MOVIE REVIEW: NOW THAT I HAVE YOU (Laurenti Dyogi, 2004)

7A2AF82B-09A7-4234-AD52-C327C19668A3

SPOILER ALERT!!

Ito yung John Lloyd Cruz-Bea Alonzo MRT romance. Serendipitous sana ang love story kung hindi stalker si Betsy. Nakakasabay lang niya every day si Michael eh nawala na sa sarili at feeling soulmate na. May fantasy sequence pa si loka na ginaya ang Titanic, except that sa Super Ferry ata sila nakasakay. At sinundan pa niya talaga ito sa place of work ha. Sana hindi siya na-late at magagalit ang kanyang TL. (Pansin ko lang bakit parang sa same ELJ building/site sila nagtatrabaho? Wala pa masyado budget nun ang Star Cinema?)

Malakas na talaga ang chemistry ng dalawa ever since. Gusto ko rin na wala sila pabebe phase kahit relatively bago pa ang love team. Laplap kung laplap parang totoong mag-jowa. Relatable naman yung pettiness ng pinag-aawayan nila pero medyo nakakairita. Super clingy ni Betchay tapos cheater naman si Michael. Bakit ako mag-root for their toxic relationship?

Si early Nikki Valdez talaga ang isa sa aking spirit animals. Siya yung laging voice of reason na nagde-deliver ng words of wisdom tulad ng “Walang napapala ang pagiging demure!”. Welcome comic relief din kapag nasusuya na ako sa kaartehan ni Betchay na nung nagka-jowa bigla na lang “Ang ganda talaga ng life, no?”.

Best scene yung sa dulo nung natisod si Michael sa MRT station habang tumatakbo kay Betchay. Tumilapon yung bouquet ng roses na dala niya tapos umulan ng isang garden’s worth of petals sa paligid nila. Kabog ang American Beauty. Napaisip nga ako san galing lahat ng yun. Baka yung iba eh from his baduy na floral polo. Florals in Magallanes Station? Groundbreaking!!

Rating: ★★☆☆☆

MOVIE REVIEW: 3POL TROBOL: HULI KA BALBON! (Rodel Nacianceno, 2019)

64627A77-2CC4-425C-B132-09D6145CA62C

Sorry, mahal kita Coco Martin, but you will never be Fernando Poe, Jr. Huwag mo sayangin ang husay mo sa pag-arte sa ganitong mga regressive at problematic na pelikula na dapat namatay na noong ‘90s.

Napaka-helpless ng character ni Jennylyn Mercado dito. Nung nagsusuntukan sina Coco at Sam Milby, wala siyang ginawa kundi sumigaw sa gilid ng batis ng “Tama na, tumigil ka na! Pol, mag-ingat ka Pol!” Ganito yung tipo ng mga babae na nagrereklamo sa social media na di sila pinapaupo ng mga lalaki sa MRT. Jusko itatakwil ka ng Gabriela ghorl!

Wasted opportunity na hindi kinuha si Maxine Medina pantapat sa tucked Paloma character ni Coco. Pero at least nalaman ko na fan siya ng White Chicks sa dami ng ginaya dito.

Lakas ng tawa ko nung yung isa sa mga goons hinawakan sa baba si Rowell Santiago para i-check kung buhay pa siya after ng ambush.

Lastly, natuwa ako kasi nagpunta sila sa probinsya namin na Balete, Batangas pero bakit walang punto yung mga nakatira dun. Ah ah naman paano baga nangyari iyun? Nakakaadwa naman aring si Coco baka masampiga ko ay lungangi iyan.

Rating: ★☆☆☆☆