MOVIE REVIEW: WEATHERING WITH YOU (Makoto Shinkai, 2019)

4D19969C-16B2-4C36-92F5-7B02CFBCA1EF

SPOILER ALERT!!

Very Wattpad Presents ito ha. Yung mga elements na medyo iffy ako sa Your Name eh dinoble pa lalo dito. Ramdam mo na gusto talaga ma-replicate ang success nun but they ended up with an inferior version.

Impressive pa rin naman ang animation. Medyo cute yung basic premise (parang gusto ko maging sunshine girl lalo na kapag bumabaha na sa Daang Hari) pero ang bagal ng pacing at tuluyang nagkalat nung third act.

Paano ako mag-root sa love story nila eh medyo selfish? Parang ang message eh kebs na sa earth kasi inevitable naman ang climate change so maglandian (er, magmahalan) na lang tayo. Nyek! Mas cheesy pa siya sa Big Mac.

Rating: ★★☆☆☆