MOVIE REVIEW: MADRASTA (Olivia Lamasan, 1996)

1DC43787-C7BB-4CE5-8D79-F33196CBC7E1

SPOILER ALERT!!

My notes on Madrasta:

1. Bakit obsessed ang Hollywood sa pag-plagiarize ng films ni Claudine Barretto? Masyadong glaring ang similarities ng Got 2 Believe at 27 Dresses. Lalong hindi ako maniniwala na coincidence lang ang mga eksena na parehong-pareho sa Stepmom at Madrasta (kasama na yung confrontation scene ng dalawang nanay sa restaurant at yung ending na pagsali ng madrasta sa family picture). Akala n’yo tayo lang ang walang originality lagi ha. O ayan may masusumbat na din tayo sa Hollywood. Sana ang susunod na gayahin nila ay Kailangan Kita, where we’ll see a braless country girl played by Jennifer Lawrence fall in love with New York celebrity chef Chris Evans.

2. Isa siguro ito sa mga pelikula na kaya kong sumulat ng 1,000-word essay of random thoughts na walang kahirap-hirap. Memorable pa siya kasi bahay ng friend ko nung high school ang ginamit na location dito. Muntik na nga ako magka-film debut nung sinabihan niya kami na naghahanap ng extras for a party scene ni Ate Clau. Ang tagal ko pa namili ng best Giordano outfit ko tapos biglang na-pack up. Ayun siya na lang ang nakasama nung sumunod na shooting day (wearing her best Giordano outfit). Pero feel na feel ko pa rin na kasama ako sa pelikula by association.

3. If you’ll watch this through woke lenses in 2020, lalabas talaga na sobrang problematic niya. Marami kasing aspects ang film dealing with the class divide (“Pinakikisamahan ko na ang mga anak mo. Pati ba naman mga katulong kelangan ko pa pakibagayan?”) to the patriarchal system na hindi na acceptable ngayon. Although it did speak to an audience that lived through that period. Yung mga nakaporma ng Umbro jerseys or yung mga 90’s titos and titas na nagulantang ang pagkatao nang makita si Mariel (Megastar Sharon Cuneta) na nakaupo sa kubeta.

4. Peak Tita Shawie talaga ito. Deserved ang Grand Slam kasi ibang-iba ang atake kumpara sa mga blockbuster 80’s melodramas niya. Yung tahimik lang umiyak pero ramdam na ramdam yung sakit na kahit anong gawin niya, hindi siya talaga magiging parte ng pamilya ng asawa niya. Na kahit nagreklamo siya na lagi siyang nag-take ng backseat para sa mga bata, ang sinagot lang sa kanya ay, “I cannot give importance to my happiness at the expense of my children”. Saklap! Nasabihan pa na hindi masarap ang gawa niyang baked mac huhu.

Best scene niya dito yung almost wordless na pag-iyak niya sa deathbed ng kanyang favorite lolo set to the haunting Moonlight Sonata. Parang binuksang gripo ang mga mata niya pero very restrained ang acting. Halos hindi na rin ako makahinga kakaiyak nung umabot na sa sweet and touching na pa-ilong nila.

5. Nagustuhan ko yung twist na hindi madrasta ang maldita for a change. Effective talaga si Ate Clau basta pasaway ang roles niya (see also: Anak, Dahil Mahal na Mahal Kita). Kahit yung jumper outfits niya parang nagsusumigaw na super bitch. Tawang-tawa ako nung ibinibida siya ni Mariel sa kapatid nito by saying, “Mukhang suplada lang si Rachel pero kapag nakilala mo… ano… (two second pause)… ok naman.” Hahahaha!

Si Ms. Vangieeeee Labalan naman sobrang atribida as the household mayordoma. Walang bukambibig kundi ang kanyang idol na si Ma’m Sandra (Zsa Zsa Padilla). Feeling ko kung ganun din ang ugali niya sa akin, di rin siya magtatagal ng isang linggo. Either that or lagi ko papatunugin yung bell na pantawag sa kanya (very 90’s burgis film nga diba).

6. Speaking of social classes, ang galing nung juxtaposition ng lunch scenes ng dalawang pamilya. Yung kina Mariel talagang magkakatabi sila in a compact dining area tapos ang ingay mag-kwentuhan. Tapos nung kina Edward (Christopher de Leon) na, nasa may garden at naka-long table tapos very refined at tahimik lang. Yung mom lang niya (Madam Tita Muñoz) ang nag-lead ng entire conversation (at mukhang siya rin ang totoong may-ari ng bell).

Naalala ko nung pinanood ko ito sa sinehan sobrang lakas ng tawanan na more lamon ang brother ni Mariel (Cris Villanueva). Tapos biglang sigaw naman nung nahulog ang crab ng isang sister niya (Eula Valdez) na pinulot bigla at inilagay niya sa kandungan. Very relatable talaga sila.

Although ang funniest scene ni Eula for me still was yung pinabili siya ng McCormick Black Pepper tapos ang binili niya cornick kasi akala niya kelangan ng chichirya sa fancy birthday party ni Ate Clau. Bwahahaha!!

7. One of the few local films that first used live sound kaya minsan di mo marinig ang sinasabi ng characters kasi mas malakas pa ang mga palaka sa background.

8. Points to ponder:

“Meron ba namang nagmahal na hindi nasaktan? Kaya ka nasasaktan kasi nagmamahal ka. Pero mas masakit kung naghihintay ka ng kapalit. Yun bang iniisip mo kung ano ang dapat mong matanggap sa halip na isipin mo kung hanggang saan ang kaya mong ibigay. Kasi tayo eh mahilig tayong tumingin sa katabi kapag tayo ay nasasaktan na. Yun bang iniisip nating sila ang may kasalanan. Bakit? Wala din ba tayong mga pagkakamali?”

Rating: ★★★★★

MOVIE REVIEW: DARK WATER (Walter Salles, 2005)

7462058C-D2AB-46BB-ACFB-91DDFD365F5D

One of the better Hollywood remakes of an Asian horror movie. I liked how it focused more on the psychological drama (maternal love, abandonment issues) and minimized the cheap scares (although I missed the elevator scene, definitely the scariest one in the original).

On the flip side, it was affected by some pacing issues and a wooden Dougray Scott (he was supposed to play Wolverine?!).

I wish Jennifer Connelly didn’t suffer from the Oscar curse (Winter’s Tale! Noah!) because she was just fantastic in this one.

Rating: ★★★☆☆

(Originally published July 3, 2017.)

 

MOVIE REVIEW: AFTER EARTH (M. Night Shyamalan, 2013)

F520D0FE-0518-4B8D-A59D-8FFE56294E20

At least it’s not The Happening.

The good news: it wasn’t as awful as I expected it to be. The bad news: It was still a bad movie that played like a lame videogame.

It was Hollywood nepotism at its worst. Jaden Smith seemed to have lost all the charms he displayed in the Karate Kid remake.

For all its worth, I was happy they downplayed that it was a Shyamalan movie because (spoiler alert!!) it had no requisite twist.

Rating: ★★☆☆☆

(Originally published June 9, 2013.)

MOVIE REVIEW: JOHN CARTER (Andrew Stanton, 2012)

0ECA61C2-E15B-48D8-8C48-AB52A9C1DB87

It was easy to see why this was the biggest box office bomb of all time (at least, for now). The visual effects were cheesy, the plot wasn’t that interesting, and it had an awful actor in the lead role.

To be honest, I wasn’t a fan of the Star Wars movies and this one made The Phantom Menace look like a classic. Dear Hollywood Studios, we have had enough of these Mars movies. It’s time to explore another planet.

Rating: ★★☆☆☆

(Originally published April 2, 2012.)

MOVIE REVIEW: SUNOD (Carlo Ledesma, 2019)

F1AC60A9-B8BE-4860-8168-75EF9A87F4E4

To be fair, ang daming visually-arresting images dito lalo na yung mukhang natatabunan ng lupa at yung use ng red string. May feel siya ng current Hollywood horror movie. Yung di puro cheap jump scares na lang. Kaso problema rin na hindi siya nakakatakot at all.

Aliw na aliw ako sa call center setting na nasa isang abandoned hospital tapos literal na production floor na agad paglabas ng elevator. Ano kayang mga grievance and appeals ng mga agents dito maliban sa amoy chloroform tapos parang nagtitipid sila ng kuryente?

Lakas ng tawa ko nung yung COO ng company na si Mylene Dizon ay nagmamasid sa mga agents mula sa second floor at nakikinig sa call-handling skills nila. Kabog niya lahat ng kilala kong terror QAs. Tenga lang pala niya ang katapat ng call monitoring systems. Feedback agad for immediate coaching.

Hindi ako masyadong impressed noon kay Krystal Brimner sa Honor Thy Father. Pero iba ang galing niya dito as a possessed girl. Ang ganda ng transitions niya from being helpless and innocent to sinister and creepy.

The best for me na hindi si Susan Africa ang may TB dito for a change. Kaso kelangan ba talaga na gawin siya kamukha nung internet viral sensation na si Momo?

Rating: ★★☆☆☆

MOVIE REVIEW: ANG HENERASYONG SUMUKO SA LOVE (Jason Paul Laxamana, 2019)

2D798E3E-9213-4983-B1C2-4CFE7148365E

SPOILER ALERT!!

Super concerned ako sa tropang ito kasi di pinag-usapan ang transpo nung nag-anniversary reunion sila sa kanilang out-of-town meeting place. Seryoso, hiwa-hiwalay ang pagdating? Close ba talaga sila?

Tapos yung movie was really less about their friendship and more on their individual lives. Yung parang US network show na mag-reminisce yung isang character tapos biglang flashback sa story niya. Meron sila kanya-kanyang segments that depicted their mostly petty problems (least of all yung love, kaya di ko rin nakuha ang title).

Si Ma-an (Jane Oineza) naunahan na ni Ellenya L. Desperate siya for online validation pero ang chaka ng content ng vlogs. Kelangan pa niya mag-drawing ng line graph before ma-realize na mas mataas na ang subscriber count niya kesa sa jowa ng ex niya (whut?).

Si Denzel (Jerome Ponce) naman ay bakla kasi siya yung loud, bitchesa, at tumitili kapag may pumuputok na lobo. Maayos pa naman umarte si Jerome in his previous films pero itinodo niya ang pagiging screaming queen dito. Yung every pilantik ng kamay eh di mo makakalimutan ang gender niya. Tapos nagmahal siya ng isang guy na ayaw siya i-kiss until official na sila pero gusto ng open relationship (huh? Mga vaklang twoooh!). Nasayang tuloy ang budget Magic Mike moves niya.

(Side note: Anim na seniors ang nag-walk out sa segment na ‘to kasi puro Grindr hook-ups. So plus one star agad kasi nabawasan ang ngumunguya ng chicharon sa sinehan.)

Ang mag-jowa na Hadj (Albie Casiño) at Junamae (Myrtle Sarrosa) mag-MU kaya sila pero hindi talaga sila (wait, anong term sa ganito ng current generation, pang-thunders na kasi ang MU). Nakakatawa si Hadj kasi siya yung infatuated sa Hollywood rom-coms kaya puro couples lang ang nakikita niya kahit saan tumingin. Pero feeling ko mahilig din siya sa Pinoy melodrama bilang nag-ala Gabby Concepcion acting via Dapat Ka Bang Mahalin siya nung lalayasan na ni Junamae (yan talaga pangalan niya baka tatay niya si Jun at nanay si Inamae jk).

Yung story ni Kurt (Tony Labrusca) ang pinaka-nagustuhan ko kasi nag-resonate sa akin yung situation niya na burnout sa work kaya affected ang physical and mental state niya. Nakakadala ang scene na umiiyak na lang siya habang tuloy-tuloy ang pagtanggap niya ng trabaho kasi kelangan (and also kasi nga di na sya nakakapag-isip ng maayos). Nung nag-describe siya na blank ang feeling kahit ano pa ang ma-achieve niya, ramdam ko yun sobra.

Sayang talaga kasi kulang sa bonding ang mga characters na ‘to. Di ko man lang alam paano sila naging magkakasundo given their different attitudes and personalities. Dinaan na lang sa isang montage sa dulo before hugging it out over a sensitive matter. I guess hanggang ganun na lang talaga siya. Wag na daw tayo magreklamo as long as naghuhubad lagi si Tony dito.

Rating: ★★☆☆☆

THE EXPENDABLES 3 (Patrick Hughes, 2014)

E1AC1E8A-496A-4B0A-B613-0349AC574D4B

It’s the pinakbet of Hollywood action stars. With Frasier. Never been fond of pinakbet.

I’m still waiting for our local version starring Bong Revilla, Cesar Montano, Lito Lapid, Ronnie Ricketts, Ian Veneracion, Dante Varona, Jeric Raval, Baldo Marro, Chuck Perez, Jestoni Alarcon, Robin Padilla, and Eddie Garcia.

Paging Mother Lily!!

Rating: ★★☆☆☆

(Originally published August 25, 2014.)