MOVIE REVIEW: I’M ELLENYA L. (Boy 2 Quizon, 2019)

3CEAF7EF-AF18-4B6C-95EB-3B6FA09A31A1

SPOILER ALERT!!

Kaya nasasabihan ng mga thunders na superficial at walang pangarap ang mga millennials eh. Ni-reinforce lang ng movie na ‘to na wala silang inatupag kundi mag-selfie, mag-post ng OOTD, at maghangad na maging sikat na social media influencer. Wala man lang depth or insight sa kanilang online addiction. To paraphrase Kayla (Elsie Fisher) in Eighth Grade, “Not Gucci!!”.

Nakakatawa naman si Maris Racal sa title role kahit na mas bagay na pangalan niya ay Kai Rita. Yung character naman ni Iñigo Pascual na Peng eh laging bitchesa for no reason. Siguro mainit lagi ulo niya kasi ayaw nya hubarin ang cap niya ever.

Parang nasa fantasy world lang si Ellenya kung san nag-viral ang kanyang pagtatae tapos may invite siya bigla from ABS to be in their show (sa Rated K ba?). Kung saan ang public restroom ay may available na sabon at timba ng malinis na tubig. Yung joke time lang ang gay crush. At ang shame na dala nung nangyari sa kanya eh nawalang parang bula kasi mabilis makalimot ang mga tao sa online world. John Denver is shooketh to the core.

Rating: ★☆☆☆☆