YEAR-END MOVIE REVIEW: THE BEST OF PINOY CINEMA 2019

93CE0B57-E393-49E8-BEC0-77D53B3C690E

76EA4C38-5C7B-45BC-A425-2C26481B05E2

1. RICKY DAVAO (F#*@bois)
2. SOLIMAN CRUZ (Iska)
3. VANCE LARENA (Dead Kids)
4. JC SANTOS (Miracle in Cell No. 7)
5. JOEM BASCON (Write About Love)
6. JOHN ARCILLA (Miracle in Cell No. 7)

FFC15ED2-E72B-428B-91FA-B491A7094C22

1. TUESDAY VARGAS (LSS)
2. ANNA LUNA (Tayo sa Huling Buwan ng Taon)
3. JACLYN JOSE (Circa)
4. IANA BERNARDEZ (Metamorphosis)
5. ELORA ESPAÑO (Kalel, 15)
6. MERYLL SORIANO (Culion)

9495C5BA-BF9A-47F4-BF3B-8E15E7416F2D

1. ELIJAH CANLAS (Kalel, 15)
2. LOUISE ABUEL (Edward)
3. JANSEN MAGPUSAO (John Denver Trending)
4. CARLO AQUINO (Isa Pa, With Feelings)
5. GIO GAHOL (Sila Sila)
6. ROCCO NACINO (Write About Love)

BDCDA216-FDDF-4E2C-8AAE-C586AA995E86

1. RUBY RUIZ (Iska)
2. MERYLL SORIANO (John Denver Trending)
3. JUDY ANN SANTOS (Mindanao)
4. ANGIE FERRO (Lola Igna)
5. SARAH GERONIMO (Unforgettable)
6. LIZA SOBERANO (Alone/Together)

AC6A669C-FDA6-4CB9-A20A-61A3BCFD3469

1. HEIST SCHOOL (Julius Renomeron, Jr.)
2. ANG GASGAS NA PLAKA NI LOLO BERT (Janina Gacosta, Cheska Marfori)
3. SA AMONG AGWAT (Don Senoc)
4. THE SLUMS (Jan Andrei Cobey)

1F8899F2-589A-40E0-9AC4-64E14BA6CA0B

Written by: JUN LANA, KEAVY EUNICE VICENTE, ASH MALANUM
Directed by: JUN LANA, PERCI INTALAN

DCE9E8B4-5939-400E-B2C0-F97AEADE0160

Written by: CRISANTO AQUINO, JANYX REGALO
Directed by: CRISANTO AQUINO

D09A6B60-C28B-455A-9912-3E37AE5D98D1

Written by: JADE CASTRO, SIEGE LEDESMA
Directed by: JADE CASTRO

BF4CF740-029F-42DA-83A6-800C15825996

Written by: WANGGO GALLAGA, KOOKAI LABAYEN, DWEIN BALTAZAR
Directed by: ANDOY RANAY

76948874-1CBA-4012-9EFD-F961D0E93037

Written and directed by: ADOLF ALIX, JR.

BA5F4F4F-C56E-4C33-91E7-E7C88F69E590

Written by: JEN CHUAUNSU, KOOKAI LABAYEN
Directed by: PRIME CRUZ

FC00C13D-D0D3-4A9E-B362-0CDBB5901CED

Written by: THOP NAZARENO, JOHN PAUL BEDIA
Directed by: THOP NAZARENO

841C0C2A-F79A-41B7-985B-1EB3A00257A2

Written and directed by: JUN LANA

4A5DBBD2-EC14-4A12-9C24-FAEC5750AD93

Written and directed by: ARDEN ROD CONDEZ

MABUHAY ANG PELIKULANG PILIPINO!!

 

FILM FESTIVAL REVIEW: MMFF 2019 SCORECARD

E531B48F-3BE6-43CA-9156-355BBCA91A14

Best Feature-Length Film

1. WRITE ABOUT LOVE (Crisanto Aquino) – ★★★★☆
2. MINDANAO (Brillante Mendoza) – ★★★☆☆
3. MIRACLE IN CELL NO. 7 (Nuel Naval) – ★★★☆☆
4. SUNOD (Carlo Ledesma) – ★★☆☆☆
5. CULION (Alvin Yapan) – ★★☆☆☆
6. MISSION UNSTAPABOL: THE DON IDENTITY (Michael Tuviera) – ★★☆☆☆
7. THE MALL, THE MERRIER (Barry Gonzalez) – ★☆☆☆☆
8. 3POL TROBOL: HULI KA BALBON! (Rodel Nacianceno) – ★☆☆☆☆

Best Performance by an Actor in a Leading Role

1. ROCCO NACINO (Write About Love)

Best Performance by an Actress in a Leading Role

1. JUDY ANN SANTOS (Mindanao)
2. MILES OCAMPO (Write About Love)
3. CARMINA VILLARROEL (Sunod)
4. IZA CALZADO (Culion)

Best Performance by an Actor in a Supporting Role

1. JC SANTOS (Miracle in Cell No. 7)
2. JOEM BASCON (Write About Love)
3. JOHN ARCILLA (Miracle in Cell No. 7)
4. ALLEN DIZON (Mindanao)
5. JOJIT LORENZO (Miracle in Cell No. 7)
6. JOEL TORRE (Miracle in Cell No. 7)
7. MON CONFIADO (Miracle in Cell No. 7)
8. SOLIMAN CRUZ (Miracle in Cell No. 7)

Best Performance by an Actress in a Supporting Role

1. MERYLL SORIANO (Culion)
2. KRYSTAL BRIMNER (Sunod)
3. YUNA TANGOG (Mindanao)
4. JASMINE CURTIS-SMITH (Culion)

Until next year!!

MOVIE REVIEW: CULION (Alvin Yapan, 2019)

1165DE3A-DB7E-4F4A-B646-822BEE554431

Very disappointing, especially since I’m a lowkey fan of Yapan’s films. Yung kahit di ko masyado maintindihan ang poeticism/lyricism/symbolism (at lahat ng -ism) sa mga pelikula niya, lutang naman ang artistry at craftsmanship. Nawawala yun dito.

Maliban sa dalawang creative choices (yung dream sequences ni Jasmine Curtis-Smith at yung goosebumps-worthy kidlat scene sa dulo), iisipin mo na si Joel Lamangan ang nag-direct nito. Daming gustong sabihin pero walang pinatunguhan. Sobrang kalat.

Sayang kasi andito ang mga acting greats ng Pinoy cinema (Jasmine, Iza Calzado, and Meryll Streep-Soriano). Bonus pa yung much-hyped cameo ni John Lloyd Cruz. Nagtitigan lang sila ni Meryll pero dalang-dala ako sa eksena. (Please come out of retirement!!)

Ang pakiramdam nung over two hours na runtime ng pelikula ay para kang nagbabasa ng History book. Alam mo na may sinasabing importante pero sobrang bagot. Tatlo na nga lang kami na nanuod tapos ang sarap pa ng tulog nung magkayakap na mag-jowa sa harapan ko.

Rating: ★★☆☆☆

FILM FESTIVAL REVIEW: PISTA NG PELIKULANG PILIPINO 2019 SCORECARD

01DDAC1E-8466-4453-A921-2F5417DBB917

Best Feature Length Film

1. CIRCA (Adolf Alix, Jr.) – ★★★★☆
2. OPEN (Andoy Ranay) – ★★★★☆
3. LSS (Jade Castro) – ★★★★☆

4. LOLA IGNA (Eduardo Roy, Jr.) – ★★★☆☆

5. THE PANTI SISTERS (Jun Lana) – ★★☆☆☆
6. CUDDLE WEATHER (Rod Marmol) – ★★☆☆☆
7. WATCH ME KILL (Tyrone Acierto) – ★★☆☆☆
8. G! (Dondon Santos) – ★★☆☆☆
9. I’m Ellenya L. (Boy 2 Quizon) – ★☆☆☆☆

Not seen:
Pagbalik
Verdict

Best Performance by an Actor in a Leading Role

1. CHRISTIAN BABLES (The Panti Sisters)
2. JC SANTOS (Open)
3. PAOLO BALLESTEROS (The Panti Sisters)
4. KHALIL RAMOS (LSS)
5. MARTIN DEL ROSARIO (The Panti Sisters)
6. RK BAGATSING (Cuddle Weather)

Best Performance by an Actress in a Leading Role

1. ANGIE FERRO (Lola Igna)
2. SUE RAMIREZ (Cuddle Weather)
3. ANITA LINDA (Circa)
4. ARCI MUÑOZ (Open)
5. JEAN GARCIA (Watch Me Kill)
6. GABBI GARCIA (LSS)
7. MARIS RACAL (I’m Ellenya L.)

Best Performance by an Actor in a Supporting Role

1. JOHN ARCILLA (The Panti Sisters)
2. ELIJAH CANLAS (LSS)
3. ENCHONG DEE (Circa)
4. VANCE LARENA (Open)
5. RICKY DAVAO (Circa)

Best Performance by an Actress in a Supporting Role

1. TUESDAY VARGAS (LSS)
2. JACLYN JOSE (Circa)
3. MA. ISABEL LOPEZ (Lola Igna)
4. MERYLL SORIANO (Lola Igna)
5. INA RAYMUNDO (Open)
6. IANA BERNARDEZ (LSS)
7. GINA ALAJAR (Circa)
8. ELIZABETH OROPESA (Circa)
9. VIA ANTONIO (The Panti Sisters)
10. ROXANNE BARCELO (The Panti Sisters)

Until next year!!

MOVIE REVIEW: LOLA IGNA (Eduardo Roy, Jr., 2019)

B9B10A61-555F-478C-9583-A91AE0E9FD92

SPOILER ALERT!!

Lumaki ako sa lola kaya sanay na sanay ako makita siya nakaupo sa arinola. Nung bata pa ako, di ko talaga alam kung ano ang gamit niya bilang hindi naman ako nakaupo pag umiihi. Kaya nung isang beses na sumakit ang tiyan ko around midnight at sa takot na pumunta sa banyo, may surprise na naghihintay sa lola ko pagbukas niya ng takip nung umaga.

Marami akong magagandang memories with my lola kaya hindi ako nahirapang magustuhan ang pelikulang ito na tungkol sa isang lola (malamang si Lola Igna diba, a spectacular Angie Ferro) na mag-celebrate ng kanyang ika-118 na birthday at tinutulungang makapasok sa parang Guinness Book of World Records (may prize na almost $50k for every year kaya halos $6M ang makukuha niya; may ganito ba talaga? Iinom na ako ng Ensure every day kung totoo ‘to).

May theory ako na kaya siya umabot ng ganun katanda kasi sanay ang katawan niya sa germs kaya malakas resistensya niya. May part sa simula na ipinakita ang isang nilalangaw na toilet bowl sa labas ng bahay tapos sa sunod na eksena eh breakfast table na at punung-puno ng langaw ang kanin at ulam niya. Same langaw ba sila galing sa labas? Ayaw kong isipin parang magkakasakit ako.

(Also, sobrang ganda ng scene na yan kasi nag-tagay siya ng tuba para sa yumao niyang asawa. Yup, first ten minutes pa lang umiiyak na agad ako.)

Maganda ang first half ng movie with the right balance of comedy and drama. Lakas ng tawa ko dun sa itinapon na wiwi tapos may kurot naman sa puso nung sinabi niya na ang gusto niya mangyari sa buhay niya na hindi pa niya nagagawa eh yung mamatay na siya. Tapos sobrang infectious ng bungi-bunging smile ni Ms. Angie sa eksena na ‘to grabe ang galing niya talaga. (At syempre kabogera as always ang aking favorite na si THE Ma. Isabel Lopez as an atribidang anak slash opportunist, este, entrepreneur pala.)

Medyo nabagalan na ako nung second half lalo na at medyo conventional na ang pinuntahan ng story nung kay Yves Flores. Napaisip pa ako kung intentional yung kabaong reference sa Magnifico kasi medyo similar din ang naging twist.

Si Meryll Soriano pumasok nung bandang dulo tapos may isang scene lang na sinusuklayan niya lola niya tapos ang husay ng bawat patak ng luha. At natawa ako kasi obviously maganda siyang buntis dahil babae ang naging anak niya (bilang nasabihan ni Lola Igna yung isa niyang kapitbahay na lalaki ang ipinagbubuntis nito kasi ang chaka niya haha!).

“Ang dami ko nang libing at burol na di na dapat pinuntahan. Ako ang laging iniiwan. Ako ang laging nagluluksa.” Ang sakit naman nito. Wait, mukhang may second thoughts ako dun sa Ensure ah.

Rating: ★★★☆☆

MOVIE REVIEW: PAUWI NA (Paolo Villaluna, 2016)

EBE90767-D497-4DC5-9769-A7F2725D1D2B

Tawa. Iyak. Tawa. Iyak. I never expected a pedicab family road trip film to bring out all of these emotions.

Where do I sign up to be a member of the Chai Fonacier Fans Club? In an ensemble of Philippine Cinema greats that delivered exceptional performances (Bembol Roco, Cherry Pie Picache, Meryll Soriano), she still stood out as my favorite character here whether she was spouting lines like “Love cannot pay the bills, only the AFAM can” or complaining about her stinky pepe.

Stretched quite a bit with a pretty conventional ending, but overall still worth the journey.

Rating: ★★★★☆

(Originally published August 16, 2017.)

 

MOVIE REVIEW: JOHN DENVER TRENDING (Arden Rod Condez, 2019)

729DEDDB-DE49-45C0-948D-A9EDA8011884

SPOILER ALERT!!

My notes on John Denver Trending:

1. Kumusta na kaya si Amalayer Girl? Nung 2012 pa pala nag-viral yung video niya ng paninigaw sa isang security guard sa LRT Santolan station. Alala ko noon na ang daming bwiset na bwiset sa kanya (kabilang na ako). Siguro kasi iniisip natin kadalasan na maarte kapag pa-English English ang isang Pinoy. O siguro kasi ang feeling natin sa kanya eh mababa ang tingin niya sa mga blue-collar workers. O kaya kasi mahilig lang tayo mang-down ng ibang tao to make us feel better about ourselves. Yung lagi tayong tama, mabuti at busilak ang kalooban at yung mga nasa viral videos na yan eh deserve ang bullying kasi masasama ang ugali.

Napakadali para sa atin mag-judge ng iba habang nakatago sa harap ng mga computer at phone screens. Attack agad lahat ng keyboard warriors (aka toxic kuyog culture) kahit di pa alam kung ano ang totoong story. Puro mura, puro pintas, minsan may death threats pa na kasama di lamang sa taong involved kundi pati sa pamilya nito. Nakakalungkot na ganito tayo ngayon sa panahon ng social media.

(And sobrang hypocritical lang na ang sunod na posts ng iba eh Bible quotes or suicide prevention hotlines. Puh-lease!)

2. Medyo similar ang nangyari kay Amalayer at sa bida dito na si John Denver (Jansen Magpusao). Pinagbintangan siya ng mga kaklase niya na nagnakaw ng iPad pero ang nahagip lang ng video eh nung binubugbog na niya ang kanyang classmate. In-upload ng isang mokong sa Facebook (“PASIKATIN NATIN ANG GAGONG TO… LIKE AND SHARE HANGGANG UMABOT KAY TATAY DIGONG!”) bago tuluyang mag-viral. Umikot ang buong pelikula sa epekto ng cyberbullying kay John Denver at kung paano nito sinira ang buhay niya at ng kanyang pamilya.

3. Malinis ang pagkakalahad ng story. Nagustuhan ko na kahit ang daming not-so-subtle hints na hindi siya ang nagnakaw (yung charger na lang ang naiwan sa classroom nung pumasok siya, yung bag niya na hinalughog, yung mga construction workers na padaan-daan sa mga eksena), bilang manonood mapapaisip ka pa rin hanggang dulo kung kinuha ba niya talaga ang lecheng iPad na yan.

Lumabas ang pagiging judgmental ko lalo na at hindi naman siya ulirang kabataan. Napaka-flawed ng character niya (ang lakas ng tawa ko nung inalaska niya ang isang classmate na hindi naman memorized ang Lord’s Prayer) kaya may second thoughts pa rin kung maaawa ka sa pinagdaraanan niya.

4. Inspired ang casting kay Jansen lalo na at hindi siya trained actor. Bumagay yung rawness ng performance niya dun sa innocence ng character. Ang lakas ng star quality niya sa big screen. May ilang eksena lamang na medyo pilit ang emosyon (para sa akin kinulang siya dun sa crucial scene na tinakpan niya ang mukha niya para humagulgol) pero bawing-bawi kapag natural lang ang batuhan niya ng mga linya with his mother (Meryll Soriano). Yung itsura nung mukha niya dun sa ilog pagkatapos dumugo ang ulo ng nanay niya, sobrang sakit sa loob panoorin. Ramdam yung guilt sa lahat ng nangyayari kaya di nakakagulat yung choice niya sa dulo.

5. Pero grabe halimaw din si Meryll sa actingan. Sa sobrang huge fan ako ni Maricel Soriano eh napaisip talaga ako dito kung mas magaling pa siya sa auntie niya. Nung andun sila sa principal’s office tapos sinabi niya yung line na parang “Eh bakit kayo naman, sir. Kung sabihin ko na may shabu ang brief n’yo, ibababa nyo ba?” gusto ko mag-standing ovation sa sinehan. At nung sinabi sa kanya na may record ng violations (including theft) ang anak niya na di niya alam, para akong si John Denver na gusto ko na lang matunaw sa kinauupuan ko. Ultimo pagpunas niya lang ng pawis sa mukha after pagsasampalin ang anak eh sobrang nuanced. Napakahusay!!

Ang minor quibble ko lang ay yung spotty accent niya. Although na-explain naman na hindi siya tubong Antique, ang obvious lang kasi nung disconnect ng pagsasalita niya sa kanyang anak. May isang beses pa na nahaluan niya ng “so” ang sinasabi niya kaya medyo na-distract ako sa eksena kasi out of character.

6. Wala lang yun sa dami ng scenes na tumagos talaga sa puso ko (meaning more ngawa ako diba) lalo na kapag naka-focus sa simple moments nilang mag-ina. Naiiyak pa rin ako kapag naiisip yung part na sinubuan niya ng flower icing ang nanay niya matapos siya tawaging “animal!” (ang ganda ng pasok ng haunting score dito huhu). Bulakbol siya pero sweet naman pala. A few seconds lang pero ang daming sinabi tungkol sa kanila at sa kanilang relationship.

Pati yung tahimik silang naglalakad sa may dalampasigan tapos bakas sa mukha ni nanay yung frustration, embarrassment, at disappointment pero mahal na mahal pa rin nya ang anak niya kaya nasasaktan siya para dito. Durog na durog ako dun.

7. Maganda yung paggamit ng symbolisms dito. Yung mantsa sa uniform niya na kahit anong kuskos niya ay hindi matanggal. Parang Scarlet Letter lang na naka-tattoo sa noo niya na nagsusumigaw na “MAGNANAKAW!”. Yung kahit anong explain at defend niya sa sarili eh wala naman naniniwala at tuluyan nang nabahiran ang reputasyon at buong pagkatao niya. Tapos nung flag ceremony siya lang talaga ang namumukod-tangi na hindi gumamit ng Tide kaya nag-stand out ang naninilaw niya na suot.

Maganda rin yung juxtaposition na ginamit sa power of chismis lalo na dun sa kapitbahay sa sinasabing aswang. Minsan mas malala pa sa bala ng baril ang mga salitang lumalabas sa isip at bunganga ng mga tao.

8. Nakakangalit yung entire investigation process ng mga pulis. Naalala ko tuloy yung isang eksena sa Pamilya Ordinaryo na tungkol din sa police brutality. Grabe yung feeling ng helplessness kapag talaga person in authority ang nang-ha-harass sa isang tao. Nakakatakot kapag naka-uniporme ang demonyo.

9. Sa dami ng eksenang naglalakad siya, ang ganda nung biglang tumakbo si John Denver off-path. Malaman. Kaya siguro sobrang polarizing din ng ending nito. For me, justified naman siya sa context ng theme. Hindi siya nagmukhang cop-out. Mas nag-resonate pa nga ang perils ng social media dahil sa powerful scene na yun. Kapag ramdam mo na sobrang squirmish ang mga katabi mo sa sinehan dahil sa pinapanood nila, alam mo na malakas ang effect nito. Hindi nila makakalimutan ang nakita. Para na rin niyang sinabi na in essence, lahat tayo ay guilty sa pagpatay kay John Denver.

10. Yung isa sa pinaka-paborito kong eksena sa Philippine Cinema 2019 ay nung tahimik na kumakain ang pamilya nila ng Cloud 9 sa pilapil. Malayo sa gulo ng mundo, hiwalay sa ingay ng social media. Sa panahong ito ng Digital Age, hindi kaya yan ang pinakamainam para sa ating lahat?

Rating: ★★★★★

MOVIE REVIEW: HONOR THY FATHER (Erik Matti, 2015)

10012462_10153790301193544_3268978838656925705_n

My notes on Honor Thy Father:

1. Two of the best films I’ve seen this year started with a scene involving a stray dog and both ended with a tragedy. These canine metaphors (dog-eat-dog world? Oppression? Survival? Resiliency?) completely served their purpose and were the perfect jumping-off points for these gritty and brutal portraits of evil within our society.

2. I’m not a fan of networking and this made me think thrice on risking any investments involving fast money. For my friends that did get rich through this scheme though, it’s never too late to send me a Christmas basket.

3. I liked how the little girl cast as John Lloyd Cruz’s daughter looked so much like him (eyebags and all). Proper casting doesn’t really seem to be top priority in the local industry where movies and stories are created for and to suit actors so I’m happy to see her in this role. I just wish she did much better in some of the heavy scenes.

4. In a film where every scene was excellently shot, my favorite was the savage skewering of religious fanaticism in the House of Yeshua sequence. Tirso Cruz III was just amazing, fully inhabiting the role of a pastor preaching to his choir. His magnetic presence was so strong that I actually understood why his flock was drawn to his charisma. For almost converting me into his religion, give this man his due please (MMFF jury, this is your warning, er, reminder).

5. That brilliantly-staged looting scene was organized chaos. It crushed my heart knowing that good people could really do these terrible acts out of sheer desperation.

6. Picture-perfect moments. Every single frame was just amazing. Recalling that cemetery scene still gives me goosebumps. Bravo, just bravo!

7. John Lloyd Cruz is the best working actor in Philippine Cinema now (any violent reactions?) I couldn’t select just one scene where he conveyed a multitude of emotions just with his eyes. It’s no blasphemy that he be compared to the great Nora Aunor. Yes, he has reached that level of acting.

8. The head-shaving scene was played for drama in the trailer but it was not milked for tears in the actual film. That kind of restraint made me love this film even more. It could have been an easy play on the heartstrings but it still stung without even trying. And John Lloyd’s entire aria about the evils of man and how one should learn to fight back gave me chills.

9. People will be surprised with Meryll Soriano’s performance here but she has always been consistently excellent in previous indie movies (Donor, Rotonda, Room Boy). I have some of these on DVD if you want to see more of her greatness.

10. That final scene with the haunting song playing in the background is the reason why we should never give up on Philippine Cinema. Our local filmmakers can produce world-class quality films. All they need is your support. Run to the nearest theater and watch this now. NOW!

Rating: ★★★★★