PANDANGGO SA HUKAY (Sheryl Rose Andes, 2019)

75A92C60-6252-41FA-8400-94DBD6E423A0

SPOILER ALERT!!

Naawa lang ako kay Iza Calzado dito. Sobrang committed niya sa role kahit biglang pinag-shinger siya habang pinapanood si Bembol Roco (may fetish si Elena sa kalbo?) pagkatapos ginawang joke time ang rape niya.

Ganda na nung simula na parang a day in the life of a midwife tapos biglang nagkalat sa second half na may kidnapping arc ng Etibak Gang. As in super kalat. Yung mapapaisip ka paano nanalo ng Palanca award ang screenplay eh nothing really made sense sa pinaggagawa ng mga characters.

Gusto pa ata ng pelikula na maging dark comedy sa dulo kasi may eksena na naka-handcuff si Elena sa pintuan ng ref tapos binabaril siya ng mga kidnappers habang umiiwas sa mga bala na parang nagsasayaw. Akala ko nga papasok ang music, ipapatong niya sa ulo ang natanggal na pinto, tapos magsasayaw siya ng pandanggo.

You really can’t spell Etibak Gang without ebak. (Kung di ko lang talaga mahal ‘tong si Iza…)

Rating: ★★☆☆☆