MOVIE REVIEW: WASHINGTON SQUARE (Agnieszka Holland, 1997)

F93B6F72-A1D8-450D-995D-0C74E8472752

Even with a wonderfully talented cast that included Jennifer Jason Leigh, Albert Finney, and Dame Maggie Smith, it was still no match with the brilliant ensemble of Ikaw Pa Lang ang Minahal (Queen Maricel 4ever!).

I really liked the glaring differences with its Pinoy counterpart, though (the absolute lack of melodrama and camp, a less caricaturish and more caring Doctor, a restrained yet equally bittersweet ending).

Your adaptation’s next, Miss de Havilland.

Rating: ★★★★☆

(Originally published June 10, 2018.)

MOVIE REVIEW: ABANDONADA (Joel Lamangan, 2000)

6FB94489-0BF1-43EC-A781-A1122DCDA1EE

SPOILER ALERT!!

Bakit nga ba naging masama ang connotation ng salitang “katulong”? Masasabihan ka agad na bastos at matapobre kapag yan ang ginamit mo sa halip na “kasambahay”. Malinaw naman na ang root word nito ay tulong kaya angkop na translation ng house help. Wala naman nakakahiya o nakakababa sa pagtulong. Kapag naririnig ko nga ang salitang kasambahay parang kasama lang sa bahay at walang ginagawa kahit sila talaga ang nagbabanat ng buto araw-araw.

Anyway, naalala ko lang yan kasi pre-woke era pa ang pelikulang ito. Masasabihan ngayon na hindi politically-correct bilang katulong pa ang gamit na salita. Very Pinoy ang drama kasi si Gemma (Maricel Soriano) na nakulong sa Canada at nahiwalay sa kanyang anak ay umuwi ng Pilipinas matapos makalaya at namasukan bilang maid sa mismong bahay ng kanyang asawang si Edwin (Edu Manzano) na kasal na sa ibang babaeng si Cindy (Angelu de Leon). (Nahilo ba kayo slight?)

Maayos naman ang paglalahad ng class distinctions. Sa sobrang laki ng bahay ay bihira magkita ang mga may-ari at mga kasambahay. Advantage ito para kay Gemma kasi hindi siya pwedeng mamukhaan ng demonyo niyang ex (na sa mga flashbacks ay ipinakitang lasenggero at abusive).

Pero dahil nga very Pinoy ang takbo ng kwento, naging conventional sa bandang gitna na umabot sa sampalan, kidnapan, at barilan sa loob ng isang sinehan (na di nalalayo sa ginamit sa Serbis). Nawala ang malinaw na motivations ng mga characters. Parang lahat sila biglang hindi na nag-iisip ng tama.

Sayang kasi ang daming themes na interesting kung natutukan lang. Yung family abandonment issue related sa OFWs, yung subplot ng euthanasia, at kahit yung battered wife syndrome. Very burgis pa ng character ni Cindy kasi after siya bugbugin ng asawa eh naisipan niyang… mag-horseback riding. Yes, basag ang mukha niya pero ang cute ng equestrian outfit niya.

Yan talaga ang hirap kapag hindi mo nakikita ang iyong mga kasama sa bahay. Walang magsasabi na kelangan mo pa dagdagan ang iyong concealer.

Rating: ★★☆☆☆

MOVIE REVIEW: INANG YAYA (Pablo Biglang-awa, Veronica Velasco, 2006)

CB32064D-1B35-4107-8850-2DB3B34F41B0

SPOILER ALERT!!

Siguro kung ililista ko lahat ng gusto kong sabihin tungkol sa pelikulang ito, aabutin ako ng 10,000 words no exag. Kasing-dami yan ng patak ng luha ko sa sobrang daming beses ko na din siya napanood.

Sino ba ang Maricelian sa Young Critics Circle? Wag ka aalis diyan ha dahil ikaw lang talaga ang may taste for recognizing her excellent performances (even in genre films like Vampira). As a huge fan of Maricel Soriano, ipaglalaban ko na ito ang kanyang best performance ever (close second yung critically-lauded Ikaw Pa Lang ang Minahal). Napaka-understated kasi ng pag-arte niya dito. Nawawala ang usual acting tics na hate ng Manunuris sa kanya kaya never siya nanalo ng Urian.

Kung tutuusin, very anti-Maricel ang atake niya sa role ni Mommy Yaya Norma. Nung bumili siya ng “Skeechers” para sa anak na si Ruby (a wonderful Tala Santos) tapos ibinato lang nito kasi fake at pagtatawanan daw siya ng mga kaklase, yung tahimik na pag-upo niya grabe gusto ko siya yakapin. Walang hagulgol, pigil ang pag-iyak habang hawak ang rejected na pinag-ipunang regalo. Ang sakit sakit.

Iisipin mo na typical Pinoy melodrama siya kaya nakakatuwa na medyo na-subvert yung genre. Lutang pa rin ang issue on class differences pero kaunti lang ang tropes na ginamit. Masyado nga ako nasanay sa mga teleserye kaya nung may eksena si Norma na nagpa-plantsa akala ko meron masusunog o nung pinagdala niya ng mainit na tsaa si Ruby, akala ko mabubuhos sa matapobreng lola (Liza Lorena). Buti walang ganun dito. Napakabait pa ng mga amo niya (Zoren Legaspi and Sunshine Cruz) na mapapaisip ka kung meron ba talagang tulad nila in real life or nakasanayan lang natin na maldita lagi si madam at mas mababa ang pagtrato niya sa mga yaya/maid. Hindi ito pelikula para sa mga cynical na tao.

Grabe, I can quote this film for days.

Louise (a charming Erika Oreta): “Eww, why are you eating the head of the shrimp?”

Ruby: “It’s mah-sah-rap kasi.”

HAHAHAHAHA!!

Ang galing talaga ng mga batang ‘to. Ang ganda pa ng chemistry nilang tatlo kaya durog na durog ang puso ko pagdating sa realistic ending. Such an underrated gem.

Rating: ★★★★★

MOVIE REVIEW: DAHAS (Chito Roño, 1995)

2B3ED693-4809-456C-BAFB-BF68941D77F6

It’s been 23 years since this was shown in theaters as an MMFF ‘95 entry and I’m still bitter over the fact that it lost Best Picture (and Best Actress for Maricel Soriano) to standard drama fare Muling Umawit ang Puso. Great Pinoy thrillers rarely get the respect that they deserve.

Rating: ★★★★★

(Originally published January 20, 2019.)

MOVIE REVIEW: THE HEIRESS (Frasco Mortiz, 2019)

3675AA7D-43C3-483D-B3BB-736F050FDCA0

Nalungkot ako kasi hirap na talaga magsalita si idol Maricel. Dati walang-wala ang machine gun sa rat-tat-tat delivery niya. (To be fair, napakahusay pa rin niya umarte.) #faney

Pero jusko naman pati mambabarang bitter na bitter sa lovelife at puro hugot. Mas marami akong tawa kesa takot.

Rating: ★☆☆☆☆

MOVIE REVIEW: THE ANNULMENT (Mac Alejandre, 2019)

B0293F5B-AFA3-4BEB-8672-C284FD5D24E4

Hiyang-hiya si Britney Spears sa pagka-toxic ng mag-asawang ‘to.

Grabe for a drama sobrang dami ng tawa ko lalo na nung nagbuhusan sila ng isang jug ng water before mag-kitchen sex tapos slo-mo focus sa basang-basang (wink, wink) chest ni Joem Bascon hahaha! Tapos nung sex scene inutusan niya si Lovi Poe na “Kagatin mo!” habang pababa si ate mo sa nipples at pototoy niya hahaha!

Lovi to Myrtle Sarrosa (who should probably stick to cosplaying): “Sino ka? Anong tawag nila sa’yo maliban sa kabit?” (Hello gurl di mo ba kilala si Ate Marya? Eh di kerida, mistress, number 2 are you facking my husband anuba!!)

Meron pa parang marital rape na biglang naging angry sex na puro hampasan (sa braso??) na napaisip ako kung malamok lang sa kwarto nila.

Best yung totoong sinabon ni Lovi ang likod ni Joem sa shower sex scene. Very realistic. At syempre hagalpak ako nung sumbatan na ng infidelity at tinanong ni ate kung “Sinasabon mo rin ba ang likod niya?”. Hahahahaha!!

But wait, hindi pa ako umaabot dun sa OA court scene na straight out of Ipaglaban Mo. Mas naiyak ako at na-bother na pinayagan ng judge yung ganung shade ng purple lipstick sa lawyer ni Lovi. I object!!

Sigurado ba talaga na hindi ito directed by Joel Lamangan?

Rating: ★☆☆☆☆

MOVIE REVIEW: SAAN DARATING ANG UMAGA? (Maryo J. Delos Reyes, 1983)

714F28D3-B5E4-4261-AA8A-DF18B7BB8D61

SPOILER ALERT!!

My notes on Saan Darating ang Umaga?:

1. Meron talagang mga pelikula na marinig mo pa lang ang theme song maiiyak ka na. Nung pinanood ko ulit ito recently, hindi pa kumakanta si Raymond Lauchengco (as in instrumental part pa lang sa initial scenes) pero parang sasabog na ang puso ko. Na-picture ko agad si Joel (‘80s child star Jaypee de Guzman) na ngumangawa habang humahabol sa kanyang Ate Shayne (FAMAS Best Supporting Actress winner Maricel Soriano) pagkasoli sa kanya sa ampunan (more on that later).

“Bakit pa pinagtagpo? Pala’y maglalayo tayo sa ating buhay…” Hala, naluluha na ako ulit!!

2. Melodramatic siya to a fault pero sobrang earned yung tears. Ang daling mahalin ng Pamilya Rodrigo kasi they functioned like any normal middle class family during that time. I’m sure maraming oldies like me na makaka-relate sa everyday situations nila. Yung panahon na considered breadwinner pa ang mga tatay habang butihing housewives naman ang mga nanay. Tapos yung tuwing maririnig ng mga bata ang kotse ni tatay eh sasalubungin nila sa gate ng bahay at maghahanap ng dalang pasalubong.

Ang conservative pa ng values noon kaya nakakaaliw ang pag-ku-kuwento ng nanay na si Lorrie (the magnificent Nida Blanca) kay Shayne ng trade secrets to maintain a healthy partnership. Natawa ako nung sinabi niya na kahit ang tagal na nila mag-asawa, hindi pa siya nakikita ni Ruben (Nestor de Villa) na nakahubad para hindi ito maghanap ng iba. Very 80’s maybahay talaga.

Also, nakakatawa ang kulitan scenes nilang mag-nanay. Nung lumabas si Shayne na todo make-up before going to school (kasi in love ang ate mo), ang unang hirit ni mudang eh “Do you have a party today?”. Ayun napikon, sabay walkout at galit na galit ginaya ang nanay niya sa harapan ng salamin. Ganyan na ganyan ako kapag asar-talo.

3. Malungkot ang major themes on adoption, loss, and grief. Ang sakit sa puso nung sinabi ni Lorrie na “Bakit naman kasi kung sino pa yung gustong-gusto magkaanak, siya pa ang laging nakukunan?”. Makikita rin dito na for the privileged ang legal adoption. Magastos ang overall process at kelangan talaga na malinaw ang financial support. Obvious naman na can afford sila kasi ang lawak ng garden in their gated subdivision home (big enough para mag-sunbathing si Shayne dahil feel lang niya haha!).

Ang medyo naguluhan lang ako ay yung pagbabalik kay Joel nung dulo. Allowed ba talaga yun dahil nabaliw si Lorrie at in danger na ang bata kapag kasama siya? Nakaka-sad kasi parang hiniram lang siya na laruan tapos nung hindi na nila kaya alagaan eh isosoli na lang ulit.

I really liked the strong connection nito dun sa isa pang pelikula ni Maricel na Ama, Ina, Anak. Daming similarities including yung sibling rivalry, although that one wasn’t as tragic.

4. Speaking of sibling rivalry, believable talaga yung pagmamaldita ni Shayne out of jealousy lalo na at na-divert sa new bunso lahat ng attention. Na kahit ang laki ng age gap nila, ultimo pasalubong na chocolates eh nakikipag-agawan pa siya sa bata (di naman ako nagulat kasi even nung pabitin scene eh parang gusto niya sumali).

Sobrang paawa din kasi yung mukha ni Joel kaya natawa ako sa pasimpleng sipa sa kanya ni Shayne nung aerobics scene. At kahit ako uminit ang ulo nung puro drawings na ang favorite niya na plastic-covered copy of One Hundred Years of Solitude (first, kasi I really love that book, and second, kasi nangyari rin ito sa akin at nung nasira ang magazine ko na collector’s item, ako pa ang napagalitan ng parentals at sinabihan na babayaran nila, as if meron pang copy nun at may katumbas na price ang sentimental value haha bitter pa rin).

(Side note: Huy Shayne, binigyan ka lang ng book ng stalker mo tapos date na agad? Anyare sa conservative values na sinasabi ko kanina?)

Pero syempre naawa pa rin ako kay Joel nung binalibag at pinagsasampal siya habang tinatawag na ampon kasi alam naman natin paano si Marya sa iconic sampalan scenes niya.

5. Maganda talaga yung increased awareness regarding depression. Dati hindi ko maintindihan masyado yung immediate change of emotions ni Lorrie kay Joel after mamatay ni Ruben. Iniisip ko kasi na nanay pa rin siya at sobrang minahal niya yung bata so bakit ang bilis niya magpa-Sophie’s Choice kay Shayne na mamili sa kanilang dalawa.

Pero ngayon alam ko na kung ano ang severe adverse effects ng grief sa mental state ng tao. Posible siyang mangyari kapag nakaka-experience ng ganung trauma from a tragedy. Yung umaabot talaga sa point na kukuha ng scissors at pagsasasaksakin ang portrait ng isang bata.

(Side note ulit: After repeat viewings, napansin ko na ang ganda ng foreshadowing nung beach race scene lalo na kung intentional siya. Eto yung hinablot ni Lorrie yung “flag” kay Joel tapos tuloy-tuloy siyang tumakbo na walang pakialam kahit nahulog na yung bunso niya sa kinatatayuang bato. At very apt na si Shayne talaga ang tumigil para saluhin ang bata.)

6. “Minsan isang umaga babalikan kita.” One of the saddest final lines ever written.

Kung marami kang pent-up emotions today, panoorin mo na siya. Wag kalimutan ang box ng tissue.

Rating: ★★★★☆

MOVIE REVIEW: JOHN DENVER TRENDING (Arden Rod Condez, 2019)

729DEDDB-DE49-45C0-948D-A9EDA8011884

SPOILER ALERT!!

My notes on John Denver Trending:

1. Kumusta na kaya si Amalayer Girl? Nung 2012 pa pala nag-viral yung video niya ng paninigaw sa isang security guard sa LRT Santolan station. Alala ko noon na ang daming bwiset na bwiset sa kanya (kabilang na ako). Siguro kasi iniisip natin kadalasan na maarte kapag pa-English English ang isang Pinoy. O siguro kasi ang feeling natin sa kanya eh mababa ang tingin niya sa mga blue-collar workers. O kaya kasi mahilig lang tayo mang-down ng ibang tao to make us feel better about ourselves. Yung lagi tayong tama, mabuti at busilak ang kalooban at yung mga nasa viral videos na yan eh deserve ang bullying kasi masasama ang ugali.

Napakadali para sa atin mag-judge ng iba habang nakatago sa harap ng mga computer at phone screens. Attack agad lahat ng keyboard warriors (aka toxic kuyog culture) kahit di pa alam kung ano ang totoong story. Puro mura, puro pintas, minsan may death threats pa na kasama di lamang sa taong involved kundi pati sa pamilya nito. Nakakalungkot na ganito tayo ngayon sa panahon ng social media.

(And sobrang hypocritical lang na ang sunod na posts ng iba eh Bible quotes or suicide prevention hotlines. Puh-lease!)

2. Medyo similar ang nangyari kay Amalayer at sa bida dito na si John Denver (Jansen Magpusao). Pinagbintangan siya ng mga kaklase niya na nagnakaw ng iPad pero ang nahagip lang ng video eh nung binubugbog na niya ang kanyang classmate. In-upload ng isang mokong sa Facebook (“PASIKATIN NATIN ANG GAGONG TO… LIKE AND SHARE HANGGANG UMABOT KAY TATAY DIGONG!”) bago tuluyang mag-viral. Umikot ang buong pelikula sa epekto ng cyberbullying kay John Denver at kung paano nito sinira ang buhay niya at ng kanyang pamilya.

3. Malinis ang pagkakalahad ng story. Nagustuhan ko na kahit ang daming not-so-subtle hints na hindi siya ang nagnakaw (yung charger na lang ang naiwan sa classroom nung pumasok siya, yung bag niya na hinalughog, yung mga construction workers na padaan-daan sa mga eksena), bilang manonood mapapaisip ka pa rin hanggang dulo kung kinuha ba niya talaga ang lecheng iPad na yan.

Lumabas ang pagiging judgmental ko lalo na at hindi naman siya ulirang kabataan. Napaka-flawed ng character niya (ang lakas ng tawa ko nung inalaska niya ang isang classmate na hindi naman memorized ang Lord’s Prayer) kaya may second thoughts pa rin kung maaawa ka sa pinagdaraanan niya.

4. Inspired ang casting kay Jansen lalo na at hindi siya trained actor. Bumagay yung rawness ng performance niya dun sa innocence ng character. Ang lakas ng star quality niya sa big screen. May ilang eksena lamang na medyo pilit ang emosyon (para sa akin kinulang siya dun sa crucial scene na tinakpan niya ang mukha niya para humagulgol) pero bawing-bawi kapag natural lang ang batuhan niya ng mga linya with his mother (Meryll Soriano). Yung itsura nung mukha niya dun sa ilog pagkatapos dumugo ang ulo ng nanay niya, sobrang sakit sa loob panoorin. Ramdam yung guilt sa lahat ng nangyayari kaya di nakakagulat yung choice niya sa dulo.

5. Pero grabe halimaw din si Meryll sa actingan. Sa sobrang huge fan ako ni Maricel Soriano eh napaisip talaga ako dito kung mas magaling pa siya sa auntie niya. Nung andun sila sa principal’s office tapos sinabi niya yung line na parang “Eh bakit kayo naman, sir. Kung sabihin ko na may shabu ang brief n’yo, ibababa nyo ba?” gusto ko mag-standing ovation sa sinehan. At nung sinabi sa kanya na may record ng violations (including theft) ang anak niya na di niya alam, para akong si John Denver na gusto ko na lang matunaw sa kinauupuan ko. Ultimo pagpunas niya lang ng pawis sa mukha after pagsasampalin ang anak eh sobrang nuanced. Napakahusay!!

Ang minor quibble ko lang ay yung spotty accent niya. Although na-explain naman na hindi siya tubong Antique, ang obvious lang kasi nung disconnect ng pagsasalita niya sa kanyang anak. May isang beses pa na nahaluan niya ng “so” ang sinasabi niya kaya medyo na-distract ako sa eksena kasi out of character.

6. Wala lang yun sa dami ng scenes na tumagos talaga sa puso ko (meaning more ngawa ako diba) lalo na kapag naka-focus sa simple moments nilang mag-ina. Naiiyak pa rin ako kapag naiisip yung part na sinubuan niya ng flower icing ang nanay niya matapos siya tawaging “animal!” (ang ganda ng pasok ng haunting score dito huhu). Bulakbol siya pero sweet naman pala. A few seconds lang pero ang daming sinabi tungkol sa kanila at sa kanilang relationship.

Pati yung tahimik silang naglalakad sa may dalampasigan tapos bakas sa mukha ni nanay yung frustration, embarrassment, at disappointment pero mahal na mahal pa rin nya ang anak niya kaya nasasaktan siya para dito. Durog na durog ako dun.

7. Maganda yung paggamit ng symbolisms dito. Yung mantsa sa uniform niya na kahit anong kuskos niya ay hindi matanggal. Parang Scarlet Letter lang na naka-tattoo sa noo niya na nagsusumigaw na “MAGNANAKAW!”. Yung kahit anong explain at defend niya sa sarili eh wala naman naniniwala at tuluyan nang nabahiran ang reputasyon at buong pagkatao niya. Tapos nung flag ceremony siya lang talaga ang namumukod-tangi na hindi gumamit ng Tide kaya nag-stand out ang naninilaw niya na suot.

Maganda rin yung juxtaposition na ginamit sa power of chismis lalo na dun sa kapitbahay sa sinasabing aswang. Minsan mas malala pa sa bala ng baril ang mga salitang lumalabas sa isip at bunganga ng mga tao.

8. Nakakangalit yung entire investigation process ng mga pulis. Naalala ko tuloy yung isang eksena sa Pamilya Ordinaryo na tungkol din sa police brutality. Grabe yung feeling ng helplessness kapag talaga person in authority ang nang-ha-harass sa isang tao. Nakakatakot kapag naka-uniporme ang demonyo.

9. Sa dami ng eksenang naglalakad siya, ang ganda nung biglang tumakbo si John Denver off-path. Malaman. Kaya siguro sobrang polarizing din ng ending nito. For me, justified naman siya sa context ng theme. Hindi siya nagmukhang cop-out. Mas nag-resonate pa nga ang perils ng social media dahil sa powerful scene na yun. Kapag ramdam mo na sobrang squirmish ang mga katabi mo sa sinehan dahil sa pinapanood nila, alam mo na malakas ang effect nito. Hindi nila makakalimutan ang nakita. Para na rin niyang sinabi na in essence, lahat tayo ay guilty sa pagpatay kay John Denver.

10. Yung isa sa pinaka-paborito kong eksena sa Philippine Cinema 2019 ay nung tahimik na kumakain ang pamilya nila ng Cloud 9 sa pilapil. Malayo sa gulo ng mundo, hiwalay sa ingay ng social media. Sa panahong ito ng Digital Age, hindi kaya yan ang pinakamainam para sa ating lahat?

Rating: ★★★★★

MOVIE REVIEW: BELLE DOULEUR (Joji Villanueva Alonso, 2019)

1F3F0F2C-D06D-4AA8-8F0F-0D5E6E6B83BD

SPOILER ALERT!!

Umay levels ang iba’t-ibang anggulo ng pwet ni Kit Thompson na medyo tuod pa rin umarte. Sa sobrang dami ng sex scenes nila ni Mylene Dizon, naubusan ng “nadiligang flower” metaphors ang director. (Also, ang saya talaga kapag privileged kasi pwedeng mag-sex na lang kayo all day, every day na walang iniisip na trabaho.)

Sobrang hot ni Mylene na parang hindi masyadong tumanda si Melanie Suntay niya sa Gimik. Kaya di rin masyadong ramdam for me ang sinasabing age gap. Yung parang Maricel Soriano-Diether Ocampo sa Soltera na mapapaisip ka kung true love ba or pineperahan lang siya.

Technically, malinis ang pelikula. Napaka-glossy na parang Star Cinema movie. Nung naglakad nga si Mylene sa UP grounds, akala ko biglang magiging Alone/Together. Tapos self-love ulit ang theme. Kakapanood ko lang nito sa Hello, Love, Goodbye ah.

MOVIE REVIEW: MY BIG BOSSING (Tony Reyes, Marlon Rivera, Joyce Bernal, 2014)

13bd86ce-ad53-49bf-9cb3-eeaa47d9ce4f

SPOILER ALERT!!

My notes on My Big Bossing:

1. Vic Sotto just had this certain charm that I wasn’t surprised when the ladies kept fawning at him. In the movie’s very first scene, he simply said a throwaway “Exchuse me!” and I couldn’t control my laughter. In the second segment, he even showed some range dealing with a dead daughter. Good one, Bossing!

2. Sotto wore a crisp white polo shirt and of course I knew what was coming next: “Bossing sa kaputian!”. To be fair though, this sequel only had a few commercials. The only other product I noticed was PLDT Home.

3. The Sirena segment by Tony Reyes could have been an episode of Okay Ka, Fairy Ko. Only this one had Ryzza Mae Dizon donning a mermaid costume. It was still a very weak entry already given its sitcom roots. People just kept getting pushed in different bodies of water. Not funny.

4. Speaking of Dizon, why haven’t we seen her launching movie yet? She has the same spunk and charm of a young Aiza Seguerra. Given the right material, she can achieve the same superkid status. She’s just too adorable. Obviously I’m a fan.

5. The cast of Ina-Tay was here! (Refer to Cinemalaya 2014.)

6. Manilyn Reynes was supposed to play a fish vendor so they covered her up with dark make-up. Sometimes it looked like she had jaundice instead.

7. The Taktak segment by Marlon Rivera had a lot of potential. Unfortunately, there were just so many sub-plots to tackle in forty minutes. You’re not yet completely forgiven for the first one, Sir. Not yet.

8. Dizon here played Angel, a version of Elsa (more La Aunor, less Frozen) and she looked funny during the seances. This reminded me so much of Judiel Nieva, the transgendered lady who apparently could see the Virgin Mary back in the early 90’s. Wikipedia refers to her as an actress and businesswoman.

9. Marian Rivera looked good onscreen but has she ever played any character that didn’t scream her head off at other actors? Her characters always sounded shrill and high-strung like she was invoking the spirit of Maricel Soriano during her Inday days.

10. One obvious gaffe: Jose Manalo’s character texted Angel looking for her even if in the previous scene he was seen walking away with her.

11. One ghost mentioned something really scary and had always been one of my fears: “Susundan kita sa banyo.” Imagine a dead relative watching you take a shower in all your naked glory. Horrors!!

12. The third segment called Prinsesa by Joyce Bernal looked really good. Granted, most of the castle scenes were shot in Fernbrook Gardens in Las Pinas, I was impressed with the village that looked very much like The Shire and was populated by digital animals. Eat your heart out, Peter Jackson!

13. One character had his tongue cut off and was shown all bloody in a succeeding scene. What happened to the General Patronage rating?

14. If Mara Clara was a fairy tale, this would be that version.

15. At first I thought that the trilogy was very Eat Bulaga Holy Week presentation levels. And then it dawned on me. It was trying to be that other movie anthology, Mga Kuwento ni Lola Basyang. Am I right, 80’s kids?

Rating: ★★☆☆☆

(Originally published January 5, 2015.)