THE BEST OF PINOY CINEMA 2019

93CE0B57-E393-49E8-BEC0-77D53B3C690E

76EA4C38-5C7B-45BC-A425-2C26481B05E2

1. RICKY DAVAO (F#*@bois)
2. SOLIMAN CRUZ (Iska)
3. VANCE LARENA (Dead Kids)
4. JC SANTOS (Miracle in Cell No. 7)
5. JOEM BASCON (Write About Love)
6. JOHN ARCILLA (Miracle in Cell No. 7)

FFC15ED2-E72B-428B-91FA-B491A7094C22

1. TUESDAY VARGAS (LSS)
2. ANNA LUNA (Tayo sa Huling Buwan ng Taon)
3. JACLYN JOSE (Circa)
4. IANA BERNARDEZ (Metamorphosis)
5. ELORA ESPAÑO (Kalel, 15)
6. MERYLL SORIANO (Culion)

9495C5BA-BF9A-47F4-BF3B-8E15E7416F2D

1. ELIJAH CANLAS (Kalel, 15)
2. LOUISE ABUEL (Edward)
3. JANSEN MAGPUSAO (John Denver Trending)
4. CARLO AQUINO (Isa Pa, With Feelings)
5. GIO GAHOL (Sila Sila)
6. ROCCO NACINO (Write About Love)

BDCDA216-FDDF-4E2C-8AAE-C586AA995E86

1. RUBY RUIZ (Iska)
2. MERYLL SORIANO (John Denver Trending)
3. JUDY ANN SANTOS (Mindanao)
4. ANGIE FERRO (Lola Igna)
5. SARAH GERONIMO (Unforgettable)
6. LIZA SOBERANO (Alone/Together)

AC6A669C-FDA6-4CB9-A20A-61A3BCFD3469

1. HEIST SCHOOL (Julius Renomeron, Jr.)
2. ANG GASGAS NA PLAKA NI LOLO BERT (Janina Gacosta, Cheska Marfori)
3. SA AMONG AGWAT (Don Senoc)
4. THE SLUMS (Jan Andrei Cobey)

1F8899F2-589A-40E0-9AC4-64E14BA6CA0B

Written by: JUN LANA, KEAVY EUNICE VICENTE, ASH MALANUM
Directed by: JUN LANA, PERCI INTALAN

DCE9E8B4-5939-400E-B2C0-F97AEADE0160

Written by: CRISANTO AQUINO, JANYX REGALO
Directed by: CRISANTO AQUINO

D09A6B60-C28B-455A-9912-3E37AE5D98D1

Written by: JADE CASTRO, SIEGE LEDESMA
Directed by: JADE CASTRO

BF4CF740-029F-42DA-83A6-800C15825996

Written by: WANGGO GALLAGA, KOOKAI LABAYEN, DWEIN BALTAZAR
Directed by: ANDOY RANAY

76948874-1CBA-4012-9EFD-F961D0E93037

Written and directed by: ADOLF ALIX, JR.

BA5F4F4F-C56E-4C33-91E7-E7C88F69E590

Written by: JEN CHUAUNSU, KOOKAI LABAYEN
Directed by: PRIME CRUZ

FC00C13D-D0D3-4A9E-B362-0CDBB5901CED

Written by: THOP NAZARENO, JOHN PAUL BEDIA
Directed by: THOP NAZARENO

841C0C2A-F79A-41B7-985B-1EB3A00257A2

Written and directed by: JUN LANA

4A5DBBD2-EC14-4A12-9C24-FAEC5750AD93

Written and directed by: ARDEN ROD CONDEZ

MABUHAY ANG PELIKULANG PILIPINO!!

 

METRO MANILA FILM FESTIVAL 2019 SCORECARD

E531B48F-3BE6-43CA-9156-355BBCA91A14

Best Feature-Length Film

1. WRITE ABOUT LOVE (Crisanto Aquino) – ★★★★☆
2. MINDANAO (Brillante Mendoza) – ★★★☆☆
3. MIRACLE IN CELL NO. 7 (Nuel Naval) – ★★★☆☆
4. SUNOD (Carlo Ledesma) – ★★☆☆☆
5. CULION (Alvin Yapan) – ★★☆☆☆
6. MISSION UNSTAPABOL: THE DON IDENTITY (Michael Tuviera) – ★★☆☆☆
7. THE MALL, THE MERRIER (Barry Gonzalez) – ★☆☆☆☆
8. 3POL TROBOL: HULI KA BALBON! (Rodel Nacianceno) – ★☆☆☆☆

Best Performance by an Actor in a Leading Role

1. ROCCO NACINO (Write About Love)

Best Performance by an Actress in a Leading Role

1. JUDY ANN SANTOS (Mindanao)
2. MILES OCAMPO (Write About Love)
3. CARMINA VILLARROEL (Sunod)
4. IZA CALZADO (Culion)

Best Performance by an Actor in a Supporting Role

1. JC SANTOS (Miracle in Cell No. 7)
2. JOEM BASCON (Write About Love)
3. JOHN ARCILLA (Miracle in Cell No. 7)
4. ALLEN DIZON (Mindanao)
5. JOJIT LORENZO (Miracle in Cell No. 7)
6. JOEL TORRE (Miracle in Cell No. 7)
7. MON CONFIADO (Miracle in Cell No. 7)
8. SOLIMAN CRUZ (Miracle in Cell No. 7)

Best Performance by an Actress in a Supporting Role

1. MERYLL SORIANO (Culion)
2. KRYSTAL BRIMNER (Sunod)
3. YUNA TANGOG (Mindanao)
4. JASMINE CURTIS-SMITH (Culion)

Until next year!!

MIRACLE IN CELL NO. 7 (Nuel Naval, 2019)

2737E7F8-A158-4730-A62D-7B800CE4A4CA

Umiyak ako ng isang baldeng luha dun sa Korean original kahit na problematic ang story, sobrang unbelievable, at emotionally manipulative. Wala masyadong binago dito sa Pinoy version kaya mga dalawang basong luha pa rin ang iniyak ko.

Dahil hindi talaga iniba ang kwento, lumabas na napakalinis at medyo cozy ng bilibid. Yung di mo iisipin na may annual pigsa festival ang mga preso natin. Baka hindi pinayagan ang changes kahit Pinoy na ang setting, similar dun sa recent Miss Granny remake.

Yung biggest concern ko dito ay inconsistent ang portrayal ni Aga Muhlach ng isang special character. Parang hindi isip bata minsan yung delivery ng lines niya kaya medyo bumibitaw ako lalo na kapag dramatic na ang eksena. Bumawi naman siya nung dulo at lumabas ang galing ni Miguelito.

Para sa akin, yung supporting cast ang nagdala talaga ng movie. Inisip ko nga na baka mas maganda kung si John Arcilla ang bida. Muntik ako maglupasay sa sinehan nung phone call scene ni Jojit Lorenzo. Tapos daming iyak-tawa moments din with Joel Torre, Mon Confiado, at Soliman Cruz. Ang huhusay!

Pero ang standout sa grupo ay si JC Santos. Kahit ang off pakinggan nung mga bakla jokes sa kanya, madadala ka sa kanyang acting kahit na nagsasayaw lang siya bilang Sailor Moon.

If you liked the original, magugustuhan niyo din ito. If nairita lang kayo dun, wag umasa na magbabago ang opinion nyo dito. Kung di nyo pa napanood ang Korean version, available siya sa mga suking tindahan.

Rating: ★★★☆☆

CINEMA ONE ORIGINALS 2019 SHORT FILMS

AA5EB3DF-EBED-467A-ABFA-6407B6EC3C1A

LAST 2 3 4! (Genevieve Ofania, 2019) – ★★☆☆☆

Oh, it has already been broughten!!

Kung pep squad ang short film na ito sa UAAP Cheerdance Competiton, sigurado ako na ito ay Ateneo Blue Babble Batallion.

*****

SA AMONG AGWAT (Don Senoc, 2019) – ★★★★☆

Napanood ko na ito nung Cinemalaya. Maganda pa rin.

*****

ANG LUMUNOD SA ATIN (Sonia Marie Regalario, 2019) – ★★★☆☆

Pwedeng 90’s episode ng Shake, Rattle, and Roll: Syokoy. Gusto ko yung implication na nalulunod ang bata sa kanyang fantasy world kakanood ng mga paborito niyang pelikula tulad ng Ang Panday, E.T, at The Neverending Story. Hindi ko lang talaga ma-take yung isang eksena na suminghal ang nanay niya sabay sabi ng “Wala ka talaga pakialam sa pamilyang to eh. Sana ikaw na lang ang… (ultra-contrived dramatic pause).”

***

THE SLUMS (Jan Andrei Cobey, 2019) – ★★★★☆

Satire kung satire. Dami kong tawa dito. Sobrang scathing criticism sa mga exploitative docus and news features romanticizing poverty (including subtitles na walang kinalaman sa totoong sinasabi ng mga interviewees). Walang nakaligtas kahit ang silver lining speech ni Catriona, delivered by the syokoy boy sa taas na naging baklang kanal dito.

“Kung mahirap po kayo, bakit po kayo mataba?” sabay focus sa cellphone. Hala grabe siya! Napaisip tuloy ako bigla kaninong side ba ako.

*****

SA GITNA NG LUNGSOD (Ivan Cortez, 2019) – ★★☆☆☆

Nagsusumigaw ang filter ng SERIOUS DRAMA!! Sana lang hindi chaka umarte si kuyang Martial Law victim.

*****

ANG GASGAS NA PLAKA NI LOLO BERT (Janina Gacosta, Cheska Marfori, 2019) – ★★★★☆

Lakas ng tama sa puso ng kwento na ‘to. Napakahusay pa nina Dido dela Paz at Soliman Cruz. Sobrang nagustuhan ko yung ambiguity ng desires and motivations nila habang more bonding sa love for music. Ganda!!

THE SHOEMAKER (Sheron Dayoc, 2019)

A0BBD22D-6E01-4582-A6D2-8CD4B2ECE448

Magaling naman ang cast (even the scene-stealer Moi Bien). Maganda ang production values. Pero hindi ako masyadong invested sa love team nina Sherry Lara at Soliman Cruz. Natapos na’t lahat pero wala talaga ako masyadong paki.

“Hindi pala panahon ang nakakahilom ng sugat. Kung panahon, bakit nasasaktan mo pa rin ako hanggang ngayon?”. Gusto ko talaga itong recent trend ng mga oldies na di pa rin maka-move on. Ang aasim na, ang papait pa.

Rating: ★★☆☆☆

ISKA (Theodore Boborol, 2019)

D9010D2A-CB8A-4B99-BBF9-4D1FAA328404

SPOILER ALERT!!

Gusto ko talaga mahalin ang pelikulang ito nang buong-buo dahil sa powerful first scene niya kung saan si Aling Iska (ang napakahusay na si Ruby Ruiz) ay matiyagang binibihisan ang kanyang apo na special needs kid. Ang mga katulad niya na magulang/lola/guardian ang best people in the whole wide world.

Ang ganda nung umiikot lang ang kuwento sa buhay nilang maglola at sa bwiset na lolo (played to demonic perfection by Soliman Cruz, na ultimo pagkamot ng bayag eh nakakairita). Photocopy-photocopy sa UP, laba-laba with Zonrox, linis-linis ng ibang bahay as sideline. Sadyang napakahirap maging mahirap.

(Side note: Ang ganda ng sound design niya na bumagay sa top-notch surround sound system ng Evia Cinema. Naririnig ko ang lahat ng ingay sa bawat sulok ng sinehan na parang nasa gitna mismo ng Krus na Ligas.)

Kaso kasabay ng pagtaas ng kanyang blood pressure ang paggamit ng shaky cam at tuluyang pagkalat ng istorya at pagkalito sa nais niyang iparating. Kalaunan hindi ko alam kung maaawa ako sa kanya o matatawa sa bangayan nilang mag-asawa.

May subplot tungkol sa pakialamerang Martina Tulfo. May eksena ng mga aktibistang estudyante na di ko alam ano ang ipinaglalaban. Tapos biglang may staredown sina Aling Iska at Romina Mondragon na hindi totoong dragon kasi biglang umurong para ikadena si Cazzie. Iiyak na ba ako o maiiyak kakatawa?

Rating: ★★★☆☆