MOVIE REVIEW: US AGAIN (Joy Aquino, 2020)

444A6409-B4C7-4460-B067-895C85D938C0

SPOILER ALERT!!

Ngayon ko lang na-realize na marami palang tao ang may galit sa akin. Hindi ko alam bakit tuwang-tuwa sila na i-recommend ito kahit obvious naman na napakaikli na ng buhay natin dahil sa COVID.

Anyway, so eto na nga nagsayang ako ng Sunday morning para manuod ng isa na namang ghost story. Yes, yun ang plot twist ng movie kaya huwag n’yo na panoorin (I saved more than an hour of your life and a possible visit to the optometrist dahil sa weird choice to use shaky cam dito; you can thank me later). Bakit ba nauso itong multo-multuhan genre sa atin? Hindi pa nga bumababa yung tumaas na suka (as in vomit, not Datu Puti) sa lalamunan ko pagkatapos ng Hindi Tayo Pwede at Love the Way U Lie eh meron na naman bago.

Sayang kasi magaling pa naman umarte sina RK Bagatsing (Mike) at Jane Oineza (Marge). Feeling ko mag-root ako sa love team nila in a far different movie. Pero dito, simula pa lang na lumabas sila na naka-floral couple shirt eh gusto ko na sila agad maghiwalay. Ang toxic ng relationship nila! Hindi ko nga natiis ang awayan ng favorite local couple ko na sina Popoy at Basha sa A Second Chance eh sila pa kaya na naging mag-jowa after ahasin ni Marge si Mike sa long-term gf nito (na bff ni Marge btw). Sorry girl, karma ang tawag diyan.

Nakakalungkot talaga ang state ng healthcare dito sa atin as seen through films. Kung sa Edward ipinakita ang realidad ng kakulangan ng basic facilities for the sick, dito naman ipinakita ang incompetence ng medical industry. Nakaka-bwiset yung isang med tech na puro landi ang inaatupag sa trabaho kaya napagpalit yung urine samples. Tapos yung supervisor ni Marge sabi na the facility can get sued because of what happened pero siya pa rin ang pinag-ayos ng gulo. Wala kayong legal department??

Side note: Ang pinaka-nakakainis na character dito ay yung nanay na nagpa-BP at nung nasaktan eh saka nagreklamo at sinabing kukunin lang naman niya ang x-ray result ng anak niya. Pakibigyan nga si nanay ng reseta for Ensure Gold at isang kilong mani (as in peanuts, hindi yung… alam n’yo na yun).

Anyway ulit, so may pa-plot twist nga sa dulo na kaluluwa ni Mike (na comatose) yung nagpapakita kay Marge. Kahit sobrang obvious naman agad simula nung lumabas siya suot ang white polo na laba sa Tide (huy P&G, ilang beses ko na kayo na-promote ha, send nudes). At di ba nagtataka si Marge na lahat ng tao ang weird ng reaction kapag may kinakausap siya (lalo na yung waiter na nag-take ng order niya for two; although to be fair ganun din naman ang itsura nung judgmental na cashier sa KFC whenever I give my usual order)?

Pero siguro ito talaga ang isa sa mga ultimate nightmares, no? Imagine bwiset na bwiset ka na sa ex mo at gusto mo na maka-move on tapos mumultuhin ka pa ng gago. Sabi ko nga sa’yo Marge na Carmi Martin is just around the corner.

Rating: ★☆☆☆☆

FILM FESTIVAL REVIEW: PISTA NG PELIKULANG PILIPINO 2019 SCORECARD

01DDAC1E-8466-4453-A921-2F5417DBB917

Best Feature Length Film

1. CIRCA (Adolf Alix, Jr.) – ★★★★☆
2. OPEN (Andoy Ranay) – ★★★★☆
3. LSS (Jade Castro) – ★★★★☆

4. LOLA IGNA (Eduardo Roy, Jr.) – ★★★☆☆

5. THE PANTI SISTERS (Jun Lana) – ★★☆☆☆
6. CUDDLE WEATHER (Rod Marmol) – ★★☆☆☆
7. WATCH ME KILL (Tyrone Acierto) – ★★☆☆☆
8. G! (Dondon Santos) – ★★☆☆☆
9. I’m Ellenya L. (Boy 2 Quizon) – ★☆☆☆☆

Not seen:
Pagbalik
Verdict

Best Performance by an Actor in a Leading Role

1. CHRISTIAN BABLES (The Panti Sisters)
2. JC SANTOS (Open)
3. PAOLO BALLESTEROS (The Panti Sisters)
4. KHALIL RAMOS (LSS)
5. MARTIN DEL ROSARIO (The Panti Sisters)
6. RK BAGATSING (Cuddle Weather)

Best Performance by an Actress in a Leading Role

1. ANGIE FERRO (Lola Igna)
2. SUE RAMIREZ (Cuddle Weather)
3. ANITA LINDA (Circa)
4. ARCI MUÑOZ (Open)
5. JEAN GARCIA (Watch Me Kill)
6. GABBI GARCIA (LSS)
7. MARIS RACAL (I’m Ellenya L.)

Best Performance by an Actor in a Supporting Role

1. JOHN ARCILLA (The Panti Sisters)
2. ELIJAH CANLAS (LSS)
3. ENCHONG DEE (Circa)
4. VANCE LARENA (Open)
5. RICKY DAVAO (Circa)

Best Performance by an Actress in a Supporting Role

1. TUESDAY VARGAS (LSS)
2. JACLYN JOSE (Circa)
3. MA. ISABEL LOPEZ (Lola Igna)
4. MERYLL SORIANO (Lola Igna)
5. INA RAYMUNDO (Open)
6. IANA BERNARDEZ (LSS)
7. GINA ALAJAR (Circa)
8. ELIZABETH OROPESA (Circa)
9. VIA ANTONIO (The Panti Sisters)
10. ROXANNE BARCELO (The Panti Sisters)

Until next year!!

MOVIE REVIEW: CUDDLE WEATHER (Rod Marmol, 2019)

AC44383B-988E-49B2-AAC0-CEEA9C212F5C

SPOILER ALERT!!

Ang tapang ni Sue Ramirez bilang Adela/Stephanie/Marie/(your hooker alias is your first pet + street name). Ganitong klaseng marupokpok (sorry, sex worker) role ang di gagawin ng mga contemporaries niya sa takot na mawalan ng Modess endorsement deal. Pero siya deadma lang at todo emote habang pinapakain ang kanyang sushi sa mga DOM.

Hindi ko alam saang mundo nag-e-exist ang realidad daw na ito. Nagpuputa si Adela kasi wala siyang ibang skills para kumita ng pera pero wala lang sa kanya magbayad ng 1k para sa ilang oras ng cuddling. Girl, di mo man lang ba naisip kung ano ang isinubo mo para dyan? (At may scene pa na nagtapon siya ng 1000 peso bills sa balcony ng condo niya na parang siya si Old Rose sa Titanic na nagtapon ng Heart of the Ocean.)

Tapos ibinahay niya si Ram (RK Bagatsing) and acted as his mentor slash bugaw with the condition na hindi siya titigasan sa kanya (and syempre bawal ma-in love, although alam naman natin lahat saan ito mapupunta bilang kasama ang Migraine ng Moonstar 88 sa soundtrack).

Nung una akala ko magiging Pretty Woman ang story, except na call boy din si Richard Gere. Pero with Adela’s purple wig and statement na ang pokpok ay hindi nagsasabi ng totoong pangalan, na-realize ko na mas gusto niya ang Closer feels as a Pinoy romcom. Yung ultimo pagtatahi meron hugot (“Minsan kapag ayaw pumasok, sabihan mo lang ng I love you at papasok din yan.”). Nyek.

Ang unfortunate kasi may dalang lungkot ang love story ng dalawang mahirap na pokpok trying to salvage whatever’s left of their dignity. Kahit medyo na-bother ako na puro matrona ang clientele ni Ram para matuloy ang love story. Magandang layer sana na tanggap din ni Adela na pumapatol siya sa bakla, no?

Sayang din kasi malakas ang chemisty nina Sue at RK at may dalang kilig yung slow dance nila sa kalsada under the neon warmth of the red light district (bilang hindi nag-JS Prom si Ram). Kaso kulang talaga eh. Kung sila nga walang paki at tuloy ang landian kahit may nag-ra-raid na sa motmot nila eh mas lalo ako walang paki sa kanila. Go lang humayo kayo at magpaka-pokpok.

Rating: ★★☆☆☆