SANTA SANTITA (Laurice Guillen, 2004)

D66CC8F3-265A-431A-A418-4A07F323EF2C

SPOILER ALERT!!

Just imagine kung yung pinakamalandi mong bff nagising isang umaga with healing powers. At hindi lang siya basta pokpok version ni Elsa (Ate Guy, not Frozen) ha. More of Magdalena ikaw ay sawimpalad to Mama Mary real quick.

Ganun ang naging kapalaran ni Malen (Angelica Panganiban) dito. Nung una allergic siya sa simbahan at galit na galit sa nanay (Hilda Koronel) na nagdadasal kapalit ng donasyon. Tapos in a cruel twist of fate, naging instant prophet (ata kasi bigla siya nagsuot ng costume ng mga jakono) slash faith healer siya. Sa sobrang lakas niya humiling sa pagdadasal, inakala ng jowa-jowaan niya na si Mike (Jericho Rosales) na kaya niya buhayin ang namatay nitong anak na nabubulok na pero nakakunot pa rin ang noo.

Blatant ang influence ng Himala dito. Sayang lang kasi wala masyadong nasabi ang pelikula. May konting sundot about the hypocrisy of Catholics (tulad nung mga chismosang Titas of Quiapo na nagsabi na binababoy ni Malen ang simbahan for wearing her Freeway outfits with plunging necklines and short skirts pero more paninira naman sa isa’t isa to get prayer customers).

Easy target pa naman ang religion sa mga ganitong klaseng pelikula pero parang natakot siya mabansagang makasalanan. Bagay na bagay pa naman kay Angelica ang Madonna-whore role (she wasn’t Rubi for nothing). Sana mas na-explore pa yung confused feelings niya regarding that dichotomy. Para que pa na nagkaron siya (or at least visions) ng stigmata diba?

And speaking of, naalala ko tuloy bigla si Bianca Lapus na hinihimatay tuwing may interview dati tapos dumudugo bigla ang mga palad. Medyo bata pa ako nun (wew) pero I really didn’t fall for that publicity stunt. After her fifteen minutes of fame, ayun she went the way of the infamous Judiel Nieva. Tama si Ate Guy all along. Wala talagang himala.

Rating: ★★☆☆☆

HINDI TAYO PWEDE (Joel Lamangan, 2020)

64053F15-1ABA-4670-B3DC-825C8F283457

SPOILER ALERT!!

My notes on Hindi Tayo Pwede:

1. Minsan napapaisip na lang ako kung seryoso ang Viva Films kapag sinasabi nito sa start ng mga pelikula niya na “Proudly Presents”. Kasi nung natapos ko panoorin ang kababalaghan na ‘to, considering na attached ang mga pangalan ng Philippine Cinema luminaries like Direk Joel Lamangan and Sir Ricky Lee sa project, nagtaka talaga ako kung saang part sila proud.

Napakalayo nito from being a future classic tulad ng City After Dark at Maynila Sa Mga Kuko ng Liwanag na nakapaskil ang posters sa kwarto ni Gabby (Lovi Poe). Apparently as a frustrated director slash writer, may taste siya sa local films kaya rin kasama ang mga larawan ng The Flor Contemplacion Story at Himala. Gusto ko yung lantarang pagbubuhat ng Lamangan/Lee tandem ng sariling bangko (check n’yo na lang ang credits ng dalawang pelikula sa IMDB).

2. First scene pa lang ni Lovi lumabas na agad siya na naka-(Bench Body?) underwear kasi alam ng filmmakers kung ano ang totoong selling point ng gawa nila (eh diba nga naka-topless yung tatlong bida sa movie poster with a promised threesome?). Hindi naman nagpatalo sina Tony Labrusca (as the boyfriend Gabriel, yes Gabby din oha destiny!) at Marco Gumabao (as the lovesick ”Besh” Dennis, as in Roldan). Paiksian ng swimming shorts at palakihan ng bukol ang labanan every time merong requisite pool scene (syempre!) at beach scene (syempre!).

Ang lakas ng tawa ko nung ni-top ni Lovi si Tony dun sa sex scene nila set to their theme song Never Ever Say Goodbye by Nonoy Zuñiga. Why that song choice ba? Hindi naman sila couple in their 60’s. At diba popular funeral song na ‘to?

3. Sabagay apt din pala ang kanta kasi patay na si Gabriel dito. Yup, hindi lang nasobrahan ng Mena cream si Tony sa poster.

(Side note: Grabe makasira ng mood ang direction dito. Pano yung sex scene na sinabi ko biglang naputol bago pa umabot sa chorus kaya ako na lang ang kumanta kahit ibang eksena na.)

4. Bago ang story kung hindi mo napanood ang early 90’s film na Ghost with Demi Moore and the late Patrick Swayze. Garapalan ang reference kaya meron din Oda Mae Brown dito in the form of a manghuhula named Madam Concha (played by the Vangie Labalan). Kabog si Ateng Whoopi Goldberg!!

Ang difference lang talaga ay directly nahahawakan at nakakausap ni Gabby si Gabriel na hindi na kelangan pa sumanib kay Madam Concha. I guess wise decision na rin siya kasi ayaw ko naman ata ng love scene between Lovi and Ms. Vangieeeeee.

5. Feeling ko naubusan ng budget for the visual effects (o nakalimutan na tuluyan ng director ang premise) kasi obviously gumagalaw naman ang mga bagay na nadidikitan ni Gabriel (like yung upuan at door tassels pag-walk out niya sa cubicle ni Madam Concha). Nasayang lang yung pag-emote nung isang extra na “Ooh ang lamig naman dito malakas ba ang aircon?”.

6. Favorite line ko yung kay Phoemela Barranda as an ad agency executive: “Bakit ang cheesy ng presentation mo? Cheese ba ang produkto?” (Gahd! Nasaan ang creativity boss? Bakit hindi na lang pizza or mac and cheese or sana ginawa mo man lang cheese platter diba?)

Second favorite ko yung exchange na ito…

Gabby to Dennis’ new jowa: “Nasungkit mo ang best friend ko!”

Dennis (feeling hurt): “Ginawa mo naman akong santol.”

(Yes Marco, we objectify you as a santol. At bakit ba laging nagmamakaawa ang characters niya na mahalin siya eh sure naman ako ang daming nakapila diyan?)

7. Bakit yung laging palabas sa sinehan nila eh mga lumang movies like Ate Shawie’s Ikaw? Naguluhan tuloy ako kung set ba sa 90’s ang pelikula. Kaya ba naka-tangga cut na bikini si Lovi nung umahon sa beach? Kaso modern naman ang surroundings like yung sa Citadines? Or may time jumps ba ako na na-miss kakatawa sa upuan ko?

And speaking of cinema, sana walang gumaya kay Gabriel who lacked basic theater etiquette at nag-propose talaga sa gitna ng isang screening. Kapag merong gumawa ng stunt na ito habang nanunuod ako ng A Quiet Place 2, sinasabi ko talaga merong bride na ikakasal with a missing ring finger.

8. “Dun lang namin na-realize na nakikita at nahahawakan ko lang si Gabriel dahil sa pagmamahal ko sa kanya. At ngayon na unti-unti nawawala ang pagmamahal na yun, unti-unti na din sya nawawala.”

Buti may explanation sa dulo kasi akala ko talaga nasobrahan lang ng Tide yung white shirt ni Gabriel.

9. Ipinakita sa ending na buntis si Gabby habang nakatayo sa puntod ni Gabriel. Kay Dennis ba yun or ghost baby nila ni Gabriel? I need answers pero ayoko na magbayad for a sequel huhu!

10. According to Sir Ricky (na uulitin ko, siya ang sumulat nito kaloka!), kalahati daw ng populasyon sa Pilipinas ay hindi pa nakaka-move on. Jusko kaya pala naghihirap ang bansa natin kasi puro lovelife ang inaatupag. Kaya din siguro hindi nauubos ang hugot films tulad nito.

Sabi nga ni Gabriel, “This is exactly why I hate Tagalog movies. Ang babaduy!”. Uhm… Let’s just say na nung nagtulak ng basurahan ang maintenance pagkatapos ng screening, akala ko kokolektahin din niya ang pelikulang ‘to.

P.S. Sorry walang threesome. Masakit talaga na pinagtagpo sina Tony at Marco pero di tinadhana.

Rating: ★☆☆☆☆

THE PANTI SISTERS (Jun Lana, 2019)

4CA7EBDB-B950-45B9-95D4-DC178FA58552

SPOILER ALERT!!

Nung napanood ko pa lang yung teaser nito (with that wonderful Dalagang Pilipina remix), na-excite na ako sobra. Based kasi sa recent baklaan films ni Jun Lana (like my favorite Die Beautiful), usually smart ang humor at hindi basta dinadaan sa typical Pinoy slapstick or lowbrow comedy na naglalaitan ng itsura (insert your chosen MMFF entry here). Sad to say, napamura na lang ako na parang si Heneral Luna habang palala nang palala ang takbo ng pelikula.

Kahit nagamit na sa trailer, benta pa rin sa ’kin yung “Sa exit ka dumaan, hindi sa entrance” scene nina Gabriel (Paolo Ballesteros) at Kat (Roxanne Barcelo). Tapos nakakaaliw na faux brand fashionista slash film lover si Samuel (Christian Bables, bringing back that fabulous Barbs vibe) bilang nakasuot siya ng Supreeme at Mosohino habang nagde-deliver ng quotes from Himala, Kaya Kong Abutin ang Langit, at It Takes a Man and a Woman. At ang cute ng datingan ni K-Pop Daniel (Martin del Rosario) lalo na nung iniiyakan niya ang kanyang Pepe.

Nakakatawa naman talaga ang ibang parts lalo na sa simula kasi maganda ang batuhan ng linya at eksenahan ng mga sizies. Yung magagaling na performances ng tatlo talaga ang nagdala ng buong movie (kasama na rin si John Arcilla as the coldhearted, homophobic father Don Emilio). Kung meron man talaga part 2 (as hinted during the end credits), sana magamit ng husto ang overflowing talents nila.

Sayang lang at mabilis naging repetitive ang jokes, from the breaking the fourth wall (na very local sitcom) to the nth Panti equals panty punchline (that also ruined a touching scene in the end). Yun ngang long table parang nagamit na sa exact same gag ng Kalyeserye (bakit sikat ang bahay ni Lola Nidora sa PPP? Ito rin ang bahay sa Circa).

Ang gulo ng transitions minsan lalo na yung sa kare-kareng kokak na napunta bigla sa abortion talk. Cute pa naman sana yung entire Moon Prism Power Make-up sequence (lalo na at ang genuine ng interactions ng magkakapatid) kaso sobrang haba ng fight scene na hindi naman nakakatawa. Buti bumawi ng slight sa hilarious “Ikaw ay Akin” mata-mata showdown.

Pero ang worst offense ng pelikula ay yung biglang naging drama sa dulo just to drive home its point. Yung feeling na parang isinasampal sa pagmumukha ng audience ang message na hindi salot ang mga bakla (kahit na may ongoing joke na nagnanasa ang Pantis sa kanilang cousins at hypocrite ang hindi aamin) at kelangan ng lahat ma-enlighten sa necessity ng SOGIE bill at gay marriage (para hindi mapilitang magpakasal ang mga bakla sa fag hags nila habang todo ang muk-up sa simbahan; pumayag si Father?). Yes, important ang topics, pero nagkulang talaga sa execution.

Anyare sa subtlety? Kulang na lang merong “Ang mga bakla na lumilipad ay mahal ng Diyos, di kumukupas…” remix.

Rating: ★★☆☆☆