CAPTAIN BARBELL (Mac Alejandre, 2003)

286F58EE-99E0-43D6-B445-584404706D18

Hindi ko talaga ma-take na naging Captain Barbell (Bong Revilla) si Enteng (Ogie Alcasid) dahil lang nagbuhat siya ng random barbell sa Gold’s Gym. Sobrang layo nito sa 80’s version ni Leroy Salvador na tungkol sa value of kindness.

Nakakatawa na dad bod na si Bong dito kaya obvious na hirap na hirap yung harness tuwing lilipad siya or bababa sa lupa. At bakit ba mas concerned ang pelikula sa lovelife niya?

Favorite part ko yung nalaglag sa bangin yung kotse ni Regine Velasquez tapos mga five seconds siya nahuhulog sa ere (in full horrible vfx) bago na-save ni Captain Barbell. Tapos sa halip na magpasalamat, pinabuhat din ng kapatid niya yung kotse nila kasi mahal nga naman ang downpayment diba.

In one dream sequence, lumabas din sina Darna at Lastikman. Bakit nga ba wala tayong Mars Ravelo Cinematic Universe? Mga tagapaghiganti magtipon!!

Rating: ★☆☆☆☆

TOP 10 MMFF MOVIES (2000-2016)

688743E3-1B04-40F7-9EBD-72EAB428FBAF