WATCH ME KILL (Tyrone Acierto, 2019)

CC0079D5-6428-4C6D-933E-E4F62518A034

SPOILER ALERT!!

Sabi nga ni Tyler Durden, “The first rule of Fight Club is: You do not talk about Fight Club. The second rule of Fight Club is: You do not talk about Fight Club” so wala na ako ibang sasabihin. Chz.

Nakakatakot ang stone-cold killer character dito ni Jean Garcia. Galit na galit siya sa mundo kaya lahat ng tumatakbo papalayo sa kanya eh agad na pinapaputukan (kaya siguro wala rin siya jowa, no?). Mas walang puso pa siya kay Madam Claudia Buenavista na nagsusunog ng mga alipin. Pati walang kamuwang-muwang na Bounty Fresh chicken hindi pinatawad sa panggigigil niya. Siya lang ang kilala ko na mainit pa rin ang ulo kahit kumakain na ng isang bandehadong kanin. Di ko na pinag-isipan masyado at baka pati ako ay mabaril kapag nagtanong. (Kung ako sa inyo, hindi ko siya isasali sa Fortnite at siguradong ubos kayo.)

Ganito ang mga pelikulang very style over substance. Yung ramdam mo na ambitious dahil sa nagmumurang cinematography (stunning yung final scene kahit parang hawig siya dun sa isa pang pelikula ni Junyka Santarin na Musmos dot dot dot ang haba ng title). Natutulala na lang ako sa ganda ng wide shots, although kapag sinasabayan ng Western musical score eh napapaisip ako na papasok any time si Clint Eastwood (o kaya si Marlboro Man na nakasakay sa kabayo habang nagsasabi ng “Come to where the flavor is. Come to Marlboro Country!”).

Tapos may scene na nag-uusap ang dalawang tao na parehong nakatalikod sa camera habang nakatayo side-by-side pero sa opposite ends ng frame with the bulubundukin sa background para ahrt. To be fair, justifiable naman yung win ni Tyrone Acierto. May mga interesting directorial choices siya dito that worked. Kelangan niya lang talaga ng magandang story na ikukwento (preferably without a lame twist) para less bagot.

For now, Watch Me Kill… your time. Chz.

Rating: ★★☆☆☆