ISKA (Theodore Boborol, 2019)

D9010D2A-CB8A-4B99-BBF9-4D1FAA328404

SPOILER ALERT!!

Gusto ko talaga mahalin ang pelikulang ito nang buong-buo dahil sa powerful first scene niya kung saan si Aling Iska (ang napakahusay na si Ruby Ruiz) ay matiyagang binibihisan ang kanyang apo na special needs kid. Ang mga katulad niya na magulang/lola/guardian ang best people in the whole wide world.

Ang ganda nung umiikot lang ang kuwento sa buhay nilang maglola at sa bwiset na lolo (played to demonic perfection by Soliman Cruz, na ultimo pagkamot ng bayag eh nakakairita). Photocopy-photocopy sa UP, laba-laba with Zonrox, linis-linis ng ibang bahay as sideline. Sadyang napakahirap maging mahirap.

(Side note: Ang ganda ng sound design niya na bumagay sa top-notch surround sound system ng Evia Cinema. Naririnig ko ang lahat ng ingay sa bawat sulok ng sinehan na parang nasa gitna mismo ng Krus na Ligas.)

Kaso kasabay ng pagtaas ng kanyang blood pressure ang paggamit ng shaky cam at tuluyang pagkalat ng istorya at pagkalito sa nais niyang iparating. Kalaunan hindi ko alam kung maaawa ako sa kanya o matatawa sa bangayan nilang mag-asawa.

May subplot tungkol sa pakialamerang Martina Tulfo. May eksena ng mga aktibistang estudyante na di ko alam ano ang ipinaglalaban. Tapos biglang may staredown sina Aling Iska at Romina Mondragon na hindi totoong dragon kasi biglang umurong para ikadena si Cazzie. Iiyak na ba ako o maiiyak kakatawa?

Rating: ★★★☆☆