TV REVIEW: SARAH GERONIMO: THIS 15 ME (Paul Alexei Basinillo, 2018)

D43BCFF4-280B-4476-971B-FB0E37DA1752

Popstar Royalty Queen Sarah Geronimo is Popstar Royalty Queen Sarah Geronimo.

Sayang lang kasi hindi fully na-capture ng special ang collective energy ng sold-out crowd sa Araneta (considering na highest grossing local concert siya of all time).

May time pa na mas malakas ang sigawan for James Reid. Wait, ano na pala nangyari sa prods with Daniel Padilla and Xian Lim?

Impressive ng dancing niya sa Tala number kahit mas marami pa kanta ng mga back-up singers nya. Tapos sunod-sunod yung foreign covers eh ang daming magagandang OPM songs from her last four iconic albums.

15th anniversary and di isinama ang career-defining na To Love You More? Uhm.

Nagustuhan ko yung mga behind the scenes na lumabas ang genuine personality niya. Mas open na siya at spontaneous. Ang laking difference from her Expressions days. We needed more of that here.

The best part pa rin yung Leaving on a Jet Plane na nakasuot lang siya ng plain white tee and ripped jeans. Parang nagpapaalam na siya sa glamourous showbiz life kasi lalagay na siya sa tahimik (pero parang lang pala). Sigurado ako bumaha ng Popster tears sa Araneta that night.

Rating: ★★★☆☆

INDAK (Paul Alexei Basinillo, 2019)

9559AB99-2A0E-4A17-B389-D6389AF6D3DE

SPOILER ALERT!!

Mas effective siya as individual music videos. Maganda ang mga kanta at sayaw pero dinaan na lang halos sa voiceovers ang kwento.

Mas magaling na actress kesa dancer si Nadine Lustre, no? Parang dapat ata binabad muna siya sa Downy overnight bago niya ginawa ‘to.

Plus one star dahil ang ganda ng direction at choreography ng Ikot-Ikot sequence.

Rating: ★★☆☆☆