MOVIE REVIEW: THE BOY FORETOLD BY THE STARS (Dolly Dulu, 2020)

SPOILER ALERT!!

Cute naman yung movie kasi malakas ang chemistry nina Adrian Lindayag and Keann Johnson. Refreshing din to see a local mainstream queer love story na effem ang bida.

Plakado ang formula. May slo-mo landian habang naglalagayan ng paint, may memories montage set to their theme song, may unexpected kiss in a romantic setting (altho medyo bothered ako na magkakasunog sa dami ng kandila sa Bermuda grass), at may mababaw na conflict na nakalimutan na sa dulo kasi gays also deserve the requisite Star Cinema happy ending.

Pero it’s hard not to like this kasi meron din stabs at brilliance lalo na yung very progressive view about homosexuality vis a vis religion. Gusto ko na yung mga bakla talaga ang nag-aayos nung Journey to the Lord at kahit sinasabi na sila ay lie from the devil, sila pa rin ang ginawang leads kasi syempre kelangan well-organized at bongga ang retreat.

Tuwang tuwa din ako sa group of friends kasi very natural lang nila. Yung malakas magpakita ng support pero ang lakas din mang-okray with lines like, “Mahal?? Agad-agad??”. Naisip ko nga kung ginawa ito nung early 2000’s, ang saya siguro to watch Ricci Chan and Phi Palmos as Dominic and Timmy.

Sayang lang at medyo bumitaw ako nung last act sa pagpasok ni Karen. First of all, parang hindi siya yung type na ex-gf na na-picture kong competition talaga ni Dominic. Mukha nga siyang naligaw from some college sa tabi-tabi. Meron pa siyang chaka na extended dance sequence for the promposal scene. (Seriously, bakit ganun ang casting? Kamag-anak ba siya ng producer?). Also, bakit ginamit pa rin ang trope na villain ang babae sa love story ng mga bakla? Wala ba tayo natutunan kay Pearl Gatdula?

And speaking of chaka, ang lakas ng tawa ko dun sa scene na sinunog ni Dominic yung bully niya with the basic “Ang panget mo!” comeback. Bakit nga ba yung mga chaka pa ang malakas manlait no?

Rating: ★★★☆☆

MOVIE REVIEW: FAN GIRL (Antoinette Jadaone, 2020)

SPOILER ALERT!!

Sobrang flop ba ng Goyo? Bakit hindi nakapagbayad ng kuryente si “Paulo Avelino”? (And speaking of Goyo, buti pa si Jane at hindi inantok sa panonood nun.)

Mukhang nasayang ang material kasi si Paulo ang napili na character. Hindi naman goody-goody ang image niya to begin with. Kung makita ko siya na nagyoyosi at umiinom, hindi naman ako magugulat. (Also, bakit parang pini-perpetuate ang stereotype na kapag mahaba ang buhok ng lalaki, may hikaw, may tattoo, nagyoyosi, umiinom, at nagmumura eh villain na agad?) Ang ganda siguro kung nagawa ang pelikula nung pre-Ellen Adarna phase ni John Lloyd Cruz. As a huge fan of Lloydie, baka nahimatay ako dun sa doggy-style scene. (Speaking of ulit, ang weird to see a film condemn misogyny and violence against women tapos may extended rape scene.)

Akting na akting pa si Paulo dito. I wonder kung nasa script talaga ang lahat ng “tangina mo, gago” lines niya. Feeling niya siguro nasa pelikula siya ni Scorsese at ikinaganda ng character niya yung excessive profanity. Buti mas mahalaga sa kanya ang Star Award niya kesa Urian kasi mukhang ipapasoli ng Manunuris ang award niya after seeing this performance.

Pasalamat na lang siya at binuhat siya dito ni Charlie Dizon. Alala ko pa na sobrang irita ako sa kanya as the trying hard bff of Enrique Gil sa Seven Sundays (nung April Matienzo pa pangalan niya) kaya nung makita ko ang trailer, naisip ko most likely di ko magugustuhan ang movie. May aura pa siya ni Alex Gonzaga na parang nakaka-bwiset for no reason (kaya ba siya na-cast as the young Teddie in the Four Sisters prequel?). Anyway, mahusay talaga siya. Totoo ang hype at deserved ang Best Actress win. (Kung meron man false note sa performance niya, siguro yung part na kunwari di siya marunong magyosi kahit obvious naman na sanay siya based sa paghawak niya at pagtaktak ng abo.)

Ang ganda sana kung na-explore fully ang extreme fanaticism. Kaya never ko talaga gusto ma-meet ever ang paborito ko na si Maricel Soriano kasi ayokong ma-disappoint kapag makita ko na nambubugbog pala talaga siya ng mga kasambahay. Obviously bata pa si Jane kaya di rin niya napanood ang Bituing Walang Ningning at Bona. Wala talagang magandang nadudulot kapag na-meet mo na ang idol mo. (Altho sana napanood niya ang Bona para natuto siyang lumaban at buhusan ng kumukulong tubig si “Paulo”.) Pero teka, bakit biglang nawala ang idolatry dahil lang sa attempted kidnapping? Ang labo.

Anyway, gets ko naman na dapat may relevance sa current times ang mga pelikula para hindi simpleng hugot lang ang mga linyahan pero medyo pilit ang political undertones dito. Given the recent headlines, ang off pa na ang resolution ay humingi ng tulong sa perceived oppressors. Hindi rin naman tayo pwedeng mag-ala Ladybird at laging takasan ang problema. Halos pareho lang ito nung #NeverForget message sa Alone/Together na all but forgotten kasi alam naman natin na mas importante ang love story ng LizQuen.

Not a huge fan of this film obvs.

Rating: ★★★☆☆

MOVIE REVIEW: US AGAIN (Joy Aquino, 2020)

444A6409-B4C7-4460-B067-895C85D938C0

SPOILER ALERT!!

Ngayon ko lang na-realize na marami palang tao ang may galit sa akin. Hindi ko alam bakit tuwang-tuwa sila na i-recommend ito kahit obvious naman na napakaikli na ng buhay natin dahil sa COVID.

Anyway, so eto na nga nagsayang ako ng Sunday morning para manuod ng isa na namang ghost story. Yes, yun ang plot twist ng movie kaya huwag n’yo na panoorin (I saved more than an hour of your life and a possible visit to the optometrist dahil sa weird choice to use shaky cam dito; you can thank me later). Bakit ba nauso itong multo-multuhan genre sa atin? Hindi pa nga bumababa yung tumaas na suka (as in vomit, not Datu Puti) sa lalamunan ko pagkatapos ng Hindi Tayo Pwede at Love the Way U Lie eh meron na naman bago.

Sayang kasi magaling pa naman umarte sina RK Bagatsing (Mike) at Jane Oineza (Marge). Feeling ko mag-root ako sa love team nila in a far different movie. Pero dito, simula pa lang na lumabas sila na naka-floral couple shirt eh gusto ko na sila agad maghiwalay. Ang toxic ng relationship nila! Hindi ko nga natiis ang awayan ng favorite local couple ko na sina Popoy at Basha sa A Second Chance eh sila pa kaya na naging mag-jowa after ahasin ni Marge si Mike sa long-term gf nito (na bff ni Marge btw). Sorry girl, karma ang tawag diyan.

Nakakalungkot talaga ang state ng healthcare dito sa atin as seen through films. Kung sa Edward ipinakita ang realidad ng kakulangan ng basic facilities for the sick, dito naman ipinakita ang incompetence ng medical industry. Nakaka-bwiset yung isang med tech na puro landi ang inaatupag sa trabaho kaya napagpalit yung urine samples. Tapos yung supervisor ni Marge sabi na the facility can get sued because of what happened pero siya pa rin ang pinag-ayos ng gulo. Wala kayong legal department??

Side note: Ang pinaka-nakakainis na character dito ay yung nanay na nagpa-BP at nung nasaktan eh saka nagreklamo at sinabing kukunin lang naman niya ang x-ray result ng anak niya. Pakibigyan nga si nanay ng reseta for Ensure Gold at isang kilong mani (as in peanuts, hindi yung… alam n’yo na yun).

Anyway ulit, so may pa-plot twist nga sa dulo na kaluluwa ni Mike (na comatose) yung nagpapakita kay Marge. Kahit sobrang obvious naman agad simula nung lumabas siya suot ang white polo na laba sa Tide (huy P&G, ilang beses ko na kayo na-promote ha, send nudes). At di ba nagtataka si Marge na lahat ng tao ang weird ng reaction kapag may kinakausap siya (lalo na yung waiter na nag-take ng order niya for two; although to be fair ganun din naman ang itsura nung judgmental na cashier sa KFC whenever I give my usual order)?

Pero siguro ito talaga ang isa sa mga ultimate nightmares, no? Imagine bwiset na bwiset ka na sa ex mo at gusto mo na maka-move on tapos mumultuhin ka pa ng gago. Sabi ko nga sa’yo Marge na Carmi Martin is just around the corner.

Rating: ★☆☆☆☆

MOVIE REVIEW: LOVE THE WAY Ü LIE (RC delos Reyes, 2020)

AE84EE19-43FF-42E3-8AF3-0FCD7AA7DCFD

SPOILER ALERT!!

Ganito talaga ang klase ng pelikula na dapat pinapanood sa panahon ng pandemic. Yung magpapa-realize sa iyo na napakaikli ng buhay para sayangin sa panonood ng pelikula ni Xian Lim na walang kalatoy-latoy umarte.

Muntik ko na nga hindi tapusin ang pelikula kasi nangangalahati pa lang sobrang naiirita na ako. Si Xian paulit-ulit ang bintang na stalker si Alex Gonzaga (na psychic kaya laging naka-gypsy-gyspsyhan outfit) pero more hatak naman lagi para magpatulong. Yung jowa niya na si Kylie Versoza “died of a car accident” daw pero nabangga ng jeep. Si Alex lang dapat nakakarinig sa multo na si Kylie pero more sigaw ang ibang mga tao tuwing nagsasalita siya.

May eksenang humakbang ang secretary ni Xian sa cable wire offscreen. Tapos normal naman magsalita si Alex pero tinanong sya ni Xian “how it works exactly” at kung sinasapian ba sya ni Kylie. Ha? Hindi naman siya nagboses Sto. Niño diba? Basta nakakairita lahat parang yung umlaut lang sa title. Hindi pa bagay sina Alex at Xian kaya ang apt lang nung Honey, Nasa Langit na Ba Ako? reference with the love team of Regine Velasquez and Janno Gibbs.

Ang daming quirky sound effects at animated doodles at bubbles na mapapaisip ka kung biglang lalabas ang paborito mong K-drama actor. Pero mukhang hindi lang yun ang obvious influence. Hindi ko nga alam kung may pinaglumaang DVD ng Ghost sa Viva office na pilit nilang pinapanood sa mga creatives nila kaya iba’t ibang variations lang nito ang ginagawa nila recently (perfect itong companion piece ng Hindi Tayo Puwede, lalo na sa basurahan). May isang scene pa na garapalang ginaya (ay, homage pala) sa Notting Hill na akala ko madudulas si Xian habang umaakyat ng gate at mapapasigaw ng Filipino equivalent ng “Whoopsie daisy” na “Ay kabayo!!”.

Kung naghahanap kayo ng nakakatawa, fast forward n’yo na lang sa end credits tapos pakinggan n’yo ang nakakarimarim na duet nila ng “Sasakyan Kita” kung saan parang na-impacho kumanta si Xian. Enjoy!!

Rating: ★☆☆☆☆

MOVIE REVIEW: HINDI TAYO PWEDE (Joel Lamangan, 2020)

64053F15-1ABA-4670-B3DC-825C8F283457

SPOILER ALERT!!

My notes on Hindi Tayo Pwede:

1. Minsan napapaisip na lang ako kung seryoso ang Viva Films kapag sinasabi nito sa start ng mga pelikula niya na “Proudly Presents”. Kasi nung natapos ko panoorin ang kababalaghan na ‘to, considering na attached ang mga pangalan ng Philippine Cinema luminaries like Direk Joel Lamangan and Sir Ricky Lee sa project, nagtaka talaga ako kung saang part sila proud.

Napakalayo nito from being a future classic tulad ng City After Dark at Maynila Sa Mga Kuko ng Liwanag na nakapaskil ang posters sa kwarto ni Gabby (Lovi Poe). Apparently as a frustrated director slash writer, may taste siya sa local films kaya rin kasama ang mga larawan ng The Flor Contemplacion Story at Himala. Gusto ko yung lantarang pagbubuhat ng Lamangan/Lee tandem ng sariling bangko (check n’yo na lang ang credits ng dalawang pelikula sa IMDB).

2. First scene pa lang ni Lovi lumabas na agad siya na naka-(Bench Body?) underwear kasi alam ng filmmakers kung ano ang totoong selling point ng gawa nila (eh diba nga naka-topless yung tatlong bida sa movie poster with a promised threesome?). Hindi naman nagpatalo sina Tony Labrusca (as the boyfriend Gabriel, yes Gabby din oha destiny!) at Marco Gumabao (as the lovesick ”Besh” Dennis, as in Roldan). Paiksian ng swimming shorts at palakihan ng bukol ang labanan every time merong requisite pool scene (syempre!) at beach scene (syempre!).

Ang lakas ng tawa ko nung ni-top ni Lovi si Tony dun sa sex scene nila set to their theme song Never Ever Say Goodbye by Nonoy Zuñiga. Why that song choice ba? Hindi naman sila couple in their 60’s. At diba popular funeral song na ‘to?

3. Sabagay apt din pala ang kanta kasi patay na si Gabriel dito. Yup, hindi lang nasobrahan ng Mena cream si Tony sa poster.

(Side note: Grabe makasira ng mood ang direction dito. Pano yung sex scene na sinabi ko biglang naputol bago pa umabot sa chorus kaya ako na lang ang kumanta kahit ibang eksena na.)

4. Bago ang story kung hindi mo napanood ang early 90’s film na Ghost with Demi Moore and the late Patrick Swayze. Garapalan ang reference kaya meron din Oda Mae Brown dito in the form of a manghuhula named Madam Concha (played by the Vangie Labalan). Kabog si Ateng Whoopi Goldberg!!

Ang difference lang talaga ay directly nahahawakan at nakakausap ni Gabby si Gabriel na hindi na kelangan pa sumanib kay Madam Concha. I guess wise decision na rin siya kasi ayaw ko naman ata ng love scene between Lovi and Ms. Vangieeeeee.

5. Feeling ko naubusan ng budget for the visual effects (o nakalimutan na tuluyan ng director ang premise) kasi obviously gumagalaw naman ang mga bagay na nadidikitan ni Gabriel (like yung upuan at door tassels pag-walk out niya sa cubicle ni Madam Concha). Nasayang lang yung pag-emote nung isang extra na “Ooh ang lamig naman dito malakas ba ang aircon?”.

6. Favorite line ko yung kay Phoemela Barranda as an ad agency executive: “Bakit ang cheesy ng presentation mo? Cheese ba ang produkto?” (Gahd! Nasaan ang creativity boss? Bakit hindi na lang pizza or mac and cheese or sana ginawa mo man lang cheese platter diba?)

Second favorite ko yung exchange na ito…

Gabby to Dennis’ new jowa: “Nasungkit mo ang best friend ko!”

Dennis (feeling hurt): “Ginawa mo naman akong santol.”

(Yes Marco, we objectify you as a santol. At bakit ba laging nagmamakaawa ang characters niya na mahalin siya eh sure naman ako ang daming nakapila diyan?)

7. Bakit yung laging palabas sa sinehan nila eh mga lumang movies like Ate Shawie’s Ikaw? Naguluhan tuloy ako kung set ba sa 90’s ang pelikula. Kaya ba naka-tangga cut na bikini si Lovi nung umahon sa beach? Kaso modern naman ang surroundings like yung sa Citadines? Or may time jumps ba ako na na-miss kakatawa sa upuan ko?

And speaking of cinema, sana walang gumaya kay Gabriel who lacked basic theater etiquette at nag-propose talaga sa gitna ng isang screening. Kapag merong gumawa ng stunt na ito habang nanunuod ako ng A Quiet Place 2, sinasabi ko talaga merong bride na ikakasal with a missing ring finger.

8. “Dun lang namin na-realize na nakikita at nahahawakan ko lang si Gabriel dahil sa pagmamahal ko sa kanya. At ngayon na unti-unti nawawala ang pagmamahal na yun, unti-unti na din sya nawawala.”

Buti may explanation sa dulo kasi akala ko talaga nasobrahan lang ng Tide yung white shirt ni Gabriel.

9. Ipinakita sa ending na buntis si Gabby habang nakatayo sa puntod ni Gabriel. Kay Dennis ba yun or ghost baby nila ni Gabriel? I need answers pero ayoko na magbayad for a sequel huhu!

10. According to Sir Ricky (na uulitin ko, siya ang sumulat nito kaloka!), kalahati daw ng populasyon sa Pilipinas ay hindi pa nakaka-move on. Jusko kaya pala naghihirap ang bansa natin kasi puro lovelife ang inaatupag. Kaya din siguro hindi nauubos ang hugot films tulad nito.

Sabi nga ni Gabriel, “This is exactly why I hate Tagalog movies. Ang babaduy!”. Uhm… Let’s just say na nung nagtulak ng basurahan ang maintenance pagkatapos ng screening, akala ko kokolektahin din niya ang pelikulang ‘to.

P.S. Sorry walang threesome. Masakit talaga na pinagtagpo sina Tony at Marco pero di tinadhana.

Rating: ★☆☆☆☆

MOVIE REVIEW: JAMES & PAT & DAVE (Theodore Boborol, 2020)

51DD087C-C61F-4557-AA88-4024A0011F00

SPOILER ALERT!!

Sayang kasi namukadkad ang pechay, I mean comedic talent ni Loisa Andalio dito. Ganito nag-start si Kim Chiu dati eh. Ganda pa ng rehistro ng mukha niya sa big screen. I can’t wait to see more of her in future (non-Hospicio) projects.

Nasobrahan ang pelikula sa corny humor at mostly OA performances (lalo na si Awra Briguela as “Sasha Valur”). Bawal ang normal conversations dito. Kelangan level 999 ang delivery na maririnig ng mga aso sa kabilang kanto. Grabe nakakatulili!

Kung Got 2 Believe ang peg ng first movie, dito naman may brutal roast ng Dahil Mahal na Mahal Kita. Infer natawa ako nung sinabi na baka mabagok pa ang ulo ni Claudine nung nagpagulong-gulong sila ni Rico sa burol. Mapanood nga ulit ‘tong sina Mela.

Umayos ng 5% ang acting ni Ronnie Alonte. Kaso feel na feel niya na siya ang second coming ni Robin Padilla. At sana lang hindi siya nilagay sa mga kadiring situations na supposedly romantic like magka-hard on matapos masubsob ang talong niya sa pechay ni Loisa, no?

Rating: ★★☆☆☆

MOVIE REVIEW: BLOCK Z (Mikhail Red, 2020)

08ED4742-22D8-4FF6-821E-4B5F4347F5C1

SPOILER ALERT!!

Enjoyed a couple of thrilling sequences, but everything else just felt completely derivative. Wala ako pinalampas na zombie movie kaya sila agad yung naiisip kapag merong familiar na eksena. Tapos yung reveal na takot ang zombies sa tubig eh kakagamit lang sa Lola Nidora movie na Train to Ubusan. Di ba nila napanood yun?

People can hate on Julia Barretto all they want, but she’s a really sensitive actress and definitely one of the better ones of her generation. Sayang lang kasi yung female empowerment action scenes niya happened towards the end na. Also, nauna yun gawin ni Erich Gonzalez sa We Will Not Die Tonight so medyo less ang impact sa akin.

Ian Veneracion looked like a vampire amidst all the zombies. Bakit di siya tumatanda at all? At may time talaga siya mag-solo concert with his guitar knowing na easily triggered by noise ang mga nagkakagulong zombies sa labas ha. Nahiya naman sa kanya si Kumander Liway.

Ang apt lang that Ian and Julia’s characters supposedly won the genetic lottery in this movie (meaning immuned sila sa zombie virus). Pero hello, we don’t need anyone to tell us na nanalo talaga sila sa genetic lottery na yan kasi mukha akong aliping saguiguilid next to them.

Rating: ★★☆☆☆

MOVIE REVIEW: ON VODKA, BEERS, AND REGRETS (Irene Villamor, 2020)

5A0E1108-9AD1-4001-BD47-DC5816FF18AA

SPOILER ALERT!!

Parang dito dapat nilagay ang subtitle na Not A Love Story. It felt deeply personal to me. Pakiramdam ko bff ko si starlet Jane (Bela Padilla) at sobrang helpless ko habang pinapanood siya battling her substance abuse issue.

Gusto ko din that Francis (JC Santos) was literally a supporting character. JC took a back seat this time around and helped Bela shine even more. It might be their nth pairing pero undeniable talaga ang chemistry nila. Very real-life couple ang kulitan at tinginan.

I wonder if nag-storyboard sina Direk Irene at cinematographer niya before shooting this film. Ramdam ko kasi na pinag-isipan ang framing ng bawat eksena na kahit yung abstract painting (Who’s the artist? Ang ganda!) sa room ni Jane may sinasabi when seen next to her (or maybe not at gusto ko lang lagyan ng meaning).

Ang only gripe ko lang is medyo rushed yung ending. Hindi ko nakita si Jane na nagdurusa sa rehab ala Sandra Bullock sa 28 Days. Gusto ko sana maging part ng kanyang recovery lalo na that “love isn’t always the answer”. Hindi naman talaga love lang ang sagot sa alcoholism problem, but it sure would be nice to have someone to love you and hold your hand during the entire healing process.

Rating: ★★★★☆

MOVIE REVIEW: NIGHTSHIFT (Yam Laranas, 2020)

C66C60C8-76F3-4875-BBF2-6118A2BB29BF

SPOILER ALERT!!

Not bad considering na ang daming elements na isiniksik sa movie. May musings on life after death, may commentary on our overworked medical staff, may pa-quote kay Emily Dickinson at Peter Pan, may Greek chorus ng mga bangkay, may lumilipad na Dementors, may discussions on Rapture (yung Biblical, hindi gay bar) at blood moon, etc.

Ramdam ko yung bagot at fatigue bilang naka-double duty yung morgue assistant character played by Yam Concepcion (na magaling dito). Pero mas gusto ko malaman ang secret nya sa pagiging fresh (with permanent curled lashes) after a 24-hour shift.

Rating: ★★★☆☆