hindi na nag-iisip ng tama.

Sayang kasi ang daming themes na interesting kung natutukan lang. Yung family abandonment issue related sa OFWs, yung subplot ng euthanasia, at kahit yung battered wife syndrome. Very burgis pa ng character ni Cindy kasi after siya bugbugin ng asawa eh naisipan niyang… mag-horseback riding. Yes, basag ang mukha niya pero ang cute ng equestrian outfit niya.

Yan talaga ang hirap kapag hindi mo nakikita ang iyong mga kasama sa bahay. Walang magsasabi na kelangan mo pa dagdagan ang iyong concealer.

Rating: ★★☆☆☆

TOP 10 MMFF MOVIES (2000-2016)

688743E3-1B04-40F7-9EBD-72EAB428FBAF

MOVIE REVIEW: MINSAN, MINAHAL KITA (Olivia Lamasan, 2000)

319FFB29-07AE-4AC0-B8A8-E80051996704

We had the right love at the wrong time ang peg.

Sa huli, magkakatabi ang mga kotse nila dahil sa sobrang traffic.

Magkakatitigan. Susunod ang matatamis na ngitian. Lalong lalakas ang chorus ng Somewhere Down the Road habang hindi gumagalaw ang mga sasakyan nila at lalong magiging sanhi ng traffic sa Parañaque.

Tatak Lamasan. #iconic

Rating: ★★★★☆

MOVIE REVIEW: ANAK (Rory Quintos, 2000)

D6E94A26-CD9E-49B8-9104-4B56FE0EF483

Although saddled by melodramatic conventions, this film was still a truthful depiction of the OFW life and its adverse effects on the core of a Pinoy family.

“Kung hindi mo ako kayang ituring bilang isang ina, respetuhin mo na lang ako bilang isang tao.” Ang sakit sakit naman, Ate Vi. 😭😭😭

Eh yung gusto ko talagang saktan si Carla (Claudine Barretto). As in Mon Tulfo in the airport level ganun. Ang effective nya bilang bwiset na ingrata haha!

I liked how they subverted the villain stereotype in one scene. Bad girl si Carla so more yosi. Tapos biglang sinabayan ng nanay nya. Ang galing.

Hindi ko nga maintindihan bakit sya galit na galit kay Ate Vi. Si Michael (Baron Geisler) nga giant dictionary ang nakuhang pasalubong tapos tahimik lang.

Rating: ★★★★☆