MOVIE REVIEW: THE ETERNITY BETWEEN SECONDS (Alec Figuracion, 2018)

528E0640-1BE4-4D57-8F08-59DA64F944B2

If I were ever stuck in a foreign airport and a complete stranger began telling me his fondest memories of tadpoles swimming in a puddle, I would politely smile, run away as far as possible, head over to the nearest Starbucks, and drown myself in caffeine.

“Phony sentimentality and unfounded nostalgia”? Their words, not mine.

The awkward and empty conversations probably would have worked with a much better actress. Sadly, Yeng Constantino having a meltdown in a public toilet just reminded me of that Jake Zyrus meme where he was crying over a stolen Mio.

My soul is on a direct flight to hell, I know.

Rating: ★★☆☆☆

(Originally published May 15, 2018.)

MOVIE REVIEW: WRITE ABOUT LOVE (Crisanto Aquino, 2019)

6FF4AC3D-0C94-475B-93A4-3719E403A552

Probably the biggest surprise of this year’s festival. As in wala akong gana panoorin siya after ko makita ang trailer lalo pa at parang typical hugot romcom. Tapos mukhang Kuya and Bunso levels sina Rocco Nacino at Miles Ocampo (which the film smartly acknowledged). I was so happy to be proven wrong.

Ang lakas ng chemistry nung dalawa. Yung ayoko talaga ng sisig pero mukhang mapapakain ako sa sobrang kilig. Tapos magaling talaga sila pareho umarte. May kanya-kanyang dramatic highlights. Ganda ng pagkagamit sa trope na nasa parehong eksena sila ng mga creations nila.

Nagustuhan ko yung discussions tungkol sa thought processes nila as writers. Ang apt nung reference sa Trip to Quiapo ni Ricky Lee. Alam ko na may taste rin si Ms. Rom-Com kasi ilan sa mga paborito niya ay Got 2 Believe, One More Chance, at That Thing Called Tadhana.

May hawig siya sa Last Fool Show na pinalabas early this year with its stab at formulaic local romance flicks. Natawa ako sa Villegas-Jadaone reference, sa pelikulang “I’m Drunk, I Hate You” at sa pagsingit ng memorable hugot na “Mahal mo ba talaga ako o minahal mo lang ako?”.

Mahusay din dito sina Joem Bascon at kahit si Romnick Sarmenta in a small role. Ang only weak link ay si Yeng Constantino. Di na nga sya mukhang leading lady in a Star Cinema-ish movie tapos di pa marunong umiyak. Parang pinili lang siya kasi singer sa banda yung character nya so kelangan magaling kumanta. Sayang.

My favorite quotes:

• “Ganun naman ang love eh, minsan bullshit.” (Tapos napasubo na lang si Miles ng lettuce wrap haha!)

• “People who love are capable of hurting.” (Tagos!)

• “Nasa pag-revise kasi lumalabas ang ganda ng isinusulat.” (HAHAHAHAHA! Bato-bato sa langit, ang tamaan ay pangit.)

Rating: ★★★★☆

EDWARD (Thop Nazareno, 2019)

FA190D26-2104-463E-B885-E325127B20E1

SPOILER ALERT!!

Yeng Constantino left the group.

Pero seryoso, nakakapanlumo ang current state ng public healthcare natin. Parang magkakasakit din ako habang nakikita ang kakulangan ng staff and proper equipment sa ospital dito. Yung feeling na parang dinala ka dun para lang mapabilis ang pagkamatay mo. Bigat sa puso.

Nagustuhan ko si Louise Abuel sa title role ha. May natural charm siya na reminiscent of Stefano Mori kahit nililibag ang leeg niya. Tapos sobrang effective ni Dido dela Paz na hindi na rin ako makahinga sa bawat ubo niya. Pero pinakanatuwa ako kay Sarah Brakensiek as Nurse Daisy. Sample bedside manner ala nanay: “Cellphone ka nang cellphone hindi ka pa magaling!!”

Ewan ko ba kung anong kasalanan ko dito kay Thop Nazareno. Hindi ko naman naging jowa pero grabe lagi mangwasak ng puso. Ang lakas pa naman ng ilaw sa sinehan ng Evia nakita tuloy ng iba na namumugto mata ko dahil sa lecheng cupcake socks at sheer hopelessness ng ending.

Ang impressive pa ng mga long takes niya lalo na yung opening shot sa ER. Dun pa lang ipapanalangin mo na na sana sapat ang savings at insurance mo para di ka madala sa similar medical facility. Wala na ba talagang lunas ang sakit na ito?

Rating: ★★★★☆