TWISTED (Jessica Zafra, 1995)

92839CD8-02E6-4E26-A667-A636913822C2

From Merriam-Webster:

ACERBIC adjective

acer·​bic | \ ə-ˈsər-bik  , a-\

Definition of acerbic

: sharply or bitingly critical, sarcastic, or ironic in temper, mood, or tone

Rating: ★★★★☆

Advertisements

HIHINTAYIN KITA SA LANGIT (Carlos Siguion-Reyna, 1991)

46A50CB0-C781-4E94-BAAF-CF99C6C29025

Number of “i-Dawn Zulueta mo ako” moments: 3 (2 with Dawn and 1 with Jackie Lou Blanco)

Grabe yung buwis-buhay love scenes sa moors ng Wuthering Heights, I mean, breakwaters ng Batanes.

Na-miss ko bigla magbasa ng Mills & Boon romances.

Rating: ★★★☆☆

HIMALA (Ishmael Bernal, 1982)

C8F73430-14A0-40A6-BCA5-9EDC9B9E8BE0

Ishmael Bernal. Ricky Lee. Nora Aunor.

If I claim that they’re the Holy Trinity of Philippine Cinema, am I speaking the truth or just acting like a blasphemous false prophet?

(Fun fact: Ate Guy almost won the Berlin Film Festival Best Actress prize. She lost by one point.)

P.S. Sino ba talaga ang bumaril kay Elsa?

Rating: ★★★★★

ANG HENERASYONG SUMUKO SA LOVE (Jason Paul Laxamana, 2019)

2D798E3E-9213-4983-B1C2-4CFE7148365E

SPOILER ALERT!!

Super concerned ako sa tropang ito kasi di pinag-usapan ang transpo nung nag-anniversary reunion sila sa kanilang out-of-town meeting place. Seryoso, hiwa-hiwalay ang pagdating? Close ba talaga sila?

Tapos yung movie was really less about their friendship and more on their individual lives. Yung parang US network show na mag-reminisce yung isang character tapos biglang flashback sa story niya. Meron sila kanya-kanyang segments that depicted their mostly petty problems (least of all yung love, kaya di ko rin nakuha ang title).

Si Ma-an (Jane Oineza) naunahan na ni Ellenya L. Desperate siya for online validation pero ang chaka ng content ng vlogs. Kelangan pa niya mag-drawing ng line graph before ma-realize na mas mataas na ang subscriber count niya kesa sa jowa ng ex niya (whut?).

Si Denzel (Jerome Ponce) naman ay bakla kasi siya yung loud, bitchesa, at tumitili kapag may pumuputok na lobo. Maayos pa naman umarte si Jerome in his previous films pero itinodo niya ang pagiging screaming queen dito. Yung every pilantik ng kamay eh di mo makakalimutan ang gender niya. Tapos nagmahal siya ng isang guy na ayaw siya i-kiss until official na sila pero gusto ng open relationship (huh? Mga vaklang twoooh!). Nasayang tuloy ang budget Magic Mike moves niya.

(Side note: Anim na seniors ang nag-walk out sa segment na ‘to kasi puro Grindr hook-ups. So plus one star agad kasi nabawasan ang ngumunguya ng chicharon sa sinehan.)

Ang mag-jowa na Hadj (Albie Casiño) at Junamae (Myrtle Sarrosa) mag-MU kaya sila pero hindi talaga sila (wait, anong term sa ganito ng current generation, pang-thunders na kasi ang MU). Nakakatawa si Hadj kasi siya yung infatuated sa Hollywood rom-coms kaya puro couples lang ang nakikita niya kahit saan tumingin. Pero feeling ko mahilig din siya sa Pinoy melodrama bilang nag-ala Gabby Concepcion acting via Dapat Ka Bang Mahalin siya nung lalayasan na ni Junamae (yan talaga pangalan niya baka tatay niya si Jun at nanay si Inamae jk).

Yung story ni Kurt (Tony Labrusca) ang pinaka-nagustuhan ko kasi nag-resonate sa akin yung situation niya na burnout sa work kaya affected ang physical and mental state niya. Nakakadala ang scene na umiiyak na lang siya habang tuloy-tuloy ang pagtanggap niya ng trabaho kasi kelangan (and also kasi nga di na sya nakakapag-isip ng maayos). Nung nag-describe siya na blank ang feeling kahit ano pa ang ma-achieve niya, ramdam ko yun sobra.

Sayang talaga kasi kulang sa bonding ang mga characters na ‘to. Di ko man lang alam paano sila naging magkakasundo given their different attitudes and personalities. Dinaan na lang sa isang montage sa dulo before hugging it out over a sensitive matter. I guess hanggang ganun na lang talaga siya. Wag na daw tayo magreklamo as long as naghuhubad lagi si Tony dito.

Rating: ★★☆☆☆

#JOWABLE (Darryl Yap, 2019)

8C1BDD74-10E7-46D2-83BD-101BDDD4F8D0

SPOILER ALERT!!

Minsan natatawa na lang ako kapag nakakabasa ng viral post sa Facebook na “10 Realizations After Watching (Name of Buzzworthy Movie)”. Usually kasi napaka-basic ng mga thoughts na nakalista kaya napapaisip ako kung sadyang na-realize lang ba niya talaga ang mga yun after mapanood ang pelikula o isinali na lang lahat ng maisip na hugot na pwedeng i-relate para mag-trend. Very similar sa mga yun ang feeling ko dito na parang Spoken Word Poetry Presents Hugot: The Movie. Like, totoo gurl ngayon mo lang nalaman na mas importante ang pagmamahal ng nanay at mga kaibigan mo kesa sa search for a jowa?

Hindi ako magugulat kung maging box office hit ito kasi sikat talaga online ang source material (pati ang ibang polarizing short films made by the same group). Admittedly, I liked some (parts) of the shorts kasi nakakatawa naman talaga. Bearable ang specific jump cuts style at linyahan niya na puno ng hugot at sigawan. Unfortunately, what worked on a free platform didn’t translate well sa big screen na may kasamang ticket price of Php240. Parang mas mahirap tumawa kapag may bayad na yung recycled material na napanood mo na sa Facebook. Kung tutuusin, even yung majority of the film’s highlights andun na din sa trailer (halos lahat ng scenes dun were just extended to around 10-15 minutes pero wala masyadong added humor).

Sayang kasi ang galing talaga dito ni Kim Molina na super committed sa role, lalo na dun sa scenes that didn’t require her to overact. Nung nasa chapel siya na nagmamakaawa for a jowa, mas naramdaman ko gaano siya ka-desperate to feel loved nung huminahon na siya habang sinasabi ang linyang “Bigyan mo naman ako ng isang taong magmamahal sa akin, Lord”. (Of course, undeniable naman na mahusay din siya kumanta. Fave ko pa rin yung biglang birit niya ng chorus ng Narito Ako sa Bossaboss short.)

Sana lang talaga mas sympathetic ang character niya na si Elsa Mangahas. Jowable daw siya at nasa kanya “lahat ng ginugusto ng mga lalaki sa mundo” pero nuknukan naman ang sama ng ugali niya kasi tinawag niyang mukhang kulubot na bayag at bilog at mukhang bola ang mga kaibigan niya. Minura niya ang isang tindera kasi binentahan siya ng couple shirt tapos alcoholic pa siya na may dalang thermos ng Red Horse at araw-araw nagpapakalasing kahit kasama ang isang bus ng mga bata. Ang idea niya ng perfect girlfriend eh yung magsisilbi ng pulutan sa jowa niya na naglalaro ng DOTA. Tapos blatantly racist pa siya na di makilala ang Indian (also ang daming putok jokes dito) na naka-one night stand kasi lahat naman sila naka-turban. Sorry girl pero baka hindi mo deserve ang wish mo na “madurog ang mani”.

But wait, I haven’t even discussed the other problematic parts tulad nung pagsampal sa kanya ni “Bumbay” during sex na supposedly comedic. Or yung attempted suicide na mined for laughs (di ko din maintindihan ang logic ng nanay niya dito na si Kakai Bautista na pinakamamahal daw nya ang anak nya pero uminom ng sandamakmak na vitamins matapos iwan ng jowa; also, kaya daw niya mahal na mahal anak niya eh kasi yun ang mag-aalaga sa kanya pagtanda niya luh!). Or yung scenes na kelangan laging nakabukaka si Kim or labas ang panty or basta naghubad na lang yung mga kasamahan niya down to their bras (bakit??).

(Side note: Yung pa-apology ba sa teachers eh dahil sa flak na natanggap ng filmmakers dun sa isa nilang short? Nasaan naman yung para sa child rape victims?)

Anyway, kung bibigyan nyo lang din ako ng luma at corny jokes (I’m sure narinig na ng lahat yung sa nag-wish tapos nadulas kaya naging mukhang kike) eh di sana inilabas nyo na lang ng libre sa FB. Hindi naman pwedeng basta mag-viral lang eh gagawan na ng pelikula. What’s next, Mimiyuuuh the Movie (Drink Your Water Bish)?

Rating: ★☆☆☆☆

THE GOLDFINCH (John Crowley, 2019)

5E70983E-7806-4650-AD0B-0B8E6A1737B7

SPOILER ALERT!!

Ganito din ba ka-boring ang Pulitzer Prize-winning novel that this was based on? Siguro kaya hindi rin ako makalampas sa first few chapters ng book (although mas kasalanan talaga ng short attention span ko at ng Mobile Legends). Grabe halos ma-plano ko na ang buong buhay ko habang hinihintay matapos ang movie na parang wala naman pinatunguhan.

Syempre masakit as an Ansel Elgort fan to accept na totoo pala lahat ng negative reviews nito (commercial flop din sya at mukhang hindi man lang kikita ng more than $5M sa US in its entire run). Mas may emotional connection pa ako sa IG videos ng meltdown niya while defending the film. Ganun siya kalala.

Ang only source of joy ko dito eh kapag may mga lumalabas from the cast of American Horror Story like Sarah Paulson and Denis O’Hare. Sayang nga at hindi ginamit ang Ryan Murphy Universe to cast the other roles here (Connie Britton for Nicole Kidman, Dylan McDermott for Luke Wilson, and even Evan Peters for Ansel). Ang saya siguro ng AHS: Goldfinch bilang horrific experience din naman siya.

May isang linya lang dito na tumatak sa akin. Yung sinabi ng fiancée niya na “I don’t expect you to know what it feels like to be in love with the wrong person” at ang only reason bakit siya papakasalan was “This marriage makes sense”. Hay, ang sakit. You deserve better, Ansel. You deserve much better.

Rating: ★☆☆☆☆

THE BODYGUARD (Mick Jackson, 1992)

C717F5C9-3726-4D3D-B3DE-BC1C372C7780

SPOILER ALERT!!

Magagalit sa ‘kin nanay ko kasi favorite niya ‘to. Pero this recent rewatch confirmed na it really failed as a romance flick kasi walang spark at all between Rachel (Whitney Houston) and Frank (Kevin Costner). Mas may chemistry pa si Tita Whitney sa microphone niya kaya masaya yung musical numbers.

So supposedly nanuod lang sila ng Yojimbo at nag-role play ng samurai eh mahal na nila agad isa’t-isa. Ito siguro yung movie equivalent ng Cheeze Whiz. (Ano nga ba yung Pinoy film na sobrang copy nito including yung pagbuhat after the assassination attempt? Parang kay Ate Shawie siya pero di ko maalala.)

Sayang kasi interesting pa naman si Rachel bilang Oscar winner (Best Actress talaga? Hahaha!!) at huge diva na mahilig mag-ukay ukay. Tapos dun sa obsessed fan plot eh naalala ko yung rabid na KathNiel na nag-threaten na sasabuyan ng acid sa mukha sina Liza at Nadine sa ABS CBN Ball.

Still one of the best film soundtracks, though. Syempre meron ang nanay ko na cassette tape na pinapatugtog niya every single day kaya memorized ko lahat ng kanta sa side A from I Will Always Love You to Jesus Loves Me. Eh di ending ako ang naging Queen of the Night. Chz.

Rating: ★★☆☆☆

AD ASTRA (James Gray, 2019)

3156AA30-BABB-47F5-95F4-208B093530DA

SPOILER ALERT!!

Grabe ‘teh! Good call talaga na hindi natuloy ang plan ko manuod sa IMAX with Laser ng Evia. Dun lang ako sa Dolby Atmos cinema nila pero nahilo na ako at di nakahinga sa scene na nag-freefall si perpetually sad astronaut Roy McBride (Brad Pitt) from outer space to earth.

Akala ko aantukin lang ako sa film kasi medyo traumatized pa ako sa pretentiousness (ay sorry, profundity daw) ng Interstellar at Solaris (the Soderbergh remake), but I survived naman with my major buttered popcorn and large iced tea from Taters (very Krissy lang, sana i-sponsor na nila ako). I can’t say the same for the rest of the audience. Meron mga mahimbing ang tulog habang yung isa eh walang ginawa kundi mag-check ng cellphone (pasalamat siya at five rows ahead siya sa akin kaya di ako pumatol).

I guess tama yung mga nagsabi na this might not be for everyone. Puno kasi ng introspective voiceovers about the meaning of life and relationships (“In the end, the son suffers the sins of the father”) ang pelikula kaya medyo slow ang pacing. Halos bumagsak ako nung Philo classes ko back in college kaya hirap na hirap sumabay yung utak ko dito.

Meron naman mga major ganap every so often (yung mala-Mad Max: Fury Road lunar chase scene, yung baboon na puno ng angst, etc.). Masaya din mag-isip kung ano yung mga space-related films ng cast (every time nagsasalita sa recorded video si Liv Tyler, naaalala ko ang Armageddon at kung bakit mas gusto ko ang Deep Impact).

Natawa ako dun sa space shuttle na naghatid kay Roy sa moon kasi very Cebu Pacific at lahat may bayad. Kulang na lang sumigaw yung FA ng “Snacks for sale!”. Interesting din na ang daming mahahabang hallways sa lahat ng hubs dito, including yung sa Mars. Mayaman talaga ang Amerika. Tapos yung futuristic room na may moving images reminded me of Black Mirror’s Fifteen Million Merits. Nung blooming flowers yung background, sobrang ganda at pwede na ma-post sa One Perfect Shot (o alam na, strong contender na naman si Hoyte van Hoytema for Best Cinematography sa Oscars next year).

But the best thing about this was Brad. Ang expressive ng mga mata niya lalo na sa scene na nananawagan siya sa father niya (the always masungit Tommy Lee Jones) na matagal na di nagpaparamdam. Imagine mo na lang kung gaano kahirap maghanap ng missing tatay sa bawat sulok ng mundo. Eh paano pa kung sa Neptune diba? Walang-wala lahat ng daddy issues ninyo.

Rating: ★★★☆☆

YOU ARE THE ONE (Cathy Garcia-Molina, 2006)

D51E6610-8094-41ED-A7A2-0949EC218811

“You Filipinos are so melodramatic. You’re not even my girlfriend and you, like, expect me to give you my soul or something.”

HAHAHAHAHAHA!!

May truth behind it pero deserve pa rin ni Vernard (Sam Milby) masampal.

Salamat Sally Malasmas (Toni Gonzaga), ang naghiganti para sa lahat ng mga Pinoy na na-deny ang US visa.

(Seriously though, this film’s an underrated gem.)

Rating: ★★★★☆