MOVIE REVIEW: 12 MONKEYS (Terry Gilliam, 1995)

4C5CB73D-7CF5-4501-BEDE-8BCCFF81C026

SPOILER ALERT!!

Paano nga kaya kung meron somebody from the future na mag-time travel back to 2019 looking for answers kung bakit na-wipe out ang majority ng human population because of a deadly mutated virus? Siguro dapat ilista ko na ang pangalan ng mga unggoy na nagpalaganap ng anti-vaccine movement.

Bruce Willis Serious Actor >>> Bruce Willis Action Hero Slash Movie Star

And ang galing lang nung sinabi ni James Cole (Willis) yung “All I see are dead people” na very similar sa linya ni Cole Sear (Haley Joel Osment) sa The Sixth Sense.

Burning questions:

1. After the chase and shootout that happened in the airport, paano pa rin nakalipad ang plane ni Dr. Peters (David Morse) who was carrying the virus?

2. Anong effect ng death ni future James sa space-time continuum (lalo na at na-witness yung event ng younger version of himself)? Also, if his death happened in the past, then part siya ng history at alam ng future scientists that sent him back to… what, fulfill his destiny? So naka-loop (ooh, another Willis film reference) lang ba ang buhay niya?

Ang sakit sa ulo huhu.

Rating: ★★★★☆