MOVIE REVIEW: ABAKADA… INA (Eddie Garcia, 2001)

AA517CBD-5619-44A9-9DB4-CD2F103388F8

SPOILER ALERT!!

Hindi pinili ni Estella (Lorna Tolentino) ang pagiging mangmang. Galing siya sa mahirap na pamilya at nung bata pa siya, kelangan niya maglakad ng higit sampung kilometro makarating lamang sa paaralan. Hindi siya tamad. Sadyang kulang lamang ang oportunidad na available sa kanya. Yung simpleng pagkapigtas ng tsinelas na suot niya ay napakabigat na rason na para piliin niyang wag na pumasok ulit. Hindi niya yun kagustuhan. Wala lang talaga siyang choice.

Lumaki siyang iliterada. Hirap magbasa at hindi man lang umabot sa letter Z ang kaalaman niya sa alphabet. Sinubukan niyang makaahon sa kahirapan sa pagtitinda ng mga kakanin dahil hindi naman siya tamad. Pero sapat lamang ang kita niya para sa mga pang-araw-araw na pangangailangan.

Nakapag-asawa siya at nagkaroon ng tatlong anak. Sa sobrang saklap ng kapalaran niya, ang malditang biyenan (Nida Blanca) niya ay isang kapita-pitagang guro. Wala itong ginawa kundi ipamukha sa kanya na siya ay ignorante. Gumamit ng emotional at psychological manipulation para ilayo ang loob ng mga bata sa kanilang ina. Hindi daw niya deserve ang respeto kasi tanga siya, kahit hindi naman niya piniling maging tanga.

Maraming Estella sa lipunan natin ngayon. Napakadaling kutyain dahil sa estado nila sa buhay. Dahil salat sa yaman at hindi nakapag-aral, kadalasan ang tingin natin ay mas mababang uri sila ng tao. Kahit hindi sila tamad. At kahit hindi nila pinili na maging mahirap at mangmang.

Rating: ★★★☆☆

TOP 10 MMFF MOVIES (2000-2016)

688743E3-1B04-40F7-9EBD-72EAB428FBAF