METAMORPHOSIS (J.E. Tiglao, 2019)

4917C21E-2348-4B20-A1BA-BE512E606B33

Wala naman ako masyado paki sa X-rating ng MTRCB kasi naabutan ko pa nung head sina Tito Manoling Morato and Lola Henrietta Mendez. Mas interested ako na tungkol ito sa isang intersex na di pa natatalakay ng lubusan sa local cinema.

Pero other than the on-the-nose metaphors (sino kaya ang gumagamit ng ganung diaphanous kumot na hindi kasali sa music video ni Tita Mariah?), parang wala rin naman siya masyado nasabi.

Di ko pa nagustuhan na very low-tier Joselito Altarejos ang feels dito. As in para akong si Tito Jo habang pinapanood ang extended (and hyped) masturbation scene. May mga predatory scenes pa na walang consequences.

Nakulangan ako kay Gold Azeron. Naalala ko ang isang young Diether Ocampo sa kanya. Buti magaling ang supporting cast lalo na sina Iana Bernardez (ganda nung bicycle scene at yung usap usap lang sa bintana) at Ricky Davao (praise the Lord!).

Bakit nga pala naging “There are many carabaos here” ang subtitle ng “Mukhang uulan”? Props for that Onang reference, though.

Rating: ★★☆☆☆