WATCH ME KILL (Tyrone Acierto, 2019)

CC0079D5-6428-4C6D-933E-E4F62518A034

SPOILER ALERT!!

Sabi nga ni Tyler Durden, “The first rule of Fight Club is: You do not talk about Fight Club. The second rule of Fight Club is: You do not talk about Fight Club” so wala na ako ibang sasabihin. Chz.

Nakakatakot ang stone-cold killer character dito ni Jean Garcia. Galit na galit siya sa mundo kaya lahat ng tumatakbo papalayo sa kanya eh agad na pinapaputukan (kaya siguro wala rin siya jowa, no?). Mas walang puso pa siya kay Madam Claudia Buenavista na nagsusunog ng mga alipin. Pati walang kamuwang-muwang na Bounty Fresh chicken hindi pinatawad sa panggigigil niya. Siya lang ang kilala ko na mainit pa rin ang ulo kahit kumakain na ng isang bandehadong kanin. Di ko na pinag-isipan masyado at baka pati ako ay mabaril kapag nagtanong. (Kung ako sa inyo, hindi ko siya isasali sa Fortnite at siguradong ubos kayo.)

Ganito ang mga pelikulang very style over substance. Yung ramdam mo na ambitious dahil sa nagmumurang cinematography (stunning yung final scene kahit parang hawig siya dun sa isa pang pelikula ni Junyka Santarin na Musmos dot dot dot ang haba ng title). Natutulala na lang ako sa ganda ng wide shots, although kapag sinasabayan ng Western musical score eh napapaisip ako na papasok any time si Clint Eastwood (o kaya si Marlboro Man na nakasakay sa kabayo habang nagsasabi ng “Come to where the flavor is. Come to Marlboro Country!”).

Tapos may scene na nag-uusap ang dalawang tao na parehong nakatalikod sa camera habang nakatayo side-by-side pero sa opposite ends ng frame with the bulubundukin sa background para ahrt. To be fair, justifiable naman yung win ni Tyrone Acierto. May mga interesting directorial choices siya dito that worked. Kelangan niya lang talaga ng magandang story na ikukwento (preferably without a lame twist) para less bagot.

For now, Watch Me Kill… your time. Chz.

Rating: ★★☆☆☆

CHILDREN OF THE RIVER (Maricel Cabrera-Cariaga, 2019)

0E391EE4-4C56-4B07-A6C0-CB89CA0627E2

SPOILER ALERT!!

Feeling ko sobrang paborito ng writer/director nito ang Call Me By Your Name kaya gumawa siya ng sariling coming-of-age movie tapos siyempre pangalan ng bida eh Elias. Pero baka di pa obvious kaya pinalitan ang nickname niya na… wait for it, Elia!! (Sana intentional ang double meaning niya na slang for libog, no?) At syempre may bisikleta scene anuba.

Sayang kasi maayos naman ang kuwento ng pagkakaibigan pero it needed a much better storyteller (okay diretsahan na, ang chaka ng direction). May instances na di ko alam kung nakainom na ng dalawang bote ng Red Horse ang cameraman. Tapos marami pang eksena na mas malinaw ang background na bougainvilla kesa sa character na nagsasalita. At ano itong excessive fascination sa fog machine? Hala siya.

Sayang kasi magaling ang mga bata. Bagay na bagay kay Noel Comia, Jr. (na minahal ko bilang si Kiko Boksingero) ang nagdadalagang si Elia. May cute moments sila ni Juancho Trivino na parang sa Maximo Oliveros lang. Ang authentic pa na meron siyang pimples sa noo tapos nag-crack usually ang boses niya.

Pati si Junyka Santarin (na magaling sa Musmos na Sumibol sa Gubat ng Digma) napaka-natural din umarte bilang resident fag hag and supportive bff. Ang ganda ng chemistry nila lalo na kapag nagkukulitan.

Eh kaso naging sobrang political sa dulo. Lumabas ang real meaning ng TV Patrol acting dun sa breakdown scene ng mga na-biyuda. Tapos yung eulogy ni Jay Manalo biglang naging SONA with matching palakpakan sa dulo. Nakakaiyak ata dapat ang eksena pero natawa na lang ako nung bigla niya sinabi ang bulutong-tubig.

Call meh by your name nga.

Rating: ★★☆☆☆