NABUBULOK (Sonny Calvento, 2017)

IMG_3653

SPOILER ALERT!!

My notes on Nabubulok:

1. Whatever happened to that Anti-Chismis Law? In a country powered by daily gossip (ranging from the newest kabit of your neighbor to the escapades of the resident office slut to the questionable sexual preference of a popular matinee idol), could that even be successfully implemented?

The great Jessica Zafra once said that we could never breed serial killers in our country because we’re a nation of nosy people. Secrets could never be kept for long in a community since Pinoys are naturally suspicious of the littlest odd behaviours of others.

This was the very first thing that came to mind while watching this mystery-thriller (in my mind, more of a dark comedy slash social commentary) about an American accused of killing his Pinay wife and how he was subjected to a public trial by chismis (or was it?).

2. How apt that the gossip started from local labandera Aling Ingrid (a brilliant Gina Alajar, her “Putang Ina” scene alone deserved a Balanghai), who smelled something rotten emanating from the house next door and immediately concluded that her cousin Luna (Sue Prado) was killed by foreigner husband Jason (Billy Ray Gallion).

She then had the audacity to ask her son (“Rockyyyyy!!”) to climb a tree just to check on their shady neighbor (in this scene, they were talking too loudly not to get noticed, though). When the seed of doubt was planted, it was funny and ultimately scary to see just how fast it grew and spread around the xenophobic town.

3. Definitely not happy that characters in Pinoy films named Jason always turned out to be villains and this was no exception. Fortunately, they were mostly good-looking and the one here resembled Hugh Jackman in his younger Logan days.

4. I had some problems with the bad lighting especially since most of the scenes were shot at night and I strained my eyes trying to decipher what was happening onscreen. It almost ruined that exciting trespassing sequence with Rommel (JC Santos, required to go topless in one scene).

Also, was the Harper family actually living in complete darkness? Was that why the policemen never bothered to turn on any of the lights when they searched the house?

The day shots were just as bad since one couldn’t even see what was written on cellphone screens. I expected the washed out colors for added effect, but it shouldn’t require a visit to an opthalmologist after.

5. This movie had the balls to actually associate the Duterte administration with the current vigilante culture. The President’s face was plastered everywhere, even on a killer’s shirt. I guess that smell of decay might be coming from the current state of our society as well.

6. Some of the subtitles weren’t in sync with what the characters were saying. In one scene, the word “Motherfucker” was shown, but nobody was actually cursing. ‘Nak ng tokwa!

7. The funniest moments were just from some random lines delivered by extras:

• Horny Ate entering the internet cafe: “Kuya, one hours!”

• Single Ate on a boyfriend that she met through a miraculous santo: “Magpapa-free taste na ako sa kanya!”

• Host of a gay beauty pageant: “Thank you Anne Curtis. Next we have Champagne Morales!” (I was the only one who really laughed out loud during this part because I could still remember the Metropop rivalry between Champagne and Roxanne “Roxee B!” Barcelo, surely the Pia Wurtzbach of singing competitions.)

8. What was up with that rushed Calvento Files ending? Did we really need a title card to explain what happened to each character? Whatever happened to the “Show, Don’t Tell” rule of film?

Rating: ★★★☆☆

Metro Manila Film Festival 2016 Scorecard

img_0339

After travelling to three cities and four cinemas in two days, I have officially completed the MMFF2016 marathon.

I’m happy to report that the festival achieved its goal and stayed true to its promise of change, of giving the Pinoy audience something new during the holiday season.

Even with a supposed indie selection, I still had a great time in cinemas. Some films made me laugh out loud, some made me cry like a baby, one scared me to my core, the rest I enjoyed watching with young ones (yes, even kids liked these indies!), but most importantly, they required me to think.

Napakasarap makatikim ng ibang klaseng putahe ngayong Kapaskuhan. Hinihintay na lang nila ang ating suporta.

With that said, here’s my festival scorecard:

Best Picture

img_0327

1. SUNDAY BEAUTY QUEEN (Baby Ruth Villarama, 2016) – ★★★★★

Napakagandang pelikula! Matututo kang magpasalamat sa bawat biyayang natanggap, pati na rin sa mga sakripisyong hindi mo ginagawa.

At bes, huwag mong sabihin na ayaw mong manood ng malungkot ngayong Pasko dahil sigurado akong pinanood at iniyakan mo lahat ng Christmas ads ng Uber, Selecta, at Coke. Magdala ng isang box ng tissues.

Dahil ang Pasko ay para sa mga bata, isama ang buong pamilya at manood na kayo. Now na. Tapos group hug kayo after. Merry Christmas!! 😊

 

img_0328
2. DIE BEAUTIFUL (Jun Lana, 2016) – ★★★★★

Nakakatuwang makatikim ng isang matalinong comedy sa MMFF. Yung nakakatawa ang mga linya at patok sa masa kahit wala ni isang karakter na nahuhulog galing sa bubungan.

Mas nakakatuwa na ang ganitong klaseng produkto ay tinatangkilik ngayon ng mga manonood (puno ang sinehan nung screening namin sa GB3). Pwede naman pala. Kaya naman pala.

Ang talento ni Paolo Ballesteros sa pelikulang ito ay directly proportional sa kanyang kagandahan bilang Trisha Echevarria. Ang husay! Hindi rin nagpakabog si Christian Bables na napakagaling bilang si BFF Barbs. #FriendshipGoals talaga sila. Sana masungkit nila ang Lead at Supporting Actor trophies.

Nuod na mga bes!! 😊

 

img_0324

3. SEKLUSYON (Erik Matti, 2016) – ★★★★☆

Sobrang nanghihinayang ako sa pelikulang ito dahil mas maganda pa sana siya kung marunong lamang umarte ang apat na deacons lalo na si Ronnie Alonte.

Ang husay ng technical aspects mula sa production hanggang sound design. Mahirap makalimutan ang lahat ng religious imagery na ginamit dito. Mahusay din ang direksyon para sa isang kakaibang Pinoy horror movie.

Ito talaga ang perfect anti-Christmas movie ngayong taon. Hahamunin kang mag-isip tungkol sa katatagan ng iyong pananampalataya.

 

img_0319
4. ANG BABAE SA SEPTIC TANK 2: #FOREVERISNOTENOUGH (Marlon Rivera, 2016) – ★★★★☆

Para sa katulad kong napanood na ata lahat ng Pinoy rom-com at kabisado na ang Star Cinema formula, natawa ako sobra sa pagka-brutal ng pelikulang ito. Bugbog na bugbog ang mainstream filmmaking at escapism in cinema. Walang sinanto katulad ng ginawa nila sa indie filmmaking at poverty porn doon sa unang pelikula.

Awakening talaga ito ni Eugene Domingo. Amoy na amoy ko na naman ang deserving na panalo as Best Actress. Sa three levels of hugot pa lang niya, sulit na ang bayad.

Magaling din si Jericho Rosales bilang Jericho Rosales. May self-awareness ang pagka-plakado bilang rom-com leading man. Naalala ko tuloy si Jaclyn Jose dun sa film within a film ng Tuhog.

Medyo off lang yung abrupt shift in tone dahil sa love story ni Kean Cipriano (na isiningit to ground the film). Pero totoong hinika ako kakatawa hanggang sa pinakahuling sequence. Waging-wagi!!

 

img_0323

5. SAVING SALLY (Avid Liongoren, 2016) – ★★★☆☆

Gusto kong tumira sa makulay na mundo ni Marty kahit puno sya ng mga monsters dahil gusto ko makita ang Warner Barberos at Sandara Park. Naalala ko tuloy ang fantasy element ng Scott Pilgrim Vs The World dito.

Nakakakilig at bagay ang tambalang Enzo Marcos at Rhian Ramos. Sana lamang hindi sila Ingles magsalita kasi medyo off para sa akin. Ang hirap lubos na ma-feel ng story dahil sa coniotic speak (ironic ba?). Para lang akong napadaan ulit sa THE Ateneo conyo bench sa labas ng caf. Higad na lang ang kulang para makumpleto ang experience.

“You wanted mayhem, war, and chaos, but isn’t that what love is all about?” Tumpak!!

 

img_0322
6. ORO (Alvin Yapan, 2016) – ★★★☆☆

Nag-flashback sa akin ang mga naunang seasons ng American Horror Story sa mga tilted frames na parang see-saw sa pagpapalit-palit. Parang weighing scale na mahirap hanapan ng balanse.

Maganda ang mensahe ng pelikula bilang environmental drama. Malaman ang sinasabi at mabigat sa mga metaphors at symbolisms. May bonus pa na supernatural element (na hindi ko nagustuhan sa Ang Tulay ng San Sebastian pero pasok sa banga sa An Kubo Sa Kawayanan).

Palaban si Irma Adlawan (lagi naman eh). Tindig at upo pa lang naniniwala na akong siya talaga si Kapitana. Sana lang hindi reactionary ang halos lahat ng kanyang eksena kasi siya ang totoong ginto ng pelikula.

 

img_0326
7. VINCE & KATH & JAMES (Theodore Boborol, 2016) – ★★☆☆☆

Walang bago maliban sa mga artista. Pinagtagpi-tagping cliches na napanood na natin sa mga dating rom-coms. Hindi rin naman masyadong na-utilize ang textserye origins niya. Halos nakumpleto niya ang checklist ng Star Cinema formula na kinukutya sa Septic Tank 2. Sunset lang ang kulang.

May natural charm itong si Joshua Garcia. Magaling siya dun sa confrontation scene nila ni Ina Raymundo, parang early John Lloyd. Akala ko maiirita ako kay Julia Barretto dito kaya nagulat ako na maayos naman siya, parang early Ate Clau.

Kinilig ang mga teenagers na kasabay kong nanuod. Masyado na ata akong matanda para sa ganitong genre.

 

img_0321
8. KABISERA (Arturo San Agustin, Real Florido, 2016) – ★★☆☆☆

Maganda sana dahil napapanahon ang tema nito tungkol sa extrajudicial killings ngunit hindi maayos ang pagkakalahad ng kwento.

Parang binigyan ang bawat artista ng kanyang sariling dramatic highlight para magpakitang-gilas kaya lahat sila eh three notches higher ang akting. Maliban kay Nora Aunor, parang hindi na mabibigyan ng susunod na project ang supporting cast kaya bigay todo na sa pag-ngawa kahit hindi naman kelangan sa eksena.

Ang daming mga bagay na parang walang sense at pinahaba lamang para mapuno ang two hour requirement. Mas mabuti pa yata kung ginawa na lamang siyang episode ng MMK.

 

Best Performance by an Actor in a Leading Role

1. PAOLO BALLESTEROS (Die Beautiful)

2. JOSHUA GARCIA (Vince & Kath & James)
3. JOEM BASCON (Oro)
4. ENZO MARCOS (Saving Sally)

Best Performance by an Actress in a Leading Role

1. EUGENE DOMINGO (Ang Babae sa Septic Tank 2: #ForeverIsNotEnough)
2. IRMA ADLAWAN (Oro)
3. NORA AUNOR (Kabisera)
4. RHIAN RAMOS (Saving Sally)

Best Performance by an Actor in a Supporting Role

1. CHRISTIAN BABLES (Die Beautiful)

2. LOU VELOSO (Seklusyon)
3. JERICHO ROSALES (Ang Babae sa Septic Tank 2: #ForeverIsNotEnough)
4. NEIL RYAN SESE (Seklusyon)
5. LOU VELOSO (Die Beautiful)

Best Performance by an Actress in a Supporting Role

1. RHED BUSTAMANTE (Seklusyon)
2. PHOEBE WALKER (Seklusyon)
3. MERCEDES CABRAL (Oro)
4. MIMI JUAREZA (Die Beautiful)
5. GLADYS REYES (Die Beautiful)
6. SUE PRADO (Oro)
7. CAI CORTEZ (Ang Babae sa Septic Tank 2: #ForeverIsNotEnough)

Until next year!!