MOVIE REVIEW: OPEN (Andoy Ranay, 2019)

D460CF7D-C6B4-4743-A7EB-91F01F7B65BB

SPOILER ALERT!!

Sa totoo lang, up until today wala pa ako nagustuhang pelikula na directed by Andoy Ranay (although it spoke less about his skills and more about the assigned material). Mas impressed ako sa kanya dati as an actor kasi magaling siya dun sa Duda/Doubt. Backed here by a strong screenplay, I was really surprised sa kanyang assured storytelling. Madami siyang nadurog na puso sa sinehan kanina.

Nakakaaliw ang audience reactions lalo na ang mga nagwawalang babae (bakit feeling ko may ilang mag-jowa na mag-break pagkatapos nito?). Very controversial naman kasi talaga ang topic ng open relationship (described by one character here as “liberating, respectful, and loving”) lalo na in our mostly conservative culture. Nagustuhan ko sobra yung feeling na ang uncomfortable niya to watch.

Kahit ako hindi ko yan gets dati (bakit pa naging kayo kung pwede ding makipag-sex sa iba?) until I learned na I have a few friends in a similar situation. Although naiintindihan ko how it works for them, syempre di ko pa rin maiwasan na maging judgmental habang nanunuod.

Bwiset na bwiset ako kay Ethan (JC Santos in his napaka-walanghiya best) lalo na nung basically pinilit niya si Rome (Arci Muñoz) na maging open rel sila sabay threaten na maghiwalay na lang kung ayaw. Grabe ang emotional manipulation. Napaka-insensitive pa at ginawang joke yung fake proposal (“Aww nag-expect ka ba?”).

Tapos after matikman si hot momma Ina Raymundo (open rel na eh nag-cheat pa jusko mga lalaki!) at nung nakita niya na masaya na si Rome sa current setup eh biglang ayaw na open sila at nag-propose without an engagement ring. Anong klaseng selfish na balahurang toxic scum yan? Ok kalma kalma!!

“Ang tagal ko hinintay ‘to pero ngayon hindi ko na alam ang isasagot“. Tagos na tagos naman ang linya na ‘to.

Also, 2019 just might be the year of smart, strong, independent women in Philippine Cinema. Woohoo!!

Rating: ★★★★☆