SA GABING TANGING LIWANAG AY PANINIWALA (Francis Amir Guillermo, 2019)

1D63E34D-57B7-4AA0-B2A5-BD165176478F

Bakit parang napanood ko na ito dati bilang Ma ni Kenneth Lim Dagatan (down to the sacrifical lambs and burning tree)?

Alam ko may horror element ang pelikula (hello, di pa ba giveaway ang pagluha ng dugo ni Ate?) pero kelangan ba talaga ganun siya kadilim? Di ko na pwede sisihin ang projection ng Greenbelt 1 kasi sa Evia ako nanood at sobrang linaw ng sinehan nila.

Para akong bulag kanina na pilit inaaninag kung anong nangyayari sa screen. Naging effective siya sa isang scene: yung may maraming (patay?) na tao na nakatayo sa harapan ng bata na feeling ko maaalala ko mamaya sa panaginip ko. Pero yung iba halos wala na talaga ako makita.

Kaya nung parang may mga umiikot-ikot at sumasamba sa puno, inisip ko na lang na gustong maging poetic ng pelikula at pinipilit akong maniwala sa wala.

(Oo na, hindi ko lubusang naintindihan. O tapos?)

Rating: ★★☆☆☆