MOVIE REVIEW: CULION (Alvin Yapan, 2019)

1165DE3A-DB7E-4F4A-B646-822BEE554431

Very disappointing, especially since I’m a lowkey fan of Yapan’s films. Yung kahit di ko masyado maintindihan ang poeticism/lyricism/symbolism (at lahat ng -ism) sa mga pelikula niya, lutang naman ang artistry at craftsmanship. Nawawala yun dito.

Maliban sa dalawang creative choices (yung dream sequences ni Jasmine Curtis-Smith at yung goosebumps-worthy kidlat scene sa dulo), iisipin mo na si Joel Lamangan ang nag-direct nito. Daming gustong sabihin pero walang pinatunguhan. Sobrang kalat.

Sayang kasi andito ang mga acting greats ng Pinoy cinema (Jasmine, Iza Calzado, and Meryll Streep-Soriano). Bonus pa yung much-hyped cameo ni John Lloyd Cruz. Nagtitigan lang sila ni Meryll pero dalang-dala ako sa eksena. (Please come out of retirement!!)

Ang pakiramdam nung over two hours na runtime ng pelikula ay para kang nagbabasa ng History book. Alam mo na may sinasabing importante pero sobrang bagot. Tatlo na nga lang kami na nanuod tapos ang sarap pa ng tulog nung magkayakap na mag-jowa sa harapan ko.

Rating: ★★☆☆☆

MOVIE REVIEW: WRITE ABOUT LOVE (Crisanto Aquino, 2019)

6FF4AC3D-0C94-475B-93A4-3719E403A552

Probably the biggest surprise of this year’s festival. As in wala akong gana panoorin siya after ko makita ang trailer lalo pa at parang typical hugot romcom. Tapos mukhang Kuya and Bunso levels sina Rocco Nacino at Miles Ocampo (which the film smartly acknowledged). I was so happy to be proven wrong.

Ang lakas ng chemistry nung dalawa. Yung ayoko talaga ng sisig pero mukhang mapapakain ako sa sobrang kilig. Tapos magaling talaga sila pareho umarte. May kanya-kanyang dramatic highlights. Ganda ng pagkagamit sa trope na nasa parehong eksena sila ng mga creations nila.

Nagustuhan ko yung discussions tungkol sa thought processes nila as writers. Ang apt nung reference sa Trip to Quiapo ni Ricky Lee. Alam ko na may taste rin si Ms. Rom-Com kasi ilan sa mga paborito niya ay Got 2 Believe, One More Chance, at That Thing Called Tadhana.

May hawig siya sa Last Fool Show na pinalabas early this year with its stab at formulaic local romance flicks. Natawa ako sa Villegas-Jadaone reference, sa pelikulang “I’m Drunk, I Hate You” at sa pagsingit ng memorable hugot na “Mahal mo ba talaga ako o minahal mo lang ako?”.

Mahusay din dito sina Joem Bascon at kahit si Romnick Sarmenta in a small role. Ang only weak link ay si Yeng Constantino. Di na nga sya mukhang leading lady in a Star Cinema-ish movie tapos di pa marunong umiyak. Parang pinili lang siya kasi singer sa banda yung character nya so kelangan magaling kumanta. Sayang.

My favorite quotes:

• “Ganun naman ang love eh, minsan bullshit.” (Tapos napasubo na lang si Miles ng lettuce wrap haha!)

• “People who love are capable of hurting.” (Tagos!)

• “Nasa pag-revise kasi lumalabas ang ganda ng isinusulat.” (HAHAHAHAHA! Bato-bato sa langit, ang tamaan ay pangit.)

Rating: ★★★★☆

MOVIE REVIEW: THE MALL, THE MERRIER (Barry Gonzalez, 2019)

29D25233-0042-42E2-B459-D31017CB4337

Siguro ang pinakamagandang masasabi ko dito ay hindi siya kasing-chaka ng Fantastica. May konting attempt naman ng social commentary about malls displacing natural resources atsaka value ng pamilya. Kaso natabunan ng sobrang ka-cornyhan.

Dalawang beses lang ata ako natawa (at pareho kay Anne Curtis). Mas masaya pa manood ng memes at viral videos sa Facebook. Walang bago at all. Kaya may TB pa rin dito si Susan Africa.

Rating: ★☆☆☆☆

MOVIE REVIEW: MINDANAO (Brillante Mendoza, 2019)

E87EA337-CEAF-4109-BF8A-2CBC30EB4CB1

Napaisip ako kung ano ang mas bagay na title para dito kasi parang hindi naman siya accurate na representation ng buong Mindanao. Nabawasan pa ng authenticity kasi Tagalog ang ginamit na main language.

Hindi nag-work for me ang juxtaposition ng dalawang kwento (yung animated folk tale ng magkapatid na Rajah at yung tungkol sa nanay na ang anak ay may cancer, amidst the Maguindanao war), pero interesting and engaging sila separately.

Iba pa rin talaga sa aktingan ang isang Judy Ann Santos. Ang ganda nung kinantahan niya ang anak niya na nagwawala kasi nasasaktan sa injection. Tapos tumigil sa pag-iyak on cue yung bata (ang galing!). Sabay patak ng luha sa kanang mata lang ni Juday. Kaya siya nanalong Best Actress sa Cairo eh.

May pa-dance number pa siya that reminded me of Ate Guy in Tuos. Anyway, grabeng strawberry ice cream yan muntik na ako humagulgol sa sinehan.

Rating: ★★★☆☆

MOVIE REVIEW: KALEL, 15 (Jun Lana, 2019)

E5660FA6-A0FC-4C6B-9DC6-DFB6173E3132

SPOILER ALERT!!

“Kalel ba talaga ang pangalan mo? Interesting name.” Tama ka baks. Ang ganda na yan din ang totoong pangalan ni Superman (na tumba sa kryptonite) tapos sa Hebrew naman ay “voice of God” na ang meaningful considering na anak siya dito ng pari.

Grabe minahal ko ang pamilyang ‘to kasi relatable kahit sobrang flawed nila kaya alam mo na totoong mga tao at hindi caricatures sa pelikula. Iyak-tawa ako sa bonding nila habang nag-iinuman at nung eksena na inalis ng Ate niya yung handcuffs.

Napakahusay nina Jaclyn Jose, Elora Españo, at Gabby Padilla. Pero ang star ng Pasko ay si Elijah Canlas. Ramdam na ramdam ko ang galit niya sa mundo habang paliit ito nang paliit (kasabay ng kumikitid na frames).

Ang linis nung editing ng sequence na pag-ungol ng jowa to pag-iyak ng shuas na Ate to pagtawa ng kaibigan. Tapos ang powerful nung pagdura sa dulo. With this and John Denver Trending, mukhang 2019 ang year ng nihilistic endings for youths in Pinoy films. Lavet!

Forte talaga ni Lana ang ganitong human drama. Dami kong nagustuhan na directorial choices niya dito. Ang dami din nasabi ng pelikula in less than two hours. Sana mag-focus na siya sa ganito at hindi na gumawa ng mga Haunted Mansion… oops!! (Ay di pala niya mababasa ‘to kasi ni-block niya ako on social media hahaha!)

P.S. I will never look at Oreos the same way again huhuhu.

Rating: ★★★★★

MOVIE REVIEW: DEAD KIDS (Mikhail Red, 2019)

612B0E3F-2765-49DF-A776-E4B162ED9C80

May isang scene dito that brought back a childhood trauma. Yung part na tiningnan ng isang alta kid yung tag ng shirt ni Sta. Maria at pinagtawanan na department store item.

Kasi nung isang field trip namin wala akong masuot na bago kaya hiniram ko yung polo shirt ng dad ko. Akala ko walang papansin kasi damit lang naman. Pero may isang nakakita na number 7 yung logo sa harap at pilit talaga tiningnan ang tag. Sabay-sabay sila nagtawanan na Jaworski yung brand ng suot ko.

Kaya one big pakyu sa inyong mga rich kidz! Babalikan ko kayo soon!!

(Just kidding, pinagtatawanan na lang namin ng mga friends ko ‘to. Pero totoo ang childhood trauma. So mag-ingat pa rin sila chz.)

P.S. Ang lakas ng star quality ni Kelvin Miranda dito. Pwede sila magkapatid ni Martin del Rosario. At ang galing talaga ni Vance Larena.

P.P.S. Kung nilakihan pa sana ang roles nina Gabby Padilla (I love you!!) at Sue Ramirez, ang laki sigurado ng maitutulong nila sa kwento.

Rating: ★★★☆☆

MOVIE REVIEW: THE HEIRESS (Frasco Mortiz, 2019)

3675AA7D-43C3-483D-B3BB-736F050FDCA0

Nalungkot ako kasi hirap na talaga magsalita si idol Maricel. Dati walang-wala ang machine gun sa rat-tat-tat delivery niya. (To be fair, napakahusay pa rin niya umarte.) #faney

Pero jusko naman pati mambabarang bitter na bitter sa lovelife at puro hugot. Mas marami akong tawa kesa takot.

Rating: ★☆☆☆☆

MOVIE REVIEW: ADAN (Roman Perez, Jr.)

AB4CA15D-D1B3-4B08-AF19-9FBAA1830E3A

Ganitong-ganito ang mga softcore Viva movies nung early 2000’s starring Maui Taylor (who interestingly played a nanay role here) and Rica Peralejo na directed by Yam Laranas or Erik Matti. Yung kunwari may story pero obvious naman na excuse lang para mag-kamison ang mga bidang starlets at matupad ang sexual fantasies ng mga kalalakihan.

Yung matutuwa ka na 18 years old ka na kasi mapapanood mo siya sa SM Cinemas nung hindi pa sila nagpapanggap na family- and values-oriented. (Btw, I saw this in Southmall because it was shown under the guise of an R-16 film. Oh, the irony!!)

Medyo awkward panoorin ang sex and nudity scenes kasi hawig ni Rhen Escaño si Yasmien Kurdi tapos si Cindy Miranda naman parang sultrier Kathryn Bernardo.

Bilang certified chimbies, syempre ang paborito nila kainin ay sinabawang tahong. For future local lesbo films, I suggest gawing nilagang mani, mainit na monay, adobong pechay, or malagkit na kalamay para maiba naman.

For the problematic straight male crowd na gusto sumakit ang puson, go nuod lang.

(And Lolita Carbon, why?!?)

Rating: ★★☆☆☆

MOVIE REVIEW: DAMASO (Joven Tan, 2019)

843075EB-DFF9-439F-B674-9B14987B809F

Sin vergüenza!!

Matapang sana ang mensahe ng pelikula pero natabunan ng high school musical staging (although magaling kumanta si Bidaman Jin Macapagal as Crisostomo) at Linggo ng Wika acting (except for the dependable ones like Irma Adlawan and Ketchup Eusebio).

Di ko alam san ako pinakamalakas tumawa. Baka nung baliw-baliwan song number ni Vina Morales as Sisa with her signature nginig-nginig vibrato. Or dun sa may nag-uusap na mag-jowa sa cellphone tapos pagkasabi ni girlie ng “Mahal kita” biglang segue sa “Oooooh” kasi start na pala ng kanta niya. Or nung lumabas si Mon Confiado as a prayle na mukhang rejected member ng SB19.

Medyo nagulat din ako sa casting considering the blatant political views of some actors.

To be fair, sumakit ang tiyan ko sa buong movie. Feeling ko future cult classic ang all-star cast disaster na ito.

Rating: ★☆☆☆☆