MOVIE REVIEW: THE ANNULMENT (Mac Alejandre, 2019)

B0293F5B-AFA3-4BEB-8672-C284FD5D24E4

Hiyang-hiya si Britney Spears sa pagka-toxic ng mag-asawang ‘to.

Grabe for a drama sobrang dami ng tawa ko lalo na nung nagbuhusan sila ng isang jug ng water before mag-kitchen sex tapos slo-mo focus sa basang-basang (wink, wink) chest ni Joem Bascon hahaha! Tapos nung sex scene inutusan niya si Lovi Poe na “Kagatin mo!” habang pababa si ate mo sa nipples at pototoy niya hahaha!

Lovi to Myrtle Sarrosa (who should probably stick to cosplaying): “Sino ka? Anong tawag nila sa’yo maliban sa kabit?” (Hello gurl di mo ba kilala si Ate Marya? Eh di kerida, mistress, number 2 are you facking my husband anuba!!)

Meron pa parang marital rape na biglang naging angry sex na puro hampasan (sa braso??) na napaisip ako kung malamok lang sa kwarto nila.

Best yung totoong sinabon ni Lovi ang likod ni Joem sa shower sex scene. Very realistic. At syempre hagalpak ako nung sumbatan na ng infidelity at tinanong ni ate kung “Sinasabon mo rin ba ang likod niya?”. Hahahahaha!!

But wait, hindi pa ako umaabot dun sa OA court scene na straight out of Ipaglaban Mo. Mas naiyak ako at na-bother na pinayagan ng judge yung ganung shade ng purple lipstick sa lawyer ni Lovi. I object!!

Sigurado ba talaga na hindi ito directed by Joel Lamangan?

Rating: ★☆☆☆☆

MOVIE REVIEW: ANG HENERASYONG SUMUKO SA LOVE (Jason Paul Laxamana, 2019)

2D798E3E-9213-4983-B1C2-4CFE7148365E

SPOILER ALERT!!

Super concerned ako sa tropang ito kasi di pinag-usapan ang transpo nung nag-anniversary reunion sila sa kanilang out-of-town meeting place. Seryoso, hiwa-hiwalay ang pagdating? Close ba talaga sila?

Tapos yung movie was really less about their friendship and more on their individual lives. Yung parang US network show na mag-reminisce yung isang character tapos biglang flashback sa story niya. Meron sila kanya-kanyang segments that depicted their mostly petty problems (least of all yung love, kaya di ko rin nakuha ang title).

Si Ma-an (Jane Oineza) naunahan na ni Ellenya L. Desperate siya for online validation pero ang chaka ng content ng vlogs. Kelangan pa niya mag-drawing ng line graph before ma-realize na mas mataas na ang subscriber count niya kesa sa jowa ng ex niya (whut?).

Si Denzel (Jerome Ponce) naman ay bakla kasi siya yung loud, bitchesa, at tumitili kapag may pumuputok na lobo. Maayos pa naman umarte si Jerome in his previous films pero itinodo niya ang pagiging screaming queen dito. Yung every pilantik ng kamay eh di mo makakalimutan ang gender niya. Tapos nagmahal siya ng isang guy na ayaw siya i-kiss until official na sila pero gusto ng open relationship (huh? Mga vaklang twoooh!). Nasayang tuloy ang budget Magic Mike moves niya.

(Side note: Anim na seniors ang nag-walk out sa segment na ‘to kasi puro Grindr hook-ups. So plus one star agad kasi nabawasan ang ngumunguya ng chicharon sa sinehan.)

Ang mag-jowa na Hadj (Albie Casiño) at Junamae (Myrtle Sarrosa) mag-MU kaya sila pero hindi talaga sila (wait, anong term sa ganito ng current generation, pang-thunders na kasi ang MU). Nakakatawa si Hadj kasi siya yung infatuated sa Hollywood rom-coms kaya puro couples lang ang nakikita niya kahit saan tumingin. Pero feeling ko mahilig din siya sa Pinoy melodrama bilang nag-ala Gabby Concepcion acting via Dapat Ka Bang Mahalin siya nung lalayasan na ni Junamae (yan talaga pangalan niya baka tatay niya si Jun at nanay si Inamae jk).

Yung story ni Kurt (Tony Labrusca) ang pinaka-nagustuhan ko kasi nag-resonate sa akin yung situation niya na burnout sa work kaya affected ang physical and mental state niya. Nakakadala ang scene na umiiyak na lang siya habang tuloy-tuloy ang pagtanggap niya ng trabaho kasi kelangan (and also kasi nga di na sya nakakapag-isip ng maayos). Nung nag-describe siya na blank ang feeling kahit ano pa ang ma-achieve niya, ramdam ko yun sobra.

Sayang talaga kasi kulang sa bonding ang mga characters na ‘to. Di ko man lang alam paano sila naging magkakasundo given their different attitudes and personalities. Dinaan na lang sa isang montage sa dulo before hugging it out over a sensitive matter. I guess hanggang ganun na lang talaga siya. Wag na daw tayo magreklamo as long as naghuhubad lagi si Tony dito.

Rating: ★★☆☆☆

MOVIE REVIEW: HAUNTED FOREST (Ian Loreños, 2017)

94B94CC4-E810-47A4-A63D-9C072DA90633

SPOILER ALERT!!

My notes on Haunted Forest:

1. This movie is shaping up to be one of the worst movies of 2017 so I will just provide a blow-by-blow so that you can all save your money. Obviously, spoilers ahead.

2. So the first twenty minutes consisted of a gagamba running after a taong grasa played by Jerald Napoles. As the resident baliw, he was blamed for the death of a woman hanging from a tree even if obvious naman na hindi niya kaya magpulupot ng thick branches ng puno (can anyone?).

3. Raymart Santiago and his bitchy daughter Jane Oineza went to the province for vacation (or prolly to do some soul-searching) after the death of his cancer-stricken wife. They stayed at the house of Maris Racal and Beverly Salviejo (and it’s a mystery how she’s related to them).

4. All the women in town are fond of wearing white kamison while strolling the haunted forest at night. Yes, this is a Mother Lily-produced movie.

5.

Maris: Di naman ako mahilig sa social media kaya ok lang kahit walang signal sa bahay.

Maris after looking at Jane’s iPhone: Uy, add mo naman ako diyan!!

6. Joey Marquez plays a cop with a habit of hitting suspects at will. I’d like to say that his character’s trapped in a Pinoy 90s sitcom, but he very much seems to fit right in the current police force.

7. Ok, mukhang gorilla yung killer.

8. Sample conflict…

Maris: Naku, naiwan ang bawang! Paano ako maggigisa nito?

9. Sumakay si Jane sa dimples ni Jameson Blake para balikan ang naiwang bawang. Kaso naabutan sila ng malakas na ulan. Walang silong kaya basang-basa sila. Sabay labas si Jameson ng panyo.

Jameson: Eto, punasan na lang kita.

Seryoso??!

10. Kanina umihi sina Joey at Raymart sa gilid ng kalsada. Ngayon naman umiihi si Jane sa damuhan. Eh kaya kayo minumulto kasi di kayo marunong magpasintabi sa mga nuno. Mga bastos!

11. One sequence looked like the director was just having fun with a Snapchat filter. Hihihi!

12. Hirap ng role ni Jane. Her character fainted for the fourth time already. On the other hand, it’s the third time I’m trying not to fall asleep.

13. I probably would have been more scared of Myrtle Sarrosa’s dead character if she didn’t look like she was wearing the wrong shade of foundation and just forgot to brush her hair.

14. So the sitsit was supposed to eat Jane, but changed his mind when he saw Raymart. May sensual wagging of the tongue involved pa. Should we consider this as a step forward for equal representation of the LGBTQ community in local cinema?

15. So ayun na nga dinukot na ng sitsit ang gusto niyang dukutin kay Raymart. Tegi.

16. Everyone knew the tree where the sitsit lived but the townspeople decided to do a prayover around it instead. Nobody bothered to burn or cut it down. Until today.

17.

Jane to sitsit: Hoy! Magpakita kita!

After magpakita…

Everyone: Takbooooooo!!

Tengene.

18. Ayan happy ending na for Jane. Masaya siya kasi kahit napatay ng sitsit ang tatay niya nagka-lovelife naman siya sa probinsiya. Hindi na nga naman masama.

The end. Leche.

19. Ay buti di ako agad umalis. May mid-credits sequence. Buhay pa ang sitsit at lumipat sa katawan ng bangkero. Ready for a sequel kaso mukhang flop. Paano na?

Rating: ★☆☆☆☆

(Originally published January 3, 2018.)