MOVIE REVIEW: JAMES & PAT & DAVE (Theodore Boborol, 2020)

51DD087C-C61F-4557-AA88-4024A0011F00

SPOILER ALERT!!

Sayang kasi namukadkad ang pechay, I mean comedic talent ni Loisa Andalio dito. Ganito nag-start si Kim Chiu dati eh. Ganda pa ng rehistro ng mukha niya sa big screen. I can’t wait to see more of her in future (non-Hospicio) projects.

Nasobrahan ang pelikula sa corny humor at mostly OA performances (lalo na si Awra Briguela as “Sasha Valur”). Bawal ang normal conversations dito. Kelangan level 999 ang delivery na maririnig ng mga aso sa kabilang kanto. Grabe nakakatulili!

Kung Got 2 Believe ang peg ng first movie, dito naman may brutal roast ng Dahil Mahal na Mahal Kita. Infer natawa ako nung sinabi na baka mabagok pa ang ulo ni Claudine nung nagpagulong-gulong sila ni Rico sa burol. Mapanood nga ulit ‘tong sina Mela.

Umayos ng 5% ang acting ni Ronnie Alonte. Kaso feel na feel niya na siya ang second coming ni Robin Padilla. At sana lang hindi siya nilagay sa mga kadiring situations na supposedly romantic like magka-hard on matapos masubsob ang talong niya sa pechay ni Loisa, no?

Rating: ★★☆☆☆

MOVIE REVIEW: HELLCOME HOME (Bobby Bonifacio, 2019)

CCE7B997-8B74-48A0-9EA5-3E7D1596286B

Naisip ko talaga it can’t get any worse than Hospicio, but here we are.

I’ve always wanted a film version of American Horror Story: Murder House so thank you Star Cinema and iWant (where this movie was actually better suited) chz.

Since horror movie siya, may bigla na lang sumisigaw every five minutes kahit nakakita lang ng kambing.

Kapag walang sumisigaw, meron naman bumubulong. I’m surprised hindi nila kinuhang sponsor ang Resorts World Manila.

Mas bagay siya na comedy bilang ang isang character ang pangalan ay Baby Starr.

Rating: ★☆☆☆☆