MOVIE REVIEW: HINDI TAYO PWEDE (Joel Lamangan, 2020)

64053F15-1ABA-4670-B3DC-825C8F283457

SPOILER ALERT!!

My notes on Hindi Tayo Pwede:

1. Minsan napapaisip na lang ako kung seryoso ang Viva Films kapag sinasabi nito sa start ng mga pelikula niya na “Proudly Presents”. Kasi nung natapos ko panoorin ang kababalaghan na ‘to, considering na attached ang mga pangalan ng Philippine Cinema luminaries like Direk Joel Lamangan and Sir Ricky Lee sa project, nagtaka talaga ako kung saang part sila proud.

Napakalayo nito from being a future classic tulad ng City After Dark at Maynila Sa Mga Kuko ng Liwanag na nakapaskil ang posters sa kwarto ni Gabby (Lovi Poe). Apparently as a frustrated director slash writer, may taste siya sa local films kaya rin kasama ang mga larawan ng The Flor Contemplacion Story at Himala. Gusto ko yung lantarang pagbubuhat ng Lamangan/Lee tandem ng sariling bangko (check n’yo na lang ang credits ng dalawang pelikula sa IMDB).

2. First scene pa lang ni Lovi lumabas na agad siya na naka-(Bench Body?) underwear kasi alam ng filmmakers kung ano ang totoong selling point ng gawa nila (eh diba nga naka-topless yung tatlong bida sa movie poster with a promised threesome?). Hindi naman nagpatalo sina Tony Labrusca (as the boyfriend Gabriel, yes Gabby din oha destiny!) at Marco Gumabao (as the lovesick ”Besh” Dennis, as in Roldan). Paiksian ng swimming shorts at palakihan ng bukol ang labanan every time merong requisite pool scene (syempre!) at beach scene (syempre!).

Ang lakas ng tawa ko nung ni-top ni Lovi si Tony dun sa sex scene nila set to their theme song Never Ever Say Goodbye by Nonoy Zuñiga. Why that song choice ba? Hindi naman sila couple in their 60’s. At diba popular funeral song na ‘to?

3. Sabagay apt din pala ang kanta kasi patay na si Gabriel dito. Yup, hindi lang nasobrahan ng Mena cream si Tony sa poster.

(Side note: Grabe makasira ng mood ang direction dito. Pano yung sex scene na sinabi ko biglang naputol bago pa umabot sa chorus kaya ako na lang ang kumanta kahit ibang eksena na.)

4. Bago ang story kung hindi mo napanood ang early 90’s film na Ghost with Demi Moore and the late Patrick Swayze. Garapalan ang reference kaya meron din Oda Mae Brown dito in the form of a manghuhula named Madam Concha (played by the Vangie Labalan). Kabog si Ateng Whoopi Goldberg!!

Ang difference lang talaga ay directly nahahawakan at nakakausap ni Gabby si Gabriel na hindi na kelangan pa sumanib kay Madam Concha. I guess wise decision na rin siya kasi ayaw ko naman ata ng love scene between Lovi and Ms. Vangieeeeee.

5. Feeling ko naubusan ng budget for the visual effects (o nakalimutan na tuluyan ng director ang premise) kasi obviously gumagalaw naman ang mga bagay na nadidikitan ni Gabriel (like yung upuan at door tassels pag-walk out niya sa cubicle ni Madam Concha). Nasayang lang yung pag-emote nung isang extra na “Ooh ang lamig naman dito malakas ba ang aircon?”.

6. Favorite line ko yung kay Phoemela Barranda as an ad agency executive: “Bakit ang cheesy ng presentation mo? Cheese ba ang produkto?” (Gahd! Nasaan ang creativity boss? Bakit hindi na lang pizza or mac and cheese or sana ginawa mo man lang cheese platter diba?)

Second favorite ko yung exchange na ito…

Gabby to Dennis’ new jowa: “Nasungkit mo ang best friend ko!”

Dennis (feeling hurt): “Ginawa mo naman akong santol.”

(Yes Marco, we objectify you as a santol. At bakit ba laging nagmamakaawa ang characters niya na mahalin siya eh sure naman ako ang daming nakapila diyan?)

7. Bakit yung laging palabas sa sinehan nila eh mga lumang movies like Ate Shawie’s Ikaw? Naguluhan tuloy ako kung set ba sa 90’s ang pelikula. Kaya ba naka-tangga cut na bikini si Lovi nung umahon sa beach? Kaso modern naman ang surroundings like yung sa Citadines? Or may time jumps ba ako na na-miss kakatawa sa upuan ko?

And speaking of cinema, sana walang gumaya kay Gabriel who lacked basic theater etiquette at nag-propose talaga sa gitna ng isang screening. Kapag merong gumawa ng stunt na ito habang nanunuod ako ng A Quiet Place 2, sinasabi ko talaga merong bride na ikakasal with a missing ring finger.

8. “Dun lang namin na-realize na nakikita at nahahawakan ko lang si Gabriel dahil sa pagmamahal ko sa kanya. At ngayon na unti-unti nawawala ang pagmamahal na yun, unti-unti na din sya nawawala.”

Buti may explanation sa dulo kasi akala ko talaga nasobrahan lang ng Tide yung white shirt ni Gabriel.

9. Ipinakita sa ending na buntis si Gabby habang nakatayo sa puntod ni Gabriel. Kay Dennis ba yun or ghost baby nila ni Gabriel? I need answers pero ayoko na magbayad for a sequel huhu!

10. According to Sir Ricky (na uulitin ko, siya ang sumulat nito kaloka!), kalahati daw ng populasyon sa Pilipinas ay hindi pa nakaka-move on. Jusko kaya pala naghihirap ang bansa natin kasi puro lovelife ang inaatupag. Kaya din siguro hindi nauubos ang hugot films tulad nito.

Sabi nga ni Gabriel, “This is exactly why I hate Tagalog movies. Ang babaduy!”. Uhm… Let’s just say na nung nagtulak ng basurahan ang maintenance pagkatapos ng screening, akala ko kokolektahin din niya ang pelikulang ‘to.

P.S. Sorry walang threesome. Masakit talaga na pinagtagpo sina Tony at Marco pero di tinadhana.

Rating: ★☆☆☆☆

MOVIE REVIEW: WRITE ABOUT LOVE (Crisanto Aquino, 2019)

6FF4AC3D-0C94-475B-93A4-3719E403A552

Probably the biggest surprise of this year’s festival. As in wala akong gana panoorin siya after ko makita ang trailer lalo pa at parang typical hugot romcom. Tapos mukhang Kuya and Bunso levels sina Rocco Nacino at Miles Ocampo (which the film smartly acknowledged). I was so happy to be proven wrong.

Ang lakas ng chemistry nung dalawa. Yung ayoko talaga ng sisig pero mukhang mapapakain ako sa sobrang kilig. Tapos magaling talaga sila pareho umarte. May kanya-kanyang dramatic highlights. Ganda ng pagkagamit sa trope na nasa parehong eksena sila ng mga creations nila.

Nagustuhan ko yung discussions tungkol sa thought processes nila as writers. Ang apt nung reference sa Trip to Quiapo ni Ricky Lee. Alam ko na may taste rin si Ms. Rom-Com kasi ilan sa mga paborito niya ay Got 2 Believe, One More Chance, at That Thing Called Tadhana.

May hawig siya sa Last Fool Show na pinalabas early this year with its stab at formulaic local romance flicks. Natawa ako sa Villegas-Jadaone reference, sa pelikulang “I’m Drunk, I Hate You” at sa pagsingit ng memorable hugot na “Mahal mo ba talaga ako o minahal mo lang ako?”.

Mahusay din dito sina Joem Bascon at kahit si Romnick Sarmenta in a small role. Ang only weak link ay si Yeng Constantino. Di na nga sya mukhang leading lady in a Star Cinema-ish movie tapos di pa marunong umiyak. Parang pinili lang siya kasi singer sa banda yung character nya so kelangan magaling kumanta. Sayang.

My favorite quotes:

• “Ganun naman ang love eh, minsan bullshit.” (Tapos napasubo na lang si Miles ng lettuce wrap haha!)

• “People who love are capable of hurting.” (Tagos!)

• “Nasa pag-revise kasi lumalabas ang ganda ng isinusulat.” (HAHAHAHAHA! Bato-bato sa langit, ang tamaan ay pangit.)

Rating: ★★★★☆

MOVIE REVIEW: HIMALA (Ishmael Bernal, 1982)

C8F73430-14A0-40A6-BCA5-9EDC9B9E8BE0

Ishmael Bernal. Ricky Lee. Nora Aunor.

If I claim that they’re the Holy Trinity of Philippine Cinema, am I speaking the truth or just acting like a blasphemous false prophet?

(Fun fact: Ate Guy almost won the Berlin Film Festival Best Actress prize. She lost by one point.)

P.S. Sino ba talaga ang bumaril kay Elsa?

Rating: ★★★★★