SILLY RED SHOES (James Mayo, 2019)

655AAF96-B3DA-48D5-85CE-C10D36AE6327

Huy bakit ang lakas magpakilig ng KyCine? Sobrang cute nila together at plus point pa na marunong sila pareho umarte. Nadagdagan na naman ang mga paborito kong love teams. Given the right break, sure ako todo sikat ang dalawang batang ‘to.

Nagustuhan ko yung pagkahabi ng fantasy element dun sa main daddy issues storyline. Feeling ko nga with a few tweaks ay maganda siya na full-length feature. (Or siguro it was easier for me to overlook the flaws din kasi free sa iWant?) Still, na-enjoy ko talaga siya.

Ang galing pa ng supporting cast with Herbert Bautista (potential comeback soon?), the always dependable Anna Luna, and the biggest surprise here Karen Reyes (ghorl mahusay ka pala sa iyakan?).

Ganda nung confrontation scene with all five characters in the frame. At yung signature (?) lakad-lakad sequence ng director na nagpaalala sa ‘kin nung impressive breaking the fourth wall scene sa Kuya Wes.

Rating: ★★★☆☆