MOVIE REVIEW: MIRACLE IN CELL NO. 7 (Nuel Naval, 2019)

2737E7F8-A158-4730-A62D-7B800CE4A4CA

Umiyak ako ng isang baldeng luha dun sa Korean original kahit na problematic ang story, sobrang unbelievable, at emotionally manipulative. Wala masyadong binago dito sa Pinoy version kaya mga dalawang basong luha pa rin ang iniyak ko.

Dahil hindi talaga iniba ang kwento, lumabas na napakalinis at medyo cozy ng bilibid. Yung di mo iisipin na may annual pigsa festival ang mga preso natin. Baka hindi pinayagan ang changes kahit Pinoy na ang setting, similar dun sa recent Miss Granny remake.

Yung biggest concern ko dito ay inconsistent ang portrayal ni Aga Muhlach ng isang special character. Parang hindi isip bata minsan yung delivery ng lines niya kaya medyo bumibitaw ako lalo na kapag dramatic na ang eksena. Bumawi naman siya nung dulo at lumabas ang galing ni Miguelito.

Para sa akin, yung supporting cast ang nagdala talaga ng movie. Inisip ko nga na baka mas maganda kung si John Arcilla ang bida. Muntik ako maglupasay sa sinehan nung phone call scene ni Jojit Lorenzo. Tapos daming iyak-tawa moments din with Joel Torre, Mon Confiado, at Soliman Cruz. Ang huhusay!

Pero ang standout sa grupo ay si JC Santos. Kahit ang off pakinggan nung mga bakla jokes sa kanya, madadala ka sa kanyang acting kahit na nagsasayaw lang siya bilang Sailor Moon.

If you liked the original, magugustuhan niyo din ito. If nairita lang kayo dun, wag umasa na magbabago ang opinion nyo dito. Kung di nyo pa napanood ang Korean version, available siya sa mga suking tindahan.

Rating: ★★★☆☆